C h a p t e r 51: A weird date

1.9K 97 40
                                    

Nakita niyo na ba yung cover ko?! HAHAHA KAILANGAN NIYONG MAKITA. Titigan niyong mabuti kung anong meron. Anyway, here's my UD <3 Sarang~

Frixie's POV

Gabi na pero wala pa din sila oppa. Nagtataka nga ako kung bakit eh! Chineck ko naman yung nga damit nila nandon naman. Akala ko nilayasan na nila ako. Nasan kaya sila?

Si Lay oppa lang ang kasama ko dito.

"Oppa? Nasaan ba sila? Hindi ba sila nagpaalam sayo?"

"Sorry princess ha? Nakalimutan ko kasi. Tsaka nood na lang tayo"

"Sige oppa! Baka kasi mamaya nilayasan na tayo nun"

"Wala naman silang mapupuntahan eh"

"Yun na nga eh kawawa naman, huhuhu"

Naghanap na si oppa ng cd na papanoorin namin. Pero may naalala ako.

"Oppa bakit makakalimutin ka?"

"Nakalimutan ko din kung bakit"

"Hala! HAHAHAHAHA" bakit ganon kapag si Lay oppa yung kasama ko, mas may sense siya kausap.

Tsaka okay na din yung wala sila dito. Kapag kasi nagkaka dikit kami ni Luhan oppa yung puso ko nagiging weird. Tsaka yung tyan ko parang may langaw sa loob.

"Oppa? Possible bang magka langaw yung tyan?"

"Huh? Langaw? Baka naman butterfly. Butterflies in stomach"

"HALA!! PANO YUN?! HINDI NAMAN AKO NAKALUNOK NG CATERPILLAR. Hala huhuhuhu! Dapat talaga nagpunta na ako sa doctor eh. Pano ba yun napupunta sa tyan? Ano yun kusa silang nabuhay don? Tsaka, bakit sila nandon? May bulaklak din ba yung tyan ko? Paano sila mabubuhay don kapag wala silang kinakain?" Biglang napakamot ng ulo si Lay oppa tapos umupo na sa tabi ko.

"Nakalimutan ko yung sasabihin ko. Teka aalalahanin ko lang ha, nsa dulo talaga ng dila ko yun eh!"

"Nasa dulo ng dila mo? Patingin nga ng dila mo oppa, ako nalang titingin tapos sasabihin ko para maalala mo" ngumanga naman si oppa. Pero wala naman.

"Oppa niloloko mo ba ako? Wala naman eh"

"Nandyan lang yun talaga eh" kumuha na ako ng flashlight at tinapat sa bibig ni oppa. Wala naman talaga eh!

Natigil kami nung may nag text kay oppa.

"Frixie mag bihis ka na daw! Aalis tayo"

"Saan naman tayo pupunta?"

"May surprise daw si Luhan sayo"

"Ano naman yun?"

"Mag date daw kayo pero wag daw sabihin sayo na date yun"

"Edi hindi na surprise yun! Bakit mo naman sinabi oppa"

"Eh kasi tinanong mo"

Ang gulo naman makapag bihis na nga lang.

Nagsuot lang ako ng blue na dress tapos bumaba na agad ako. Si Lay oppa naman simple lang ang suot.

Ano bang ginagawa sa date? Titigan sa calendar?

Luhan's POV

"Chen yelo ka ba?" Tanong ko kay Chen.

"Sa pogi kong to? Mag mumukha akong yelo? Pero sige, bakit?"

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Where stories live. Discover now