Capitulo Nueve

710 17 1
                                    

" Anak gumising kana. " anyaya ni ina sa akin.

" Karagdagang limang minuto lang po ina. " reklamo ko.

Hinila ni ina ang kumot dahilan para maramdaman ko ang ginaw ng umaga.

" Hindi ka pa babangon? Masama iyan, lalo na pag may binibini sa ibaba. " mataray na wika ni ina.

Agad akong bumangon, inayos ang higaan ko, naligo at nagbihis nang pataranta.

" Sino p-po a-ang nasa ib-aba ina? " nauutal kong wika sa kanya.

Ningitian nalang ako ni ina.

Aba! May inilihim pala si ina sakin. Hmmm?

" Nasa ibaba na ang dalagitang Agustin anak. Sya nga pala, ayusin mo ang korbata mo. " turo ni ina.

" Opo ina. Bababa lang ako makaraan ang ilang saglit. " sagot ko.

Iniwan ako ni ina at Agad akong nag-ayos.

Ano kaba naman Sebastian? Ang bagal mo. Puro ka nalang kasi tulog. Hmm sa bagay sakitin ka naman kaya ayos lang pero mahiya ka naman sa binibini.

Lumabas ako sa aking silid at nagtungo sa sala mayor kung saan hindi ako mag-aakalang makakita ako ng isang magandang binibini na hindi ko alam kung sino.

" Magandang umaga sa iyo Ginoong Sebastian. " mahinhing tugon ng binibini sa akin.

" Magandang umaga din po sa iyo ginagalang na binibini. Paumanhin po pero sino po kayo? " tanong ko sa kanya.

" Hindi mo na ba ako kilala ginoo? " nakangiting tugon ng dilag sa akin.

Biglang lumabas si Toming sa kanyang silid at binati siya ng dalagita.

" Magandang umaga sinta. " wika ng dalagita kay Toming.

Nakita ko kung paano pumula ang mga pisngi ni Toming sa sinabi ng binibini sa kanya. Tumawa nalang si Toming.

" Magandang umaga din sa iyo sinta. " sagot nya.

Nabigla ako sa aking narinig.

Sinta?! Nako Toming ha? May inilihim ka pala sakin ah!

" Toming? Sino po ang binibining ito na nagtungo sa ating tahanan? " seryoso kong tugon sa kanya.

" Si kuya naman! Siya po si binibining Soledad Ignacio. Ang bunso at kapatid ni Señorito Esteban. " nakangiti nyang sagot.

Nabigla na naman ako sa aking narinig.

Kapatid ni Esteban? Bakit ngayon ko lang ito nalaman?

" Nalaman na ba ito nila ama at ina? " pagtataka kong tanong sa kanila.

" Alam na po ng mga magulang ninyo señorito na magkasintahan kami ni Esteban. Naging malimutin ka ata señorito. " nakatawang tugon ni Soledad.

Ah! Siya pala ang nakilala ni Toming noong nag-aral siya ng pagpipinta sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Siya rin ang minsang ikinukwento sa akin ni Esteban. Mahigit tatlong taon na pala silang magkasintahan.

Nako napakamalimutin mo talaga Baste!

" Saan ang lakad ninyong dalawa? " tanong ko kay Toming.

" Ipapasyal ko lang ang aking sinta sa lupain ng mga sampaguita. Gusto kong ipakita sa kanya ang kagandahan ng lugar na iyon. " sagot naman ni Toming na may malaking ngiti sa Labi.

" Nagpaalam ba kayo sa mga magulang ninyo? " seryoso kong tugon sa kanila.

" Opo. " sagot nilang dalawa sakin.

Dumaan muna ang sandali ng katahimikan.

" Sige kuya. Mauna na po kami ng sinta ko. Huwag kang mag-alala dahil sasabayan naman kita mamayang gabi sa panghaharana mo kay binibining Cecilia. " tugon ni Toming habang tumatawa silang dalawa ni Soledad.

Umalis na ang dalawa sanay ang karwahe at naiwan akong mag-isa sa casa.

Si Juana kasi ay dinala sa Maynila kasama si ina at ama para mag-aral sa La Concordia. Si ate Laurencia naman ay nasa España pa dahil sa kanyang pag-aaral ng literatura at agham habang, si kuya Josephino ay pumunta ng San Miguel para magronda dahil sa paglusob ng mga rebelde.

Nagugulumihan tuloy ako sa kung ano ang aking ikakanta mamayang gabi. Wala naman akong problema sa himig at tono dahil nandyan si Toming at si Esteban na tutulong sa akin. Ang mga titik nalang ng harana ang kulang. Biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi ni lolo Joaquin.

Magiging maganda ang isang likha kung buong puso itong ginawa. Hindi na importante ang ensayo, ang tandaan mo lang ay umawit ka at tumula na mula sa puso.

Nagkaroon ako ng inspirasyon sa sinabi ni lolo at nagsulat na akong mga titik. Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing isusulat ko ang pangalan ni Liang sa papel.

Ano kaba Baste?! Matalik mong kaibigan yun, pero isa din itong paraan para malimutan mo si Carmen.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Hindi ko ito maipaliwang.

Anong nangyari sa akin at bat ako na kakabahan? Nako Sebastian iba na ito.

Sa tingin ko ay natabunan na ang pag-ibig ko kay Carmen at
... Unti-unti na akong nahuhulog kay Liang.

Oh Panginoon, kaawaan mo po ako.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now