Epilogo

873 19 5
                                    

24 de Enero, anno 1872

" At iyon mga apo, ang istorya kung paano nabuo muli ang ating pamilya at kung paano namin nailigtas ang bayan. " wika ko sa kanila.

Aaminin ko sa edad na 84 annos ay naaalala ko pa rin ang nangyari.

" Abuelo? " tanong ng isang bata. " ano po ang nangyari kay lola Liang? "

Yumuko ako at binigyan sila ng mahinhing ngiti.

" Sumakabilang buhay na ang lola Liang ninyo. " wika ko sa kanila nang mahinahon. " Pero di bale sapagkat naipaglaban namin ang kalayaan ng bayan."

Napatingala nalang ang mga bata sa akin.

"Oh sige na mga apo. " tugon ko sa kanila. "Pupunta pa tayo sa simbahan."

Agad namang nagsitakbuhan ang mga bata patungo sa isang malaking karwahe na hinihila ng apat na kabayo.

"Lolo Baste "wika ng isang dalagita. "Humayo na po daw tayo sabi ni inang Rosario. "

Ngumiti ako sa kanya.

"Sige Juanita. " nakangiti kong tugon sa kanya. Tumayo ako at inilakbay ang tungkod kong kahoy sa sahig ng bahay na gawa sa mahogany. " Tara na at humayo na tayo. "

Naririnig ko ang kampana ng simbahan sa paglabas namin ng bahay. Tanaw na tanaw ko ang ginintuang sinag ng lumulubog na araw na syang dahilan na gumanda at naging medyo mainit ang paligid.

Dumating na din ang araw na tanaw ko na ang kalayaan nitong munting probinsya natin. Nawa'y ang sumusunod na henerasyon ay patuloy na ipaglalaban ang kalayaan kahit magbago man ang pag-inog ng mundo. Ang kalayaan na nakamit ng mga martir ng bayan, s'yang kalayaan na nalikha sa apoy ng puso, ang s'yang apoy ng pag-ibig at damdamin.

Sapagkat kung sa pag-ibig tayo nalikha, sa pag-ibig tayo mabubuhay.

-------------------------WAKAS------------------------

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now