My Little Shy Boy

Magsimula sa umpisa
                                    

Shet! Ang sakit naman.. Parang sinaksak ang puso ko ng libo-libong beses.. Kaya ba hindi niya ako pinapansin.. Kaya ba kahit "hi" o "hello" man lang.. Hindi niya magawa.. Kasi may girlfriend na siya? Saklap naman.. 

"Poor, friend." sabi ni Sussana.. May pahimas-himas pa sa likod ko.. "You're too late." sabi niya.. "Ouch!" biglang sabi niya.. Paano kasi.. Binatukan ko ulit siya.. Friend ko ba talaga 'to? Nasasaktan na nga ako.. Didiinaan pa yung sugat sa puso ko.. Tama ba yun? 

"Watch me." sabi ko.. Sabay tumayo ako at taas-noong naglakad patungo sa kinaroroonan nina Lenard.. 

"Say!" tawag sa akin ni Sussana.. Pero dire-diretso lang ako.. "Hi." sabi ko ng makalapit ako sa table nina Lenard.. Walang sabi-sabi na hinalikan ko si Lenard sa lips.. Kitang-kita ko na nanlaki ang mga mata ni Lenard.. "I thought your going to treat for lunch, hon." sabi ko.. "But as I can see. May kasama ka pala. Well, enjoy your lunch. See you later, hon. I love you!" at sa pangalawang pagkakataon.. Hinalikan ko ulit siya sa lips.. At walang lingon-likod na naglakad ako palabas ng canteen..

"Waaaaaaaahhh.. Did I did that? Arggghhhhhhhhhhhh!" naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko.. Takbo ako patungo sa room namin.. Salamat naman at mag-isa lang ako.. Naupo ako sa upuan ko at sumubsob.. 

Nagawa ko ba talaga yun? Ako ba talaga yun? Hinalikan ko ba talaga si Lenard.. Sa lips pa.. In front of the madlang people pa.. Arggghhh.. Naihampas ko pa yung kamao ko sa desk ko.. 

Maya-maya.. Naramdaman ko na may pumasok sa room.. Nag-angat ako ng tingin sa pag-aakalang si Sussana.. Baka sinundan ako.. My jaw dropped! Si Lenard! Mataman siyang nakatingin sa akin.. Diretso siyang pumasok sa room at naupo sa upuan niya at yumuko.. 

My! Oh My! Ganun pa rin? Wala pa ring pansinan? Naman oh! Mahabang sandali ang nagdaan bago ko napagpasyahan na lapitan siya.. 

"Ehem!" sabi ko ng matapat ako sa kanya.. Nakayuko pa rin siya.. As usual.. Hindi man lang ako tiningnan.. Naman talaga oh! "Ahmm.." paano ba ako mag-so-sorry? Galit ba siya? "L-lenard." kinakabahang sabi ko.. "Sorry kanina. Hindi ko sinasadya." saka naman siya nag-angat ng tingin at..

Namumula siya.. As in pulang-pula siya.. "Y-yung.. k-kanina.." nauutal na sabi niya.. Sabay yuko ulit.. Napakamahiyain naman talaga oh.. 

"Sorry talaga. Desperada na kasi ako. Gusto kong mapasin mo ako. Kasi mahal kita. Mahal na mahal." sabi ko.. "Sorry. Magpapaliwanag na lang ako sa girlfriend mo. Sorry talaga. Sorry. Sorry." hinging paumanhin ko.. May payukod-yukod pa ako.. 

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla kong marinig ang malakas niyang tawa.. "B-bakit ka tumatawa?" takang tanong ko.. Mas namula siya sa kakatawa.. Nakatunghay na rin siya.. 

"Wala akong girfriend." sabi niya sa pagitan ng pagtawa.. "Yung kasama ko kanina. Pinsan ko yun. Transferee lang siya dito." natatawa pa ring sabi niya.. 

"Huh?" para akong tanga.. Hindi mag-sink in sa utak ko yung sinabi niyang wala siyang gf at pinsan niya yung kasama niya.. Matagal bago ko naunawaan yung sinabi niya.. Ibig sabihin.. Waaaaaaaaaaaahhhhh.. Shet! Hinalikan ko nga pala siya kanina.. Nakakahiya! "A-ahh." sabi ko.. 

Bigla niyang hinawakan ang mga kamay ko.. Seryoso siyang tumingin sa akin.. "I love you, too." 

ANO DAW?!!!!!! 

I love you, too?!!!

Mahal niya ako? As in?!! 

"I love you." waaaaaaaaaahhh.. Inulit pa.. Inulit pa.. Waaaaaaaaaaaaahhhh.. Utak! Absorb it! Absorb!  "Matagal na kitang mahal. Nahihiya lang ako aminin sa'yo." Mas lalo siyang tumawa ng wala man lang akongf imik.. "Kanina lang ang lakas ng loob mong mag- "I love you". Tapos ngayon tameme ka." sabi niyang natatatawa pa rin.. 

"A-ahhh." ano ba? Wala pa rin ako maapuhap sabihin.. 

Napangiti siya.. "Eto na lang." sabi niya at kinabig ako, kinandong at hinalikan sa lips.. Nanlalaki ang mga mata ko.. Nang matapos ang halik.. Natatawa pa rin siya.. "Hindi pa rin makapaniwala?" hinalikan siya ulit ako.. 

"I love you. Naniniwala ka na?" sabi niya ulit.. At dahil ayaw talaga mag-sink in sa utak ko.. At dahil din sa ayaw ma-absorb ng pasaway kong utak ang sinabi ni Lenard.. Napatango na lang ako.. 

*end*











A/N: waaaaaaaaaaaaaaaahhh.. sorry po sa matagal na update.. para kay ashley.. hehehe.. sorry kung matagal ha.. sorry.. sorry din po sa typo error.. sorry.. sana po magustuhan ninyo.. salamat po ng marami.. salamat.. hindi na naman ako matino.. wahahahaha.. ^___^ ako na ang baliw.. ahahaha.. salamat pa rin po.. salamat.. ^__^ muwaaaahhh.. :P

♥ One Shots ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon