Capitulo Dos

2.2K 67 6
                                    

May nahagip ang aking mga mata. Isang tanawing nakakapawi ng kalungkutan at pagdadalamhati. Ang babaeng nagturo sa akin kung paano maging masaya. Hindi ko inintindi ang damdaming iyon. Iniwan nya din ako, pinabayaan at sinaktan. Kahit na naging matalik na kaibigan ko siya ay hindi ko kayang patawarin ang ginawa nya sa akin.

Isa iyong mainit na tanghali
Sa ilalim ng isang puno'y ako'y nakasandal,
Nang makita kitang umiiyak,
O binibining may dangal.

~Capitulo 12 mula sa " Kompilasyon ng mga Tula ni Baste "

" Sebastian, pupunta ako sa España para mag-aral. Babalik naman ako pagkatapos ng limang taon. " wika ni Cecilia sa akin

" Iniwan pa ako ni Esteban tapos iiwan mo din ako?! Cecilia, hindi ko gustong mawalay tayong magkaibigan. " mangiyangiyak kong sagot sa kanya.

Pinunas nya ang luha ko at nagpaliwanag sa akin...

" Ito lang ang tatandaan mo. Kahit mawalay pa tayo sa isa't isa, magkaibigan parin tayo. Tama ba ako o ako bay Tama? " nakangiting tugon ni Cecilia.

Niyakap ko siya at nagpatuloy kaming mag-usap sa ilalim ng punong iyon.

" Sa ilalim ng isang puno ng acacia, unti-unti na akong nahulog sa kanya. " pabulong kong wika.

Natauhan nalang ako nang tinapik ni Esteban ang balikat ko.

" Baste? Ayos ka lang ba? Bakit ka nagsasalita sa harap ng bintana ng karwahe? " nagtatakang tugon ni Esteban.

" Ay! Nako! Naguguluhan na ako! Ewan ko kung bakit. Tsk. " wika ko kay Esteban.

Natawa nalang si Esteban sa ekspresyon ko. Maya-maya ay nakarating na kami sa Hacienda Navarro...

" Mang Carding, ihatid muna si Esteban sa hacienda nila." utos ko sa kutsero.

Tumango naman si Mang Carding.

" Paalam amigo! " pamamaalam ni Esteban.

Kumaway nalang ako tsaka nagtungo sa bahay dala ang mga bagong kong aklat.

Bumungad sa akin si ina. Akoy nagmano at nagbigay galang sa kanya, pagkatapos ay nagtungo ako sa sala mayor at umupo sa paborito kong bangko na malapit sa isang malaking bintana kung saan matatanaw ko ang lawa ng mga ulap at ang bundok ni San Ignacio kung saan matatagpuan ang puno ng mga pangako.

May alamat ang punong iyan ayon sa mga narinig ko mula sa mga mamamayan ng bayang ito at mula sa Lolo Joaquin ko.

Sabi nga nila, ang punong acacia sa itaas ng bundok na iyan ay dambana ng pagkakaibigan at pag-iibigan ng dalawang magkaibang nilalang. Sabi rin nila na kapag nag-ukit ka ng pangalan mo at ng mga kaibigan mo o kayay pangalan ng iyong kasintahan at magbitaw ng pangako ay babaguhin ng tadhana ang lahat at matutupad ang yung pangako.

Habang minamasdan ko ang lawa mula sa bintanang iyon ay nakakita ako ng isang kahinahinalang nilalang na naglalakad patungo sa bundok.

Naalala ko na magpapakita ngayon ang isang bulalakaw na minsan lang sa loob ng dalawampung taon nagpapakita.

Tumingin ako sa aking relo,

Alas nueve trienta y cinco

Ayon sa aklat na nabasa ko, tuwing alas dies lumabas ang nasabing kometa.

Nagpasya akong magtungo sa bundok. Agad akong pumasok sa aking silid at kinuha ang supot ko at pluma, kwaderno at papel ang laman nito. Nagpaalam ako kina ina at ama na aalis ako papunta sa bundok. Kinatigan naman nila ang desisyon ko kaya ipinahatid nila ako kay Mang Isko.

" Mag-ingat ka po señorito. " wika ni Mang Isko sa akin.

Tumango ako at umalis.

Habang hawak ko ang aking lamparella ay nakakita ko sa daan ang maraming bulaklak. Mga orkidia, sampaguita, gumamela at ilang-ilang.
Bumango ang buong paligid dahil bago palang namumukadkad ang mga sampaguita.

Nakarating na rin ako sa itaas ng bundok at sumandal ako sa puno ng mga pangako. Nasa kalagitnaan ako sa pagsusulat ng tula nang may dumating.

AUTHOR'S NOTE:

Ang mga tao, lugar, organisasayon, pangyayari at mga tagpuan  sa nobelang ito ay kathang isip lamang.

Pasensya na din kasi  slow update ang  story na ito.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now