C h a p t e r 71: Lost

854 34 19
                                    

C h a p t e r 71: Lost

Hi guys! So last chapter na to! Sana maenjoy niyo 💕💕

JOKE LANG WAHAHAHAHAHA!!!
Remind ko lang din kayo guys! Si Taeyong ang nasa multimedia natin ha! Hindi si Luhan! 😂

Third Person's POV

"Nasaan si Frixie hyung?" Naiiyak na tanong ni Tao.

Lahat ng SM Artists ngayon ay naka balot sa twalya at halos lahat ng babae ay umiiyak.

Maliban na lang sa isang taong pinaka importante sa EXO ... si Frixie.

Si Luhan ay nakatulala lang at hindi nagsasalita, ngunit yung Luha niya patuloy na umaagos, na kahit anong pigil ang gawin ay hindi mapipigilan.

Bakit?

Ang tanging tanong ni Luhan.

Bakit siya pa? Hindi ba pwedeng ako na lang?

"Dapat masampahan ng kaso sila! Hindi nila sinabi saatin kung anong nangyayari!! Tapos bigla nalang natin malalaman, bumabagsak na ang eroplano?! WAG NIYONG SABIHING ISANG TAO LANG NAMAN ANG NAWALA, DAHIL ANG ISA AY NAKAKAAPEKTO SA LAHAT NG TAO NGAYON DITO. LAHAT KAMI NAG-AALALA AT KASALANAN YON NG KUMPANYA NIYO!" Sigaw ni Siwon na ngayon ay galit na galit.

"Luhan ... mahahanap natin siya" mahinang sabi ni Suho.

"Wag tayong mawalan ng pag-asa. Kilala natin si Frixie, kaya niya ang lahat"

"Sinabi ko sa kanila ... sinabi ko na sira yung seatbelt ni Frixie! Bakit hindi nila inayos!!" Biglang sigaw ni Luhan na ikinatahimik ng lahat. "Sa tingin ko, kasalanan ko din! BINITAWAN KO SIYA! Hindi ba dapat ako ang sisihin sa pagkawala niya?!" Lalong lumakas ang pag-iyak ni Tao at napayakap kay Kris.

Walang may alam kung magiging maayos ba ang lahat. Lahat, lahat ng SM Artist ay maayos at nakaligtas sa airplane crash. Ngunit lahat ba ay ayos lang sa pagkawala niya? Hindi man niya close ang ibang grupo na nadodoon ngayon, pero hindi mo maiaalis na nag-aalala din sila kay Frixie. She's lovable and no one can deny that.

Ang Korean Coast Guard ay ngayo'y patuloy na naghahanap sa dagat. At ang ibang sasakyang pang dagat ay nirerescue na ang mga artist. Si Lee Soo Man ay kasalukuyang kausap ang isa sa mga namumuno sa Korean Coast Guard habang si Kim Young Min naman ay ang kumakausap sa kumpanya ng eroplanong nasakyan.

Balak nilang sampahan ito ng kaso, at dahil base sa mga artist na ngayon ay mga witnesses sa pangyayaring aksidente, mataas ang tyansa nilang manalo. Ngunit, ang paghahanap kay Frixie ay ang natatanging importante sa kanila.

Dumaan ang kalahating oras at may barkong dumating. Doon lahat ng artist ipinasok para maibalik ito sa Seoul, at sa nagdaang kalahating oras, dinagsa na din ito ng mga reporters. Sari-saring tanong, sari-saring mukha at liwanag ng kamera.

Sa sobrang galit ng manager ng EXO ay agad itong lumapit at ang isang kamera ng isa sa mga reporter ay binali niya.

"Mga walang modo. Kaya ba kayo nagtapos at naging reporter para usisain ang buhay ng ibang tao? Baka naman gusto niyong madamay kayo sa demandahan? Kung gusto niyo ng matinong report, usisain niyo ang politiko at magibigay kayo ng trustable statement hindi yung nandito kayo para ibalita ang eroplanong nag crash na puno ng celebrity." Sabi nito. Dahilan para ibaba ng lahat ng reporter ang kanilang kamera at manahimik.

Ang EXO naman ay isa-isa nang pumasok sa barko, kahit na ayaw pa nilang umalis, ay kinakailangan nila.

Kumuha sila ng upuan nila at wala man kahit sino ang nagsalita. Lahat sila at naka titih sa hangin. Ang barkong akala mo ay walang tao sa loob at tanging pag-alon lang ng dagat ang iyong maririnig. Na kahit anong twalya ang gamitin mo, ilan pa man yan o gaano man kakapal. Mararamdaman mo ang lamig sa paligid. Malamig na simoy ng hangin ngunit nakakasakal. Malamig at bangungot para sa kanilang lahat. Si Siwon na kaninang sumisigaw ay nanahimik na din. Pero para sakanila, parang mas mabuti pa atang magalit at sumigaw na lang siya, kesa maupo sa isang malaking tahimik na barko.

Si Luhan, Sehun at Tao, walang tigil ang iyak. Si Luhan na tahimik at nakatunganga lamang sa hangin habang ang luha ay patuloy na umaagos. At si Tao at Sehun na humahagulgol na lalong nagpapalubha sa sitwasyon sa tahimik at malamig na barko. Ngunit kahit isa, walang nagsasalita o nagsasaway sa dalawa para tumigil.

Sa pagdapo ng malamig na hangin sa kanilang mga balat, halos lahat din ng balahibo nila ay tumatayo.

Sa pagdaan ng minuto, si Mark ng NCT ay bigla na lamang nagsalita. At lalo itong ikinakaba ng lahat.

"Nasaan si Taeyong hyung?" Mahinang sabi nito. Si Doyoung. Si Jaehyun at ang iba pa niyang members. Tinignan siya ng nanlalaki mga mata sa gulat.

Ang manager nila ay agad na tumakbo sa nagmamaneho ng barko para ibalik. Ngunit ito ay tumanggi. Agad naman tumawag ang Manager ng SNSD sa CEO at Founder nila para malaman ito.

Ang hindi nila alam, si Taeyong. Lumangoy sa dagat, naghahanap ng posibilidad na makita niya si Frixie. Nakaligtas sila noon. Makakaligtas siya ngayon.

May mga sugat si Taeyong, may mga masasakit sa kaniya. Ngunit hindi niya ito ininda, kasi si Frixie ang inaalala niya.

Lahat na ata ng dasal at nasabi niya na, patuloy siyang lumalangoy. Habang umiiyak. Nananalangin na sana, sana kahit hindi ako ang makakita sa kaniya, basta may makakita sa kaniya at buhay siya.

Huminga ito ng malalim at sumisid sa ilalim ng dagat. Hawak-hawak ang flashlight na kinuha niya mula sa coast guards na umiikot sa paligid ng dagat.

Sa paligid ng malawak at madilim na paligid ng karagatan, wala siyang makita na kahit anong Frixie. Ngunit isang kwintas ang dumapo sa kaniyang mata. Agad niya itong kinuha.

Sisisid pa sana ito pailalim ngunit may humatak sa kaniyang damit at iniangat siya.

Umiiyak siya na kala mo ay batang inagawan ng kendi. Si Taeyong na ata ang isa sa mga taong mahihirapan kang makitang umiyak, pero ngayon, umiiyak siya.

Nananalangin siya, na sana, gisingin na siya. Na sana, panaginip lang ang lahat. Na sana, hindi na lang sila sumama ni Frixie.

Inihatid siya ng isang motor boat pabalik kung nasaan na ang barko. Dumating ito ng walang tigil paring umiiyak.

Ang members niya ay nagulat sa kanilang nasasaksihan. Ang leader na humarap sa kanila noon at hindi mo maiimagine na umiiyak. Na humahagugol. Na kapag tinignan ka ng kaniyang mga matang may luha, para siyang nawawala. Parang hindi siya.

Ipinatong nila ang kanilang twalya sa katawan nito at niyakap nila. Si Mark na ngayon ay umiiyak na din. Everything is wrecked. Everyone is wrecked.

Habang humahagulgol, iniangat niya ang kamay niyang nanginginig. Iniangat niya yung kwintas na may pendant na maliit na heart.

Napatayo si Luhan dahil dito at dali-daling tumakbo papunta sa kaniya kahit nanghihina siya.

Hinatak niya ang kwelyo ni Taeyong.

"Nasaan siya?!" Sabi nito. Ngunit si Taeyong ay patuloy lamang ang pag-iyak at tanging pag-iling lang ang tangi niyang naisagot.

"TAEYONG, NASAAN SIYA?"

To be continued.

I have a question guys!! Sa comment dali!

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin