Capitulo Trienta y Siete

312 9 1
                                    

" Kagalang-galang na hukom, " wika ni Toming. " Maraming salamat at binigyan nyo ako ng karapatan na panindigan ang aming bahagi ng kasong ito. "

" Maari mo nang ibigay ang iyong salaysay Ginoong Navarro. " wika ni Don Monsanto.

" Kagalang-galang na hukom, ang lahat ng iwinawari ng tauhang iyan ay pawang mga kasinungalingan. " pagmamalakas ni Toming.

" ¡Objecion! " wika ni Ginoong Fernandez.

" Walang katibayan Ginoong Fernandez! " galit na wika ng hukom. " Maari kang magpatuloy Ginoong Navarro. "

" Maraming salamat kagalang-galang na hukom. " wika ni Toming. " Kinuha nila ang lahat ng aming mga ari-arian, lupa, kabuhayan at pinatay ang mga tagapag-silbi namin. Pinagbintangan pa kami na mga erehe't filibustero dahil lang sa pagpapakitang awa namin sa isang namamalimos. "

" Pinatay din ng mga Buenaventura ang aking kapatid na si Primo Heneral Josephino Navarro at ang aking mga magulang na si Don Segismundo at Doña Gaudencia Navarro sa labanan ng Pasong Silangan. Nasaksihan ko po ang mga pangyayaring iyon sapagkat inalalayan ko ang aking kapatid na si Ginoong Sebastian Navarro..." wika ni Toming.

Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawang kampo. Nananatiling tikom-bibig ang mga tao sa loob ng bulwagan nang....

" Ipinatawag namin si Ginoong Sebastian sa pulpito ng proposisyon upang ihayag ang kanyang salaysay. " wika ng isang guardia.

Bakit ako?! Bakit?

Wala na akong magagawa pa. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa pulpito at umupo sa bangko nito.

" Ginoong Sebastian " wika ni Ginoong Fernandez. " Nasaksihan mo ba ang lahat ng sinabi ng iyong kapatid? "

" Opo. "

" Sigurado ka ba na ang lahat ng mga iwinawari mo sa bulwagan na ito ay pawang ang katotohanan lamang? " wika ni Ginoong Fernandez.

" Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako? " nakataas-kilay kong sagot.

Biglang nagbubulungan ang mga tao sa bulwagan nang...

" ITAAS ANG IYONG MGA KAMAY! " wika ng isang binata na nakasuot ng uniporme ng guardia civil.

Si Francisco kasama ang mga tauhan ng hacienda at ang mga guardia ni Heneral Guerrero.

Agad na nagsitakbuhan ang mga tao palabas ng bulwagan at nilusob ito ng mga tauhan. Nakalikas si Don Monsanto at ang mga prayle kasama si Ginoong Fernandez.

" HALINA PO KAYO AT AALIS NA TAYO! ADELENTE! "  sigaw ni Francisco habang pinapasakay kami sa karwahe.

Narinig namin ang mga putok!

" VAMONOS AMIGOS. " wika ng isang guardia.

Tumingin si Francisco sa kutsero.

" Ano ang hinihintay mo? KWARESMA! HYYAAAA!! " sigaw ni Francisco sabay nang pagtakbo ng mga kabayo.

Mabilis na lumundag ang mga ito nang biglang...

Kkkkkrrrraaaaakkkk

Biglang umalog ang buong karwahe!

" Nako pasensya na señor! HUMAWAK KAYO NANG MAHIGPIT! "

Sinunod namin sya nang biglang bumangga ang karwahe sa isang pader.

Baaaannggg!!

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now