Capitulo Vienteocho

319 12 2
                                    

" Magandang gabi hijo. " maamong wika ng isang matanda.

" Ha? Ay nako! Padre Clavino ikaw pala iyan. " natauhan kong wika kasabay ng pagmano sa pari.

" Batid ko na maghahating gabi na kaya nagtungo na ako sa lugar kung saan madalas kong natyempuhan na mag-usap kayong dalawa. " wika ng prayle. " Sa kumpisalan. "

Napakamut ulo at napatawa lang kaming dalawa.

" Nako Baste hijo, hindi mo ba kinatok ang pintuan ng confesor? " tanong ni Padre Clavino.

Napaisip tuloy ako.

Oo nga no?

" H-hindi po padre. " nahihiya kong tugon.

Napatawa nalang ang pari habang hinigpitan ang sinturon ng kanyang abito.

" Bueno lumuhod ka hijo. " wika niya sakin

Lumuhod ako sa harapan nya. Itinaas nya ang kanyang kamay at nagkrus.

" Sa ngalan ng Panginoong mahabagin, pinapatawad na ang iyong mga kasalanan. " wika niya.

" Amen. "

Hinubad ng pari ang kanyang stola at tumingin sa akin.

" Katukin mo ang pangalawang bahagi ng kumpisalan. May naghihintay sa iyo doon. " maamong tugon ng prayle. " Mauna na ako Baste. "

" Sige po padre. "

Umalis ang pari at pinuntahan ko ang kabilang kumpisalan doon ay nakita ko ang isang tanawing pumawi sa aking mga kalungkutan, pag-aalang at pag-aalala.

Mi amor...

Nakita ko si Liang na mahimbing na natutulog sa loob ng kumpisalan. Pumasok ako at umupo sa kanyang Tabi at hinawi ko ang buhok nya. Napansin ko na nag-anyong tagapagsilbi din sya kagaya ko. Kahit na simple parin ang pananamit nya ay  nangingibabaw parin ang kagandahan na kanyang  taglay.

Inilagay ko ang ulo ko sa balikat nya at pumikit ang mga mata ko.

Nagdaan ang ilang oras....

" Sinta? " pag gising ng isang pamilya na tinig sakin.

Iminulat ko ang aking mga mata at muli kong nakita ang maamong mukha ng aking pinakamamahal na nobya.

" Buenos Dias mi amor. " wika nya habang hinalikan ang noo ko.

Napangiti nalang ako habang hinawi nya ang aking buhok.

" Mi amor? " wika ko.

" Si? " sagot nya.

Hindi ako nag-aalangan at hinila ko sya palabas ng simbahan at pinasakay ko sya kay Rosario at mabilisang pinalundag patungo sa Monte de San Ignacio.

" Mi amor? " wika nya.

" Shhhh. Wag kang mag-iingay baka marinig tayo. "

Hindi nalang siya umimik. Sa halip ay mas hinigpitan nya ang yakap habang inilakbay ko si Rosario patungo sa tuktok ng bundok.

Nakarating na din kami sa may puno ng mga pangako. Itinali ko si Rosario sa isang puno ng ilang-ilang malapit samin.

Umupo si Liang sa ilalim ng puno na nakapulupot sa aking mga bisig.

" Mi amor, sinasabi samin ng Royal Audiencia na ipatapon kami sa isang malaking lugar. " wika ko sa kanya.

Niyakap nya ako at hinalikan ang ako ng mga labi.

" Wag kang mag-alala. Kahit na hindi tayo magkita ay damhin ko parin ang pagmamahal mo na kasama ng pagmamahal ng Diyos ay nagbibigay sakin ng kaligayahan at kasiglahan at lakas. " wika nya.

" Hindi kita malilimutan Liang. Pangako ay mamahalin kita hanggang sa huling buntog ng aking hininga at ang puso kong ito ay isisgaw ang pangalan mo hanggang sa dulo ng walang hanggan. " sagot ko sa kanya.

Niyakap ko sya nang mahigpit.

" Te amo Cecilia. Recuérdame. ( I love you Cecilia. Remember me. ) " wika ko sa kanya

" Mahal din kita Baste. Alalahanin kita mi amor. " sagot nya sa akin.

Inilapat ko ang aking mga labi ko sa mga labi nya. At tinunghayan namin ang liwanag ng bukang-liwayway habang nasa mga bisig ko siya.

Te amo mi amor.

Sa Puno Ng Mga Pangako ( Book One: San Ignacio Series )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon