Capitulo Quarenta

506 7 0
                                    

Tila naririnig ko ang mga hagulhol at mga yabag ng mga paa na tila nagmamadali sa paghatid sa isang bagay.

Namalayan ko nalang na pinalibutan ako ng mga medico. Tila tumahimik ang paligid matapos ang eksena. Nagising nalang ako sa isang silid na may kulay puti na kurtina. Sinubukan kong tumayo ngunit nakaramdam ako ng sakit sa gilid ko. Akoy napatingin at nakita ko na nakabalot pala ng tela ang aking gilid.

" Argh. " ungol ko sa sakit.

May nagmamadali sa pagpunta sa aking silid nang marinig ang ungol ko. Nakita kong muli ang isang tanawing pumapaway sa lahat ng sakit na aking naramdaman sa mga oras na iyon. Ang tanawing syang nagbibigay ng lakas sa akin mula pa nung una, ang aking kaligayahan at hapis, saya ko't pait, ang aking lakas at kahinaan. Si binibining Cecilia Agustin.

Niyakap nya ako sa may leeg ko nang mahigpit. Tumugon naman ako. Nararamdaman ko na labis syang nasiyahan na makita akong muli.

" Kamusta kana aking mahal? Maayos na ba ang iyong pakiramdam? Natalo na natin sila! Atin na muli ang San Ignacio. " masaya nyang tugon.

Hindi ko mapigilang maiyak sa galak at ligaya. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama. Ang lahat ng hirap na ibinuwis na makuha muli ang bayan, ang mga tao at higit sa lahat ang dangal at tiwala ng aming mga pamilya sa bayan at sa aming mga sarili ay naibalik na.

At matapos ang halos isang linggong pamamalagi ko sa ospital, muli na akong makakabalik sa San Ignacio. Kami ngayon ay lunan ng isang karumata patungo sa bayan kong minamahal. Tumawid kami sa Batis ng mga Pangarap at mula sa tulay ay tanaw na tanaw ko ang Puno ng mga Pangako na ngayon ay nagpapalit ng dahon.

Damang-dama ko ang init ng araw at ang simoy ng hangin sa paglapit ko sa bayan. Natatanaw ko na pinalamutian ang mga bahay at gusali pati na rin ang mga poste ng mga banderitas. Nakita ko rin na inayos pala ang simbahan at iniluklok muli si Padre Clavino bilang padre kura kasama ang dalawang bagong pari na nagmula sa Colegio de Nuestra Señora de Santisimo Rosario sa Intramuros.

Nagdiriwang ang buong bayan sa kagilagilalas na katapangan na ipinakita ng aming nga pamilya sa paglaban sa mga manlulupig dito sa bayan. Nagkaroon ng malaking pagtitipon sa Plaza Mayor. Masaya at may galak ang mukha ng lahat ng mga tao doon. Agad namang itinulak ng aming mga tagapagsilbi ang aking upuang de gulong sapagkat hindi pa ako makalakad.

Nabalitaan ko din na nagpadala sila ng liham sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan at sinabihan sila sa mga nagaganap dito sa bayan. At ito ang kanilang pasya.

" Mga kababayan, bilang pagtugon sa hiling ng Real Audencia, nais sana naming itaas sa inyo ang ating bagong gobernadorcillo sa bayang ito. Si Ginoong Sebastian Navarro. "

Agad naman akong niyakap ni Liang na maluha nalang sa saya.

"Sa wakas naibalik na sa atin ang bayan mi amore. " wika nya habang hinahalikan ako sa pisngi.

Wala na akong magawa kundi tugunan ang kanyang halik.

Lumubong na ang araw ng mga manlulupig at lumabas na ang bukang-liwayway ng kalayaan.

" Mabuhay ang San Ignacio! " sigaw ni Toming at ni Soledad

" Mabuhay! "

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon