Capitulo Ocho

911 28 4
                                    

Sinalubong ng aking mga mata ang sinag ng bukang-liwayway sa umagang ito. Akoy nagising nalang sa mga katok mula sa pinto.

" Señorito? Mag-aalmusal na daw kayo sabi ng ama mo. " wika ng isang tagapagsilbi mula sa labas.

" Bababa na po ako. Maliligo muna ako saglit. " tugon ko sa kanya.

Namalayan kong umalis na ang tagapagsilbi at unti-unting bumangon mula sa higaan ko. Naglakad ako papunta ng banyo. Nakita ko ang isang malaking palangana na puno ng tubig at pabango.

Naligo ako.  Malamang.

Pagkatapos ng aking paglinis ng katawan ay Agad akong nagbihis ng pormal na bistida at inayos ko ang aking sarili para kaaya-aya akong tingnan ng mga tauhan sa baba.

Lumabas ako ng aking silid at nagtungo sa hapag-kainan.

" Buenos días mijo. " ( Good morning son ) tugon ni ama habang binabasa ang isang pahayagang pinangunguluhang " El Ilustra de Gobierno ".

Tumango ako at nagmano kina ina at ama. Nasa hapagkainan na rin si Juana at si Toming. Nauna na raw si kuya Pinong kasi pinatawag siya ni Heneral Adelia.

" Pupunta tayo ngayon sa bahay ng mga Agustin. Tumungon na si Don Fidel sa aking liham at sabi dito, pag-uusapan natin ang kasalan sa pagitan ninyo ni binibining Cecilia. " wika ni ama habang nakaharap sakin.

" Mahal, wala bang ibang sinabi si Don Fidel sa liham? " wika ni ina kay ama.

" Ayon sa sulat, ang gusto daw ni Doña Celesta ay magbunga ang pag-iibigan nila ng sampung supling. Limang lalaki at limang babae. " tugon ni ama kay ina.

Nabilaukan tuloy ako sa pahayag ni Doña Celesta.

Sampung anak? Panginoon, hindi pa ako handa sa mga ito.

Hinihimas naman ni ina ang likod ko.
Habang umiinom ako ng preskong gatas ng baka.

" Dahan dahan lang anak. " wika ni ina.

Natapos ang eksena sa hapag-kainan at nagtungo kami sa mga karwahe na inihanda na para sa aming pag-alis.

Sumakay ako kasama sila Juana at Crisostomo habang, si ina at ama ay nasa kabilang karwahe.

" Hala ka po kuya! Ayan po tuloy. Nahuli po kayo. " biglang wika ni Juana sakin.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng aklat at hindi ako umimik.

" Hindi naman iyan ang nangyari bunso. Sadyang nagkataon lang na nakita nila si kuya at si binibining Cecilia na magkasama. Hindi naman yan dahilan para pagkukunan sila ng karapatang mamili ng iibigin diba? " tugon ni Crisostomo habang inaayos ang kanyang salamin.

Grabe ang talino naman nitong aking kapatid. Manang-mana talaga siya kay Lolo Joaquin. Kamusta na pala si lolo? Hmmm

Yumuko nalang si Juana at hindi umimik.

" Tama ba ako? O akoy tama? " nakangiting tugon ni Toming kay Juana.

" Tsk " sagot ni Juana.

Alam ko namang mas gusto kong mag-isa pero naaaliw ako sa pagtatalo ni Toming at ni Juana.

Hay nako. Hihihi. Kayo talaga.

Makaraan ang ilang sandali at narating na din namin ang Casa Agustin.

" Maligayang pagdating muli sa aming casa amigo. " bati ni Don Fidel kay ama.

" Mabuti naman at nakarating po kayo dito nang ligtas at maayos. Lalong lalo na sa iyo Ginoong Sebastian" dagdag ni Doña Celesta.

Ningitian ko sila at nagpatuloy kami sa aming paglalakad papunta sa kanilang sala mayor. Umupo kami sa mga upuan. Nasa kaliwang bahagi si Toming, sumunod si mama tapos si Cecilia tas si ama.

Nasa isang upuan ako at si Liang sa kabila. Minabuti kasi nila na magtinginan at magtanguhan nalang kami.

" Kung gayon ay pag-uusapan natin ang kasal. " wika ni ama.

" Sandali lang po amigo. Mukhang may sasabihin si Ginoong Crisostomo. " nakangiting sabi ni Don Fidel.

" Maari po ba akong magsalita? " tanong ni Toming sa kanila.

Tumango ang mga tauhan sa silid at tumayo sa gitna si Toming.

" Alam naman po nating lahat ang nangyari kagabi hindi ba? Sa inyong pagpapasya ay ipapakasal ninyo si kuya at si binibining Cecilia. Magbase tayo sa tradisyun. Bago paman makasal silang dalawa ay dapat munang ipanalo ni kuya ang puso ni binibining Cecilia. Kaya para sa akin, mas mabuti kung manligaw muna si kuya bago sila ikasal. " wika ni Toming sa kanila.

Namangha ang mga Agustin sa naging wika ni Toming sa mga tauhan ng silid.

" Tama naman si Ginoong Crisostomo. Mas mabuti nga na hayaan natin ang mga bata na makilala nila lalo ang isa't isa. " wika ni ina.

" Iyan kung ayos lang sa inyong mga kalakihan. " natatawang tugon ni Doña Celesta.

Nakita ko sa mga mata nila ama at ni Don Fidel ang pagsang-ayon.

" Ayos naman sa aming dalawa ni Segismundo na iyon ay mangyari. " wika ni Don Fidel sa kanila.

Ningitian ko si Cecilia na nasa kabilang upuan.

" Kung gayon ay ihanda na namin ang dapat ihanda. At saka bago pa iyan mangyari, kung sasagutin na si kuya ni binibining Cecilia ay mag-ukit sila ng kanilang mga pangalan sa puno ng mga pangako nang naaayon sa tradisyun ng bayang ito. " wika ni Toming kay Don Fidel.

" Yan ay gagawin namin señor. " sagot ni Doña Celesta.

Salamat sa Diyos at hindi sila nagtalo at saka isa din itong hakbang para tuluyan ko nang malimutan si Carmen.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now