Capitulo Doce

494 14 1
                                    

Naramdaman ko ang kaba na bumugso at para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.

Kaya mo ito Baste! Kaya mo ito!

" Magandang hapon po Ginoong Sebastian. " salubong ni Doña Celesta sa akin.

" Magandang hapon po señora. " wika ko sabay yuko kay Doña Celesta.

Ningitian ako ng donya.

" Tumuloy ka muna hijo. "  wika ni Doña Celesta habang nakangiti. " Maari ka munang umupo hijo. Pinapatawag ko pa si Cecilia. "

" Sige po señora. " sagot ko.

Pumasok ako sa kanilang casa at tumuloy sa salas at umupo sa bangko malapit sa isang malaking bintana na tumatanaw sa lawa. Nagdaan ang ilang mga minuto ay inaatake na ako ng pagkabagot at pagkaumay. Pumasok sa silid si Ginoong Patricio mula sa kusina.

" Oh Ginoong Sebastian. Mabuti naman at napasyal ka dito sa hacienda. Hinihinitay mo ba si Liang? Bababa lang yun. Siya nga pala, balita ko na nag-aral ka ng piyano sa Europa. Maari kabang magtugtog ng piyano para sa akin habang hinihinitay mo ang aking kapatid? " wika ni Patyong sakin.

Tumango ako kay Patyong at nagtungo sa piyano na nasa gilid ng malaking larawan ni Liang. Umupo ako sa isang malapad na silya sa harap ng piyano.

Sinubukan kong itugtog ang piyano nila. Siguro dahil sa minsan lang itong ginamit ay baka kailangan ng linisin ang mga pedal nito pero kahit na ganon, maganda parin ang tinig ng piyano.

Huminga ako ng malalim at hinihimas ko ang mga kamay ko. Iniligay ko ang aking mga kamay sa mga tekla ng piyano at sinumulan kong tugtugin ang La Campanella ni señor Franz Liszt.

Habang nagtugtog, hindi ko mapigilang mapansin ang bakas ng pagkamangha sa mukha ni Patyong. Tinugtog ko ang piyesa ng may damdamin at sa tamang kumpas.

Makaraan ang ilang minuto ay Natapos ko na ang pagtugtog. Agad akong yumuko. Napansin ko na pinalakpakan ako ni Patyong at ng mga tagasilbi pero na bigla ako nang makita si Liang sa gilid ni Patyong.

" Binibining Cecilia, magandang hapon po. " sabi ko kasabay ng pagyuko. " Kanina pa po ba kayo d-d-dyan? "

Nagpalabas si Cecilia ng isang ngiti at mahinhining tawa.

" Opo Baste. Narinig ko ang pagtugtog mo. " wika ni Liang.

Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi.

" Binabati kita ginoo sa iyong angking galing. " wika ni Doña Celesta.

Tumayo ako.

" Ginagalang na Doña Celesta. Maari ko bang ipasyal si binibining Cecilia sa bayan at sa bundok ng mga pangako ngayon? " tanong ko sa kanya.

" Maari naman pero doon kayo magkikita sa simbahan. Alam mo naman na piyesta ngayon ng Virgen de Candelaria. Magtagpo lang kayo sa Plaza de San Ignacio. " tugon niya.

" Opo señora. " sagot ko.

" Nais sana akong mamamaalam dahil maghahanda pa ako para sa misa mamaya. Paalam na po señora lalong lalo na sa iyo binibining Cecilia. " sagot ko.

Bumaba ako at Agad sumakay sa aking kabayo pabalik sa hacienda.

Tapos na ang unang hakbang sa Plano mo na mapasaiyo si Liang. Ayusin mo ang susunod na hakbang.
Kaya mo iyan.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now