Capitulo Siete

778 28 0
                                    

Hindi ito kaaya-aya! Hindi ito katanggap-tanggap at hindi ito maaring mangyari! Kaibigan ko nga si Cecilia pero ni isang kindat ng kalaswaan ay hindi ko ibinigay sa kanya. Tinuring ko siyang binibini pero sadyang nagkataon lang ang pangyayaring ito.

Naramdaman ko ang pang-init ng aking ulo at ang bugso ng aking dugo dahil sa galit at kahihiyan na kinasasangkutan namin ni Liang.

Dali-dali akong pumasok sa salas at umupo sa bangko ko na tumatanaw sa lawa.

" Ano kaba naman mijo? Ang anak pa ng kagalang-galang na gobernador?! Bakit? " galit na tugon ni ama na bakas sa mukha ang kahihiyan.

Nagkataon lang na nakita nyo kami! Bakit diresto lang ang desisyun ni Don Fidel? Ni talampakan man ni binibining Cecilia ay hindi ko pa nakita!

" Sinta, ako nalang ang kumausap sa bata. Hayaan mo nalang kami dito. Magpadala ka muna ng liham kay Don Fidel at aayusin natin ang problemang ito. " maamong tugon ni ina habang hinihimas nya ang aking ulo.

Tumango si ama at lumabas ng silid. Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha.

" Mijo? Nandito lang ako. Isalaysay mo sa akin ang nangyari kanina. " tugon ni ina.

Ipinaliwanag ko ni ina ang lahat. Maayos namang nakinig si ina sa aking paliwanag.

" Hindi mo ba nakita ang kanyang talampakan? Ni mahawakan lang ang kanyang kamay? " nagtatakang tanong ni ina.

" Hindi po. " tugon ko.

Niyakap ako ni ina nang mahigpit habang hinihimas nya ang ulo ko.

" Maayos lang din ang lahat ng ito mijo. " maamong wika ni ina.

Iniwan nalang ako ni ina sa silid. Mas Mabuti raw na magpahinga muna ako. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.

Nakahiga man ako sa aking kama upang matulog pero hindi ko parin lubos na maisip na nangyari iyon.

Paano na kung...

Marami nang pumasok sa aking isipan kaya hindi ako nag-aksaya ng oras at pumunta ako sa aking mesang sulatan at nagsulat ng liham para kay Liang.

Ginagalang na binibini,

Nais ko sanang manghingi ng tawad sa naging asal ng mga magulang ko. Alam kong sumusunod lang sila sa tradisyon at wala tayong magagawa diyan.

Ayon kay ina, babalik kami sa inyong pamamahay Bukas para ayusin ang kaguluhang ito.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Gumagalang,

Sebastian Navarro

Nabatid ko na may mga tagapagsilbi na gising pa at sa bagay alas ocho pa naman ng gabi.

May kumatok sa aking pinto.

" Señorito, bakit gising pa po kayo? Gabi na po. " wika ng isang dalagitang Mapungay ang mata, may kaputian ang balat at nasa edad labing walong taon.

" May bumabagabag sa aking isipan Luisa. Maari ba akong mag-utos sa iyo? " tugon ko sa kanya.

" Maari naman po. Ano po ang iyong kautusan at handa akong tugunan ito. " sagot ni Luisa sakin.

" Kung may lalaking tagapagsilbi sa baba, pakisabi na ipabigay ito kay binibining Cecilia Agustin. " sagot ko habang hinahawakan ang sobre na naglalaman ng sulat.

" Sige po señorito. " tugon ni Luisa.

Yumuko sya at saka umalis.

Agad akong bumalik sa aking higaan nang may bigla akong maisip.

Kasalanan ko ba ang lahat ng ito o sadyang laro lang ito ni Tadhana para makalimutan ko na ang Meniang ko?

Hay nako! Nakakalito! Di bale. Maayos rin ang gulong ito. Magtiwala kalang sa Maykapal Baste.

Agad kong nilinaw at pinakalma ang aking konsensya at humiga na ako at natulog.

Magpahinga ka at may marami kapang gagawin bukas.

Patawad Liang. Pinahiya lang kita.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now