C h a p t e r 69: Total Mess

845 38 10
                                    

C h a p t e r 69: Total Mess

3rd Person's POV

"ANG EXO!!!!" sigaw ng isa sa mga reporter dahilan para lahat sila ay mapatingin sa gawi ng EXO at magsitakbuhan papunta sa kanila. Agad namang humarang sila Kris at iba pang myembro para maprotektahan ang may sakit na si Frixie.

"If all of you don't stop and if any of EXO MEMBERS got hurt makukulong talaga kayo!" sigaw ni Manager M pero parang wala silang narinig, si Manager K naman ay tumatawag na ng pulis at ng mga bodyguards ng EXO. Managers fighting!

"Anong masasabi mo Frixie sa dating na sila Gdragon at Nana?" Sabi ng isang reporter na pilit iniaangat ang mic papunta kay Frixie at ang camera naman niyang pilit kinukunan si Frixie.

"Paano naman po siya makaka sagot niyan kung lahat kayo parang gusto na kami patayin para lang sa interview?" Inis na sabi ni Chen. Natahimik naman ang mga reporters at nagbulungan, maya-maya pa ay naghilehihlera silang lahat at naupo sa lapag. Nakipag-apir ito kay Kyungsoo ngunit hindi siya pinansin ng kwago. Kawawang Chen.

Agad ding umayos ng tayo ang members at inayos ang mga damit nila.

"To Frixie, anong masasabi niyo sa pagdate nila Gdragon at Nana?" Pag-uulit ng reporter sa tanong niya.

"Masaya po" Naka ngiting sabi ni Frixie"

"Hindi ka ba masasaktan?" Takhang tanong ng isa pa.

"Bakit? Sinapak niya po ba ako? Bakit hindi ko alam?" Biglang napatawa ang members sa sagot ni Frixie.

"Diba maayos na siya kausap kanina?! HAHAHA" Tawa ni Chanyeol.

"Ano nang mangyayari sa We Got Married niyo?"

"Huh? Bakit po ano nga po ba mangyayari? Nasa tv lang naman po yun." Napakamot na lamang ng ulo ang lahat ng reporter at sabay sabay na gumilid para padaanin sila. "Tapos na po? Eh kanina nagkakagulo po kayo ah?" Sabi ni Frixie pero agad na din siyang tinulak nila Baekhyun papasok ng dorm nila.

"Hahahaha wala nang nagawa yung mga reporterth tha ka-thlowan ni printhethth"

"Hahahaha wala ka nang nagawa para maayos yang dila mo" biglang sabi ni Kai kaya napa pout si Sehun at natawa naman ng mahina yung iba.

Pagkapasok na pagkapasok nila ay halata mo ang tensyon sa dalawa nilang manager kaya lahat sila ay tahimik na naupo sa dorm.

"Saan kayo galing?!"

"Ahh- manager M, galing po ako sa dorm ng nct dahil po nag faint ako at dun ako dinala ni Taeyong"

"TAEYONG?! May kaniya-kaniya kayong career!! Dapat nag-iingat kayo!" Tahimik ang lahat ultimo si Manager K.

"Sorry po, di na mauulit"

"Paano na lang kung nakita kayo ng mga reporters?! Sasaengs?! Issue nanaman at worse baka may mangyari sa inyo! Hindi niyo ba iniisip yun?" Lahat sila ay nakayuko lamang.

"You fainted! Shouldn't all of you suppose to call a doctor instead of bringing her to NCT's dorm?! Come on EXO!! You were BETTER than this!!" Lumapit ang manager nila kay Frixie at kinapa ang noo nito. "Mataas pa ang lagnat mo, Sehun iakyat mo na siya sa kwarto niya tatawag na ako ng doctor"

Habang paakyat si Sehun at Frixie, napabuntong hininga si Frixie.

"Bakit printhethth? May mathakit ba thayo?" Pagtatanong ni Sehun. Umiling si Frixie at tumingin kay Sehun.

"Pakiramdam ko kasi kasalanan ko eh. Sana hindi na lang ako nahimatay"

"Wag mo ithipin yun printhethth! Lahat kami may kathalanan kathi kami naka-ithip nito. Tthaka wag ka maingay kay Luge ah! Thiya talaga may kathalanan eh hehe"

"Sumbong kita!"

"Hala wag!!!"

"Joke lang hihi! Pero alam ba nila manager na .... gusto akong ligawan ni Luhan?" Hindi makatingin si Sehun sa mga mata ni Frixie.

"Oh! Andito na tayo tha kwarto mo. Thige na pahinga ka na!" Sabi ni Sehun at agad na tumalikod para hindi na magtanong pa sa kaniya si Frixie.

Sa baba naman ay pinagsasabihan pa rin sila ng manager nila. Lalo na si Luhan.

Alam ng manager nila, na may gusto na ito kay Frixie at balak ligawan. Ngunit hindi pumayag ang manager nila dahil makakasira ito sa career nila. Lalo na at wala pang isang taon na myembro ng EXO si Frixie.

Si Frixie naman ay nakahiga lang sa kwarto niya. Kinabukasan ay may schedule pa sila na magperform, kaya iniisip niya na kahit may sakit siya ay kakayanin niyang makapag perform. Kahit ayaw niyang isipin ... pakiramdam niya ay yun na ang huling beses na makaka sayaw siya sa stage.

Habang naka higa siya biglang tumunog ang cellphone niya.

Si GD pala ang nagtext sa kaniya at sinasabing "sorry" nagreply si Frixie kung bakit siya nagsosorry dahil wala naman siyang ginawang masama, kasabay non ang pagpasok ng doctor ay ng managers nila sa kwarto.

Sinuri siya ng doctor at sinabing kailangan niya lang magpahinga, binigyan siya ng gamot at pinatulog siya.

Ilang minuto lang din ay nagpaalam na ang managers nila sakanila. Lahat sila ngayon ay balik na sa dati na parang walang nangyari pero hindi nila maiwasan na magalala kay Frixie.

"Hoy!! Wag kayong magkagulo jan!! KAKA LINIS LANG NI FRIXIE JAN!" Sigaw ni Suho na ayan nagsasaway nanaman.

"Oo na hyung! Lilinisin naman eh! Ano na nga yung kinekwento ko sayo Tao?" Baekhyun

"Sa dami ng kinwento mo nakalimutan mo na kung saan ka tumigil" Tao

"Eh ikaw kelan titigil paglaki ng eyebag mo HAHAHAHAHA" Luhan

"KRIS HYUUUUUUUNG SI LUHAN OH AYAN NANAMAN"

Si Kai naman ay lumapit kay Chen na ngayon ay naka busangot.

"Bat naka busangot ang dinosaur namin? Problema mo?"

"Yung Goldfish kasi nato hindi nanaman tumigil kakatext eh, naghahang na yung cellphone ko kaka text ng kaka text niya. Ni-isa wala pa akong nareplyan sa sunod-sunod niyang pagtetext"

"Akina number ako na lang magrereply sa kaniya"

Napa ngisi si Chen sa sinabi ni Kai at agad na nagbigay ng number kay Kai. 
Tumayo si Kai pagkabigay sa kaniya ni Chen ng number at agad na tinawagan ito.

Matapos ang ilang ring ay agad namang sumagot ang babae sa kabilang linya.

"Hi Sir/Ma'am this is Glutha store, spokesperson speaking, would you like to order a glutha sir/ma'am?"

Agad na ibinaba ni Kai ang tawag at sumigaw.

"CHEEEEEEEEEEEN!!" sabay takbo ni Chen. Si Lay na natutulog naman ay agad napa tayo sa pagsigaw ni Kai pero bumalik din agad sa tulog. Si Xiumin as usual kumakain ng kumakain ng kumakain. Habang si Kyungsoo at Chanyeol naman ay naggigitara at nagkakantahan. Si Sehun naka upo kasama si Luhan at naglalaro sa cellphone. Si Kris naman ay nagdo-drawing --- di ko na sasabihin kung amo anh idinodrawing niya dahil hindi ko din naman ma-identify.

Habang lahat sila ay may kaniya-kaniyang ginagawa biglang may nagdoorbell sa dorm nila at hindi inaasahan kung sino yon.

Si Jiyong ...

Lahat sila ay nasa harap ng pinto tinitignan si GD maliban kay Lay na tulog pa din.

"Why are you here?" Pagtatanong ni Kris.

"I-I wanted to explain to Frixie"

"No need she's happy for you and we're not. And also she's sleeping." Sabi ni Kris naka yuko lang si Gd at tumango sabay ang pag-alis nito.

To be continued ...

Guys!! Sorry sa sobrang tagal ng update ko omg. Pero kahit ganon nasa 300+ ang rank natin sa fanfiction omg I'm so proud of you guys!! Thankyouuuu 💕💕 sorry lang talaga sa sobrang tagal na update ko :< Saranghaeeeee~~

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Where stories live. Discover now