Capitulo Veintecinco

316 10 0
                                    

Naimulat kong muli ang aking mga mata matapos ang madugung labanan sa loob ng simbahan.

"...BABALATAN TALAGA KITA NG BUHAY"

Sumakit ang aking ulo na parang sinabunutan ng limampung demonyo ang buhok ko.

Ininda ko nalang ang sakit habang natatanaw ko sa di kalayuan ang pagpasok ni ate Laurencia sa silid ko.

" Mijo? Ayos ka lang ba? " nag-aalalang tugon ni ate.

Hindi ko napigilan ang pag-agos ng aking mga luha at napayakap nalang sa aking ate na nakaupo ngayon sa aking paanan.

" Napakasakit ate! " sigaw ko sabay ng pagkamot sa ulo at dibdib ko.

Hinihimas ni ate Laurencia ang aking ulo at dibdib.

" Mijo alam ko na labis kang naghihirap dahil sa nangyari kina ama, ina at ni kuya at nadagdagan pa ngayon na hindi kana maaring makipagkita kay binibining Cecilia at nabaril si binibining Carmen sa tagpung iyon. " wika ni ate.

Napahiga nalang ako muli sa kama.

Hay nako! Panginoon pumarito sa kayo sa aking pangangailangan.

Lumapit si ate at umupo sa gilid ko.

" Mijo alam kong hindi tayo bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi natin kaya. Alalahanin mo na ang pagsubok ang syang nagpatatag sa atin upang madala tayo sa wasto at ligtas na kaganapan. Kaya ngumiti kana, hahanapan din natin yan ng paraan. " maamo at nakangiti nyang tugon.

Naramdaman kong gumaan muli ang aking kalooban sa narinig kong payo galing kay ate.

Tama si ate! Hanggat makakaya ko pang lumaban sa ngalan ng pag-ibig ay lalaban pa ako.

" Salamat ate. " nakangiti kong tugon sa kanya kasabay ang pagyakap.

Tinugunan naman ni ate ang yakap na iyon. Habang nagkayakap kaming dalawa ay may katok sa pito.

" Bukas po iyan. " tugon ni ate.

Pumasok si Luisa dala ang mga makakapal na sobre na sa tingin ko ay naglalaman ng mga liham.

" Señorito, señorita may mga liham po. May selyo ng mga Agustin ang tatlo sa mga ito at isang liham na nagmula sa mga Ignacio na nakasaad dito na para daw po ito kay Ginoong Crisostomo. " wika ni Luisa

Bigla naming narinig ang mga mabilis at mga maiingay na yabag.

" Toming kung ikaw man yan maari mo bang hinaan ang pagya----"

Napatigil nalang ako sa pagsalita nang makita ko muli si Liang. Hindi ako mag-aakalang bigla nya akong niyakap at hinalikan. Napatawa nalang si ate Laurencia.

" Buenos Dias mi amor. " nakangiting tugon ni Liang.

" P-pero? B-b-bakit? " nauutal kong wika.

Tumawa nalang siya at hinalikan kong muli.

Nako po! Nasa langit naba ako?

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now