C h a p t e r 70: Everything will change

935 40 48
                                    

C h a p t e r 70: Everything will change

Luhan's POV

"Baobei, yung bag mo oh eto na" sabi ko at inabot kay Frixie yung bag, ngayon ang alis namin papuntang Hawaii para sa party ng buong SM Artists.

"Kamsaaeyo!" Sabi nya tapos nag eye smile. Ang cute talaga nitong Frixie nato. Pinisil ko yung pisngi nya tapos bigla siyang nag pout at napahawak.

"Hehe cute mo kasi eh"

"Oh! Oh! Tama na yan, sakay na dali! Ang lalandi pa eh!" Biglang sigaw ni Jongdae sa likod namin.

"Asus! Inggit ka lang hyung eh" sigaw naman ni Tao tapos nandila. "Bakit parang baligtad? Puro Hello Kitty bag ni Luhan tapos kay Frixie puro blue HAHAHAHAHAHAHA" sabi uli ni Jongdae.

"Oh tapos?" Sabi ko tapos biglang natigil yung tawa niya.

"Tapos na ano pa ba. Tsk sumakay na nga! Exo-k umalis na oh, tayo nandito pa din"

"Where's Frixie?"

"APPAAA NANDITO AKOOOO!!!! Hihihihihihihi!" Napatakip ng tenga si Kris ng biglang sumulpot si Baobei sa likod niya. "Hehe sorry, excited na kasi ako eh! Tara na dali!" Sabi niya tapos sumakay na agad sa van. Sobrang aga pa ngayon pero sobrang hyper ng babaeng to.

Mahigit isang linggo na din nung pumunta si GD dito. Wala ni isa ang nag banggit ng pagpunta niya dito tsaka buti na lang tlg tulog si Lay non at si Baekhyun naman tahimik lang din, napipigilang mag daldal tungkol sa pagpunta ni GD.

Wala pa sa kalahati yung byahe namin, kung sino ang pinaka hyper kanina aba! Yun pa ang tulog ngayon /iling/ isinandal ko na lang yung ulo niya sa balikat ko pero biglang nagising tapos sumigaw ng "NANDITO NA BA TAYO?!" Nung sinabi naming wala pa natulog uli. Ang weirdo talaga nito.

Funny, on how I hate her when I first met her and now, I just love all the things about her. Wala pang isang taon pero minahal na namin siya, minahal ko siya ng higit pa sa pagiging co-member lang. Buti nga at sila manager ay hindi alam ang panliligaw na ginawa ko, kung hindi, malamang sa malamang wala ako sa van ng Exo-m ngayon. At siguradong paghihiwalayin kami at tanging sa practice at events lang kami magkakasama.

Ilang months na lang isang taon na namin siyang member, what could possibly go wrong? Wala. Kasi aalagaan namin siya at ang grupo namin kahit anong mangyari. Ngayon pa na alam ko na, na parehas kami ng nararamdaman.

"Baobei, dito na tayo" bulong ko sakaniya tapos bigla siyang tumayo kaya tinamaan ako sa mukha. Hay nako, clumsy!!!

Pagbaba namin ang daming reporter ang nasa labas ng airport, tapos ang SNSD sunbaenims nasa harap ng van namin. Pagbaba namin bigla nilang hinatak si Frixie.

"Pahiram muna ang prinsesa niyo ah!!!" Sabi ni Tiffany sunbaenim tapos hinatak na siya papalayo saamin.

Pumunta kami sa van ng EXO-K para sabay-sabay kaming pumunta sa eroplano.

"Than thi printhethth?"

"Nasa dila mo inaayos yung lisp mo" sabi ni Kai pero minock lang siya ni Sehun ng nakatirik pa ang mata kaya natawa kaming lahat.

"Nakila SNSD sunbaenims, pahiram daw muna siya" sabi ko na lang para magtigil sila.

Lahat kami tahimik lang pagpasok sa eroplano, lahat antok pa wala nag-aasaran  HAHAHAHA mamaya mga naka Milo energy gap na yang mga yan sa beach.

Tumabi na saakin si Frixie pagkapasok nila.

"Oppa,bakit hindi maayos yung seatbelt ko! Oh tignan mo" inayos ko yung seatbelt niya pero hindi talaga maayos, parang maluwag siya na hindi mo malaman eh! Ano ba naman to.

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Where stories live. Discover now