Capitulo Trienta y Tres

289 7 1
                                    

Umalingawngaw ang aming mga tinig sa pagkagitla. Hindi namin inaasahan ang pangyayaring ito. Pumasok si Carmen sa simbahan na nakasuot ng marumi na kumina at gusot-gusot na saya na tika dumaan sa mga kakahuyan na pawis na pawis.

Makalipas ang ilang sandali ay nahimatay si Carmen sa paanan ng altar. Hindi kami nag-atubiling tulungan siya.

Agad kaming tumakbo ni Liang papunta sa kanya. Agad na binigyan ng paunang lunas ni Toming si Carmen at pinainom ito ni ate Laurencia ng tubig.

******

" Ano ka ba naman Baste! Pinagsabay mo ang dalawang babae eh. " galit na wika ni Ate Laurencia.

Yumuko nalang ako. Hindi ko naman sinabay si Liang at si Carmen dahil aminado ako na mula pa nung una ay mahal ko na talaga si Liang. Sadyang nagkabutihang-loob lang kami ni Carmen dahil iniwan din siya ni Esteban dahil tutol ang pamilya Ignacio na may ugnayan ang pamilya nila sa mga Buenaventura.

" Hindi ko naman sila pinagsabay ate. " simpleng tugon ko kay Ate Laurencia.

Bigla nya akong sinampal sa magkabilang pisngi at umiyak sya.

" Hindi mo ba alam na hirap na hirap na ako sa mga pangyayaring ito? Na mawalan ng mga mahal sa buhay sa isang iglap lamang? HA! HINDI MO BA ALAM IYAN?! " sigaw ni ate Laurencia.

" Ate tumahan at huminahon ka. " wika ni Toming.

Agad na lumabas si Toming sa silid dala si ate Laurencia.

Umiiyak nalang ako sa kinauupuan ko.

Lumapit sa akin si Padre Clavino at tinapik ang aking balikat.

" Huwag kang mag-alala hijo. Kami nalang ni Ginoong Crisostomo ang bahalang magpaliwanag sa ate mo. " maamong tugon ng pari.

Wala sa sarili akong tumugon. Agad namang umalis sa silid si Padre Clavino.

May yumakap sakin mula sa likuran. Unti-unting humigpit ang yakap at tila may pumatong sa aking balikat.

" Naiintindihan ko naman mi amor. " maamong wika ni Liang.

Naramdaman kong tumulo ang aking mga luha. Hindi ko mapigilang umiyak sa panahong ito. Naging malaking sagabal ako sa pamilya namin.

" Mi amor, tumahan kana. " wika ni Liang sa akin. " Magiging maayos din ang lahat. "

Nabatid namin na gumising si Carmen at hinanda namin ni Liang ang mga gamot.

" Ano ang nangyari? " wika ni Carmen.

Lumingon kami ni Liang at ngumiti sa kanya pero ewan ko dahil namumutla sya na parang ilang araw ng walang kain.

" Pasensya na kung nagdala ako ng kaguluhan. " wika ni Carmen.

Nagtaka kami ni Liang kung bakit ganon ang naiwari ni Carmen sa amin.

" Naguguluhan kami sa ibig mong ipabatid Carmen. " wika ni Liang sa kanya. " Alam naman namin na ang kaguluhang ito ay kagagawan lang ng iyong kuya at hindi iyong kagagawan. "

Yumuko si Carmen.

" Oh bakit? " wika ni Liang.

" Naging abala pa ako sa inyo. Ngayon ko lang naisip na mas mahalaga pa ang kaligayahan ng isang tao kaysa sa sarili nitong dinarama. " nakagiti nyang tugon. " Pasensya na ah? Liang? Baste? "

Ningitian nalang namin siya. Kahit ano pa man ang nangyari, kaibigan pa din namin si Carmen.

" Bakit ka pala na punta dito sa Sugbo Carmen? " tanong ni Liang.

" Upang ipaalam sa inyo na nilusob na ng mga tulisanes ang San Ignacio! " wika niya

" ANNNNOOO?!!!! "

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt