Capitulo Dieciocho

402 11 1
                                    

" ¡ Si ! Mi su intiendo mi amor. " wika nya sakin.

Naramdaman ko na ang kanyang mga yakap ay unti-unting humihigpit na parang ayaw na nya akong pakawalan. Ningitian ko sya at hinalikan sa noo.

" Tumahan kana sinta. Hinding hindi kita iiwan at pangako ko iyan sa iyo na kailanman ang pag-ibig koy hindi magbabago. " sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang mga luha mula sa kanyang mga pisngi.

Pinaupo ko si Liang sa bangko.

" Ano ang plano mong gawin para maipaunawa mo kay Meniang ang lahat? " tanong ni binibining Cecilia.

" Mabuti sana kung makausap ko sya bukas at maipaliwanag na ang lahat sa kanya. " tugon ko sa kanya.

" Padalhan mo na sya ng liham mi amor. " payo nya sa akin.

Huminga ako ng malalim. Nakita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala.

" Bakit mi amor? May bumabagabag ba sa iyong ninanais? "

" Pasensya na mi amor ngunit hindi ako maaring magpadala sa kanya ng liham. Susunugin lang naman ni Ginoong Claudio ang ipapadala ko at papagalitan lang si Meniang. " paliwanag ko sa kanya.

Si Ginoong Claudio Buenaventura ang kuya ni Meniang. Mula pa noon ay hindi na maganda ang turing nya sa amin. Isa siyang insulares o isang purong kastila ( sa pag-aakala nya lang ito ) at naniniwala na kahit ang mga mestizo at mestiza dito sa Filipinas ay mga indio parin sa tingin nya. Angat disiplinario din si Ginoong Claudio kaya makikita at madarama mo na talagang istrikto sya.

" Kung yan lang naman ang mangyayari ay sasamahan kita bukas sa hacienda Buenaventura. " wika nya sakin.

" Hindi pwede mi amor. Masyadong mapanganib kong ikaw ay sasama. " wika ko sa kanya.

" Kung gayun, magpaalam lang ako kay ama na padalhan ka ng 100 na gwardiya sibil na Pilipino para bantayan ka sa iyong paglalakbay. " sagot nya sakin habang nakangiti.

Napahawak nalang ako sa mukha ko.

" Hay nako sige na nga. " wika ko sa kanya.

Napunta sa isang napakahabang usapan ang pagkikita namin ni binibining Cecilia. Makaraan ang mga sandali ay umalis na si Liang.

" Paalam mi amor. " wika nya habang kumakaway.

Kumaway naman ako pabalik sa kanya.

Muli akong pumasok sa aking silid. Nag-isip isip ako kung paano ko lalapitan si Meniang matapos ang lahat ng sinabi ko.

Hindi ko mawari pero unti-unting dumilim ang paligid.

" Tulon--... " wika ko.

-------------------------------

Narinig ko ang mga halakhak. Unti-unti akong naimulata ang aking mga mata. Nakita ko ang apat na lalaking naka-uniporme.

Uniporme ata iyan ng gwardiya sibil.

Sa gitna nila, mahihinuha ko ang isang lalaking may kalakihan din ang katawan. May kasama siyang binata.

" Mukhang gising na sya señor. " wika ng Guardia civil.

Narinig ko ang tinig at sigaw ng isang babae. Unti-unti luminaw ang Aking paningin. Nakaupo sya sa isang upuang may poste sa likod. Nasa loob sya ng isang GARROTE!

" BASTE!! TULUNGAN MO AKO!! " sigaw ng babae.

Biglang sinaksak ang aking puso at bumugso ang mainit na dugo papunta sa aking ulo.

" MI AMOR!! " sigaw ko.

Nakikilala ko na ang mga lalaki. Ama ni Meniang at si Ginoong Claudio.

" Patayin nyo sila! " wika ni Ginoong Claudio. " Unahin nyo ang babae. "

" Mi amor! " naririnig ko ang mga sigaw nya.

Nakita kong tinabunan ang kanyang mukha. Unti-unting inikot ng gwardiya ang pansakal ng garrote.

Naramdaman ko ang bawat ikot ng pansakal sa leeg ng aking sinisinta.

" WAG NYO SYANG SAKTAN! MAAWA PO KAYO! " mangiyangiyak kong sigaw.

Pinagtawanan lang ako ng mga ito habang nakita kong nakayuko na si Liang at wala ng Malay.

Humanda ang mga guwardiya sa aking harapan. Gustuhin ko mang pumiglas pero nakatali ang aking mga kamay at binti.

Itinutok nila ang mga baril nila sakin.

" Handa! "

" Kasa! "

" Fuego! "

------------------------

" Diyos ko po! " sigaw ko.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Where stories live. Discover now