C h a p t e r 77: Uri Frixie-yah, please come back ...

136 10 15
                                    

C h a p t e r 77: Uri Frixie-yah, please come back ...

Luhan's POV

"Hyung, ano na? Saan daw yung address?" Naiinis na tanong ni Chen dahil kanina pa kami paikot-ikot dito.

Maliit na isla lang ito at sa kabila pa kami bumaba ng eroplano at kailangan namin na sumakay pa ng motor boat kasi sobrang probinsya na pala nito. Walang gaanong signal at mahahalata mo din talaga na ang mga tao dito ay mga laking probinsya.

Ang liliit lang ng mga bahay at luma na pero sa nakikita namin, na bawat may masasalubong kami ay parang namamangha at nagtataka saamin. Panigurado ako na magkaka kilala na sila lahat dito dahil maliit lang din talaga yung isla.

"Excuse me po" sabi ni Suho at napa simangot naman sa kaniya ang matandang lalaki. "Ah .. eh paumanhin po, alam niyo po ba kung saan ito?" Kinuha niya kay Kyungsoo yung papel at pinakita ang naka sulat doon.

"Ah, ito ba iho?" Nginitian kami ng matanda "ang ga-gwapo niyo naman ano, mga taga saan ba kayo mga iho?"

"Taga Seoul po kami" kanina pa naka tanggal yung mga takip namin sa mukha kasi alam din namin na walang makaka kilala saamin dito, kung meron man, sobrang madalang lang.

"Kung hindi niyo naitatanong eh ganiyan din ako ka-gwapo nung kabataan ko hahaha biro lang. Iyang bahay na nasa likod niyo mismo, iyan iyon" sabi niya at nag bow kami sa kaniya.

"Jeongmal kamsahabnida, ahjussi!" Sabi ni Chen at nginitian na lang kami nito bago umalis.

"Ito na, makikita na natin siya, EXO ready na ba kayo?" Tumango silang lahat maliban saakin. Hindi sa hindi pa ako handa ha pero sa kaba ko at sa kagustuhan ko na makita siya, hindi na kumikilos ang katawan ko. Parang nag-aabang na lang ako sa mga susunod na mangyayari.

Labing isa kaming nagsiksikan sa maliit ma gate, si Suho nauuna sa harap ng pintuan habang kami naman ay parang mga batang naka sunod lang sa kaniya.

"Tao po" sabi ni Suho at kinatok yung pinto.

Ilang segundo kaming nag-antay pero walang sumagot at kinatok uli niya pero wala pa din.

"Ako nga!" Sabi ni Chen na sumiksik pa papuntang harapan. "Princess?" Tapos kumatok ng limang beses, yung parang sa Frozen. Parang tanga talaga to seryoso eh biglang mag gaganyan "Do you —" biglang siyang kinotongan ni Kai kaya napakamot agad siya sa ulo niya at tinignan to ng masama.

"Akala mo hindi masakit?"

"Oo, gusto mo ulitin ko? Para masigurado ko ha?"

"Tumigil nga kayo" biglang sabi ni Kyungsoo kaya napa tigil naman yung dalawa.

"Eh ikaw ba ha sigurado ka sa address na binigay mo?" Sagot sa kaniya ni Chen

"Gusto mo ipalunok ko sayo tong papel na to?"

"Grabe naninigurado lang eh! Galit na galit gustong manakit?" Natawa naman si Sehun, Chanyeol, Tao at Baekhyun.

"Hay nako tigilan niyo na nga yan! So anong plano natin ngayon?" Sabi ni Xiumin hyung

"Mukha namang may naka tira jan, balikan na lang natin mamaya" sabi ko kaya napa lingon sila lahat saakin na akong nasa pinaka dulo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Where stories live. Discover now