Chapter 45

40.9K 1.2K 53
                                    


Nakatingin si Heronisa sa mga matatandang nasa harapan niya. They were gulping and staring at her. She is a carbon copy of her father. She is the female counterpart to her father. The elders of the Kazuma Clan are present, but they are powerless to help their Princess. Hawak silang lahat ni Hiroshi.

The most recent oyabun or boss before Heronisa's father shows up, his tears welling up in his eyes as he gazes at his granddaughter. Labing-siyam na taon din niyang hindi nakita ang apo at ngayong narito ay wala naman itong magawa.

Tulak-tulak nalang sa wheel chair ang matanda at hindi na ito masyadong nakakapagsalita mula sa paglumpo ni Hiroshi dito. Ngayon lang muli ito nagpakita ng emosyon, ngayon lang muli habang pinagmamasdan ang apong hindi nakasanayan ang buhay bilang isang Yakuza Princess.

"Take a look at her! Take a look at your hime! Why would she save all of you if she can't even protect herself?" Dinala ni Hiroshi ang dalaga sa Japan at dito ipapakita sa buong pamilya nito kung paano papatayin ang kahuli-hulihang magmamana ng kanilang legacy.

Wala nang susunod, wala na dahil tatapusin na ito ni Hiroshi. Ngunit, bago ang bagay na iyon nais muna ng matanda na dadahan-dahanin ang kawalang pag-asa ng mga taong umaasa sa pagbabalik ng kanilang Prinsesa.

Heronisa doesn't understand a thing. Wala siyang maintindihan sa sinasabi ni Hiroshi kahit na isa. Natatakot ang dalaga dahil wala siya sa pamilyar na lugar na kinamulatan niya. Ang buong paligid ay hindi pamilyar sa dalaga ni hindi niya alam kung saang parte siya ng Japan dinala ni Hiroshi.

Tahimik ang dalaga pero namumutla ito mula sa pagkauhaw at pagkagutom. While everyone is looking, Heronisa has just placed here. They looked at her as if she had two heads.

Nakikita niyang halos lahat ng nasa harapan ay matatanda at habang nasa likod naman nito ay mga babae at lalaki na tinatabunan ang takot sapapamagitan ng walang emosyon sa kanilang mga mukha.

Ang nakakuha ng atensyon ni Heronisa ay ang matandang naka-wheel chair na lumuluha. Suot pa rin ng dalaga ang damit niya mula nang sapilitan siyang dalhin ni Hiroshi dito. Lumapit si Hiroshi kay Heronisa at hinila ang buhok nito.

"Look at your people; they expect you to save them. They are hoping that you will carry on your parents' legacy. They are, however, completely inaccurate! I'm looking forward to destroying their lone hope." Hiroshi grinned.

Hiroshi punched Heronisa in the gut, eliciting a painful groaned from the girl. Napaupo sa dalaga sa puwesto niya sa harapan ng lahat, nakaluhod siya kanina  na parang sinasamba si Hiroshi.

Sinipa pa ng matanda ang kanyang tiyan, namilipit sa sakit ang dalaga habang ang mukha ay nasa bermuda grass. She vomitted her own blood.

Tinakpan ng mga babae ang mga mata ng kanilang mga anak habang pinapanood ang dalaga. Hindi niya kilala ang mga taong nasa harapan pero bakit tila nakikisimpatya ang mga ito sa kanya. Hiroshi is evil.

Isinusumpa ng dalaga ang pangalan ito magmula ngayon, hindi lang ang sakit sa buong katawan ang dinadamdam ng dalaga. Ang sakit sa puso nitong kumikirot habang pinapanood ang mga kaibigan at kasamahan na isa-isang kinitlan ng mga buhay.

Pakiramdam ng dalaga ay kasalanan niya kung bakit maraming buhay ang nawala nang dahil sa kanya. Hinila ni Hiroshi ang buhok ng dalaga at pilit na itinataas ito upang makita niya ang mga mukha ng mga taong nag-antay sa pagbabalik niya nang ilang taon.

Ruthless Men Series 3:Lorenzo's RedemptionWhere stories live. Discover now