Chapter 31

54.2K 1.5K 252
                                    

"Bakit ba kasama pa ako?" Reklamo ni Khimlie na nakasakay sa kotse ni Traverse. Traverse rolled his eyes. Kanina pa siya naiirita sa babaeng ito kung wala lang silang kasamang mga tauhan nila ay kanina niya pa sininghalan ang dalagang kasama.

Isinama sila nina Lorenzo sa Star City sa kagustuhan na rin ni Heronisa. Alam naman nilang lahat na kung ano ang nais at kagustuhan nito ay sinusunod agad ni Lorenzo. Lorenzo is head over heels inlove with Heronisa.

Kung ano man ang nais ng dalaga, ibinibigay agad ito ni Lorenzo. Walang makakapigil sa binata na iispoil si Heronisa kahit pa si Traverse mismo na kanang-kamay niya ay walang masabi dito.

Kalabanin mo na ang lahat huwag lang ang dalaga dahil higit na mas makapangyarihan ang taong umaalalay dito. "Kasama ka kasi 'yon ang nais ng pasyente mo." Hindi mapigilang sagot ni Traverse dito.

Pagkatapos ng meeting sa mga hapon kahapon ay hindi na umimik pa si Lorenzo dito kahit ilang beses pa siyang tanungin ni Heronisa palagi niyang sinasabi sa dalaga na maayos lang ang lahat at walang dapat ipag-aalala ang dalaga ukol rito.

Sinamaan ni Khimlie nang tingin si Traverse hindi naman siya ang tinatanong ng dalaga, ang sarili niya ang kausap niya hindi ito. Walang makakapigil sa pagtatalo ng dalawa dahil nasa kabilang sasakyan ang Boss at si Heronisa mas nais ni Lorenzo na mapag-isa sila ng kanyang baby doll dahil mas nagagawa niya ang maging sweet dito.

Ayaw niyang palaging makita ng mga tauhan na pagdating sa dalaga ay napakalambot ng puso niya. Ayaw ni Lorenzo na maisip ng mga tauhan niya at abusuhin ang kabaitan niya, tanging sa dalaga niya lamang ipapakita ito at wala ng iba.

"Am I speaking to you?" Khimlie raised her brows, her gaze fixed on Traverse. Their men insisted that Khimlie sit in the back seat. Bukod sa dalawang tauhang kasama nila Traverse ang iba ay nakasunod lang at hindi nagpapahalata.

Naka-civilian ang mga ito katulad din nila. It's Lorenzo's way so, his men would not scare the other persons visiting the Star City. Mabuti na rin ito upang makagalaw sila nang hindi pinaghihinalaan ng ibang tao.

Traverse snapped his gaze at Khimlie while driving the car. Nanlaki naman ang mata ng dalaga at sinigawan ang binata. "Hoy! Kung gusto mong magpakamatay huwag mo ako idamay! Nag-iipon pa ako sa pamilya ko ano!" Ngumisi lang si Traverse bilang tugon sa dalaga.

Now, they were even. Sa ingay ba naman ni Khimlie tila hindi naman sarili nito ang kausap nito kundi sila. Panay ang reklamo nito gayong rinig naman siya ng lahat. Napairap nalang ang dalaga at natahimik sa kinauupuan at kinuha ang cellphone.

Binuksan nalang nito ang facebook account kaysa makipag-argumento kay Traverse gayong wala namang magpapatalo sa kanilang dalawa.

Traverse sighed. Nitong mga nakaraang araw kung wala siyang ginagawa ay ang therapist ni Heronisa ang inaasar niya at gustong-gusto niyang namumula ang mukha nito sa galit.

Kapag nangyayari yon ay nabubuo na ang araw niya. He was drawn to the woman beside him, but he also felt he was betraying himself. Hindi niya alam kung siya lang ba talaga o talaga bang natotomboy na siya sa dalaga?

For f*ck's sake, he had a woman's heart! But why does his heart race when he sees Khimlie? Hindi na niya maintindihan ang sarili niya pero isa lang alam niya habang nakikita niya ang dalaga hindi siya titigil sa pagpapansin dito.

'Argh! Shit! I'm doomed!' Aniya sa sarili na ipinagtaka ng mga taong sakay ng kotse niya. They looked at Traverse weirdly. Tinignan ng binata ang mga tauhan sa likod niya at napakamot nalang ng kilay.

He's guilty. Basang-basa siya ng mga kasamahan niya samantalang itong dalagang nasa tabi niya walang pakialam. Samantala, sa kotse ni Lorenzo. Ang kamay naman ng binata ay hindi maalis-alis sa kamay ng dalaga.

Ruthless Men Series 3:Lorenzo's RedemptionWhere stories live. Discover now