Capitulo Veintetres

352 12 1
                                    

Bigla kaming kinilabutan ni Liang sa aming narinig. Dali-dali kaming bumaba ni Liang para puntahan ang kaganapan. Pinadalhan ko na ng liham sina ate Laurencia at si Juana upang iparating sa kanila ang nangyari kina ina at ama.

Nasa salas na kami nang sabay na dumating si Juana at ng isang daligita na mapungay ang mata, mukhang nasa wastong gulang at parang mas batang bersiyon ni Doña Gaudencia at dala ang kanilang mga maleta. Nakita ko ng dalamhati at paghihinagpis sa kanilang mga mata.

" KUYAAAA! " sigaw ni Juana kasabay ng pagtakbo at pagyakap sakin.

" Baste " tugon ni ate Laurencia na may mga luha sa mata. "...alam nating mahirap mawalan ng magulang pero kakayanin natin ang lahat nang ito alang-alang sa ating pamilya at para kay ina at ama. "

" Hayaan mo ate. Mukhang sumusobra na si Ginoong Claudio sa kanyang mga ginagawa. "

Niyakap ako ni ate Laurencia at ni Juana. Biglang bumukas ang puerta mayor at bumungad sa amin sina Toming at si binibining Soledad na bumabaha ang kanilang mga luha. Nakayakap si binibining Soledad kay Toming nung pumasok sila sa casa.

" Oh Toming at Soledad ano ang nangyari? " nag-aalala kong tugon.

Agad na humagulhol si binibining Soledad.

" Kuya sumama po kayo sakin. " maluha-luhang tugon ni Toming "...may bangkay sa ating bahagi ng lawa. "

Agad akong inakay ni Liang at ni Toming palabas ng casa at papunta sa baybayin ng lawa ng mga ulap na ngayon dahil sa lamig ng panahon ay nababalot na sa mga ulap.

Biglang bumaluktot ang aking mga kalamnan nang makakita ako na may puting bagay lumulutang sa di kalayuan.

Bumalik naman ang isang guardia...

" Señorito? Mapawalang-galang na po pero hindi pa po nakauwi mula sa labanan ang iyong kapatid. Matagal nang natahimik ang mga putok doon sa Hacienda Buenaventura. " nag-aalangang wika niya.

" May nakita akong lumulutang sa di kalayuan. Magdala ka ng mga kasapi mo at puntahan nyo at dalhin nyo dito. " utos ko sa kanya.

Sumaludo ang guardia at tinugunan ko. Agad naman silang sumakay sa balsa na nakaparada sa baybayin ng lawa at pinuntahan nila ang puting lumulutang.

Binuhat nila ang nasabing bagay at isinakay sa balsa.

Nako Panginoon! Bantayan nyo po si Kuya Pinong sa lahat ng panahon.

Sa unti-unting paglapit ng mga guardia ay nakita ko ang repleksyon ng isang lalaki sa harapan ko na parang nangugusap sakin.

" Baste? "

" Kuya Pinong? "

" Oo Baste ako ito. Tandaan mo ito primo na ipaglaban mo ang lahat sa ngalan ng pag-ibig at ingatan nyo ni binibining Cecilia ang angkan natin ha? "

Nang dumating ang mga guardia ay biglang nawala ang repleksyon ni kuya. Binuhat nila ang bagay na iyon at dahan dahang inilatag iyon sa baybayin.

" Tela po ang nakabalot señorito. " wika ng isang guardia.

" Buksan nyo. " wika ko.

Naramdaman kong may kumirot sa aking puso nang unti-unti nilang tinanggal ang puting tela.

" KUUUUYYYYYAAA!!! " sigaw ni ate Laurencia.

Agad na bumaliktad ang aking sikmura sa aking nakita.

Ang duguan, sugatan at nilapastangang katawan ni kuya Pinong. Napaluhod nalang ako sa nakita ko.

Patay na si kuya Pinong.

" Ilagay nyo na yan sa kabaong at dalhin nyo na ang mga labi nila ina at ama sa simbahan. " wika ko.

*******

Requiem aeternum...

Napuno ang simbahan ng bayan ng mga iyak at hagulhol. Nasa kalagitnaan na ng panapos na kumindasyon ang pari nang....

" SUGOD! "

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon