C h a p t e r 55: HANXIE

1.5K 83 22
                                    


Frixie's POV

"Oppa?!"

"OPPA?!"

"WAAAH HUHU"

Ang dilim dito waaaah wala akong makita.

Saan na kaya yung baklang hello kitty na yun? Huhuhu!

"Baklang hello kitty?! Yuhuuuuu"

Naglakad ako ng konti pero bigla akong napatid. Waaaah ang sakit ng tuhod ko huhuhu!

Tumayo ako at di na naglakad, maya-maya biglang may nagbukas na mga christmas lights.

Ang gandaaaa woowww!!!

Puro blue at gold na christmas lights tapos yung mismong ilaw nakapatay. Christmas lights lang yung naka bukas dito.

Napatingin ako sa likod ko kasi biglang may nangalabit saakin.

Pero nakita ko lang isang boquet ng bulaklak.

"Kelan pa nagkakamay ang bulaklak at nakalabit ako? Ang galing naman nun!"

Tapos pagkasabi ko non biglang bumaba sa harapan ko yung bulaklak. Hawak pala ni Luhan oppa. Ngayon naka ngiti saakin.

"Sorry kasi di kita nabigyan ng bulaklak nung unang date natin."

Kinuha ko yung bulaklak tsaka inamoy. Ang bango hihi.

Pinaupo ako ni oppa kung saan kami nakaupo kanina.

"ANONG NANGYARI SA TUHOD MO?!" Nagulat niyang tanong.

"Ah nadapa kasi ako kanina oppa. Hehe" sabi ko. Kumuha siya ng band aid sa bulsa niya tapos inilagay niya sa gasgas sa tuhod ko.

"Tsk dapat kasi nag-iingat ka ha? Gusto mo sapakin ko yung sahig? Ni hindi ka man lang sinalo"

"Nakakapanibago ka talaga oppa! Nung dati gustong-gusto mong nasasaktan ako. Pero ngayon, nag-aalala ka na saakin. Hindi talaga ako sanay"

"Hindi ko gustong nasasaktan ka dati. Sinasabi ko lang yun pero hindi ibig sabihin non gusto ko na! Ayaw ko lang makahalata ka"

"Oppa may tanong ako"

"Ano yun?"

"Bakit mas gusto mo si Hello Kitty kesa kay Doraemon? Lalaki naman si Doraemon eh blue pa! Kaso parang bakla nga lang boses niya" napatingin siya ng diretso sa mata ko.

"Alam mo sweet na sana kaso panira ka talaga"

"Bakit naman? Nagtatanong lang naman ako kung sino kila Hello Kitty at Doraemon ang gus --"

"Ikaw. Mas gusto kita sa kanilang dalawa" bigla niyang putol sa sinasabi ko ng hindi naka tingin saakin tapos umupo sa upuan nya kanina.

"Sa kanilang lahat ikaw ang pinaka gusto ko" sabi niya sabay ngumiti. Feeling ko namumula na ako ngayon.

"Pero alam mo, kahit di mo maibalik ang nararamdaman mo saakin ngayon. Mag-aantay ako, basta si Li Shang Xi yung inaantay ko. Hindi ako maiinip mag-antay sa babaeng yun" ngumiti siya ulit saakin.

"Oppa thankyou sa flower ha?" Sabi ko tapos ngumiti din. "Pero oppa? Bakit mo ba talaga ako nagustuhan? Dahil sa pagbigay ko ng panyo? Asan yung love dun? Nasa panyo?"

"HAHAHAHAHA! Kahit kailan ka talaga, walang dahilan."

"Walang dahilan?"

"Oo. Kapag nagka gusto ka naman sa isang tao hindi mo kailangan ng rason. Ako, basta si Li Shang Xi ka gusto kita. At hindi ko kailangan ang rason kung bakit kita nagustuhan, sapat na akong si Li Shang Xi ka at ikaw yung babaeng minahal ko hindi dahil sa maganda ka kundi dahil sa kung ano ka" tapos ngumiti nanaman siya.

Ang bilis bigla ng tibok ng puso ko ngayon at tsaka ang saya-saya ng pakiramdam ko. Bakit kaya?

"Oh!" Bigla niya akong inabutan ng ice cream na cookis n' cream.

"WAAAAH!!!" Sigaw ko sabay kuha nung ice cream sa kaniya.

"Pero oppa, nainlove ka na din ba?"

"Ayokong mag sinungaling sayo pero oo. Nainlove na ako, at it takes years bago ako naka move-on sa kaniya. Mag-iisang taon na ang EXO tsaka lang ako naka move-on sa kaniya. Pero wag ka mag-alala, ikaw na yung gusto ko ngayon. Kahit bumalik pa siya, mas pipiliin kita" bakit nakakaramdam ako ng pagkairita kung sino man yung babaeng yun. Parang ang bigat sa dibdib.

"Oh? Bakit napa simangot ka? Selos ka noh?"

"Hindi ah? Bakit naman ako magseselos?"

"Kasi gusto mo na din si Lu Han! HAHAHAHAHAHA!"

"Ewan ko sayo oppa tara na nga, uwi na tayo!" Sabi ko sa kaniya.

Sabay na kaming lumabas dun sa hello kitty world.

Pero paglabas namin nagulat na lang kaming ang daming fans na naka abang. Waaaaah! Lagot!

"KYAAAAAAH SI FRIXIE EONNIE NGA AT LUHAN OPPA!!!" Sabi nung isa tapos nagtakbuhan na silang lahat palapit saamin.

Nagulat na lang ako nung biglang hinawakan ni oppa yung kamay ko at sabay tumakbo.

Ang layo na ng natatakbo namin pero yung mga fans hindi pa din natigil sa paghabol saamin. Huhuhu!

"Oppa! Pagod na ako huhuhu" sabi ko.

Umupo siya bigla sa harap ko.

"Sakay sa likod ko"

"Ha?"

"Bilis na sakay na!" Pumasa na lang ako sa kaniya, malapit na din kasi yung mga fans saamin.

Pagkasakay ko tumakbo bigla si oppa! Waaaah ang bilis tumakbo! Huhu athlete nga pala to dahil soccer player siya dati.

Nung maligaw namin ang fans bigla niya akong binaba tapos naupo kami sa gilid ng kalsada.

"Nakakapagod! Ang bigat mo pa, mag diet ka nga!"

"Hehe masarap kumain!!"

"HAHAHA Joke lang, hahayaan ko bang mangayayat ang prinsesa ko?" Sabi niya tapos parehas na lang kaming natawa.

Naglabas siya ng panyo at yung panyong yun, yun yung ibinigay ko sa kaniya.

Pinunasan niya yung pawis ko. Nakatingin lang ako sa kaniya, ang weird na talaga ng puso ko ang bilis na ng tibok.

"Etong panyong to hindi ko na ibabalik sayo! Hahahahaha may pawis mo na eh" sabi niya tapos biglang niyakap yung panyo. "Tsaka naka burda dito yung pangalan ng mahal ko" lalong bumilis yung tibok ng puso ko sa pagsabi niya ng mahal ko.

"WAAAAH HUHUHU!!!! BAKIT KASI GANTO YUNG WAAAAH HUHU" nagulat siya sa bigla kong pagsigaw.

"Yung ano? Ganto yung ano?! Ayaw mo ba ibigay saakin to? Sige ibabalik ko na wag ka ng umiyak! Eto na oh!" Sabi niya ng natataranta. Nakakaloka naman to si oppa parang bata naman ako.

"Hindi yan huhu! Hayaan mo na nga, halika na uwi na tayo oppa"

"Sigurado ka ha?" Tunango na lang ako sa kaniya. Hindi na kasi ako maka hinga sa sobrang bilis ng tibok ng pusok ko huhu.

Bumalik kami dun sa hello kitty world dahil andon yung sasakyan ni oppa.

Buti na nga lang at wala na din yung mga fans dito eh! Nakakapagod talaga huhu.

Pagsakay namin sa kotse dinalaw na din ako ng antok. Dahil na rin siguro sa pagod.

------

Ayo guys! UD AGAIN~~~~ HAHAHAHAHAHA! ^__^

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Where stories live. Discover now