C h a p t e r 72: Gone for good

810 39 44
                                    

C h a p t e r 72: Gone for good

Third Person's POV

Isang linggo na din simula nang mangyaring aksidente sa lahat ng SM Artist. Ang EXO ay nasa dorm nila ngayon, walang imikan ng isang linggo. Walang tawa, walang harutan at ultimo ang kanilang dorm ay napaka linis at parang walang naka tira.

Naghahanda ang EXO ngayon para sa kanilang interview na ayaw nilang tanggapin. Pero ano nga ba naman ang magagawa nila? Artist lang sila. At Company nila ang kakalabanin nila kapag hindi nila ito tinanggap.

"Guys, aalis na tayo." Sabi ng manager nila.

"Hindi ako thathama hyung." Diin na sabi ni Sehun. "Hindi ba dapat tumutulonh tayo maghanap kay Frithie ketha magthagot ng mga walang kwentang tanong ng reporterth?"

"Sehun--"

"Hindi hyung! Ayoko--"

"SEHUN." Galit na sabi ng kanilang manager. "May mga taong naghahanap kay Frixie. Kayo, gawin niyo ang dapat niyong gawin as an Artist ng SM."

"Hindi naman kayo ganyan Manager ah! Bakit --"

"Sehun. Ayaw din naming gawin to, as much as we want to help them to find Frixie we can't do anything. We're not a part of coast guard, Sehun. Nasa music industry tayo."

Walang nagawa si Sehun kundi ang umiyak. Isang linggo palang pero parang taon na na wala sa kanila si Frixie. Walang maingay, walang weird at walang slow sa dorm nila. Walang asaran, walang takbuhan at walang tanungan ng obvious.

Ang iba ay hindi na din mapigilan ang pag-iyak. Si Luhan, Si Luhan lamang ang tanging member na hindi mo makikitang umiyak. Pero si Luhan, siya ang pinaka nasasaktan sa lahat.

"We need to move, guys." Sabi ni Kris sabay punas ng luha niya. "We need to be there, don't lose hope. She's a strong girl. She can handle it." Dagdag nito.

Tahimik ang buong byahe papunta sa kanilang interview. Isang linggong puro interview ang kanilang ginagawa at walang pag-usad na nagaganap sa paghahanap kay Frixie.

Ultimo ang lolo ni Frixie ay nasa Hospital ngayon, depressed and stressed. Dagdag pa ang reporters na dumadagsa sa bahay nila. Buti na lang at binigyan ang Hospital ng guards kung nasaan sila ngayon.

All artists of SM are in hiatus. Tanging ang EXO lamang ang tumatanggap ng interview. Lawsuits for the airline, and tons of emotional fans.

"Hyung, hindi mo ba napansin? Laging sinasabi ni Frixie non na paramg saglit na lang natin siya kasama. Nagpapaalam ba siya?" Tanong ni Tao kay Kris sa gitna ng byahe.

"Don't think of that."

Tahimik. Tahimik silang nakarating sa kanilang destinasyon. Dati kapag tahimik sila sa byahe ibig sabihin pagod sila. Ngayon, sabi nga nila everything changes in the short term of time.

Bakit kung kailan masaya ka na, tsaka naman may kukunin sayo para masira ka ng buo? Bakit kung kailan okay na ang lahat, tsaka pa may dadating na chance para sa tadhana at sirain ito?

I think it's my fault.

Sabi ni Luhan sa isip niya.

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon