Special Chapter #7 - Gavin

4.5K 116 16
                                    

PLEASE READ: Ang Special Chapters po ay hindi sunud-sunod. Hindi rin po iyan kailangang i-update. Kung kailan lang maisipan ng author, saka lang siya magpo-post ng ganyan. TAPOS nap o ang First and Last. Additional chapters na lang ang mga pino-post ko na Special Chapters dahil name-miss ko na ang GG Couple. Iba-iba rin ang time span ng mga iyan. Wag kayong malito :)

Sa mga hindi pa nakakaalam, may story na si Geeo : I love view




Special Chapter #7 – Gavin



George


Kinakabahan ako habang nagda-drive pabalik sa bahay. Nanginginig ako pero kailangang mag-relax. Kailangan kong kumalma para maayos at ligtas akong makarating sa bahay at makabalik sa mag-iina ko. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko, parang hinahabol ng sangkaterbang kabayo. This is the second time already but it feels like my first.

Pasado alas-otso nang makarating ako sa bahay. Kinuha ko sa kwarto ang ilang bag na pinapakuha sa akin ni Mama. Matagal na itong nakaayos dahil nga baka biglaan na naman. Mabuti na raw na ready na at tama nga. Madali kong kinuha ang mga ito at nagmadali akong bumalik sa kotse. Walang tao ngayon sa bahay dahil lahat sila ay nasa ospital. Iniwan ko ang Mama ni G at ang parents ko para bantayan siya. Sina Geeo at Gia rin ay naroon. Ang alam ko ay nasa byahe na rin sina Blesie at Patrick.

 Pumutok na ang panubigan ni G kaninang ala-sais. Kaninang-kanina pa siya nagle-labor. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan siya. Kung sana pwedeng ako na lang ang pumalit sa kalagayan niya ay gagawin ko. Hindi lang buhay niya ang nakasasalay kundi ang buhay ng anak namin at buhay ko. Sana mahintay niya ako. Gusto kong nasa tabi niya ako hanggang ginhawa na ang pumalit sa nararamdaman niyang sakit.

May inaasikaso si Papa kaya hindi siya ang nakabalik sa bahay. Si Geeo naman ay inuutusan sa kung anumang kailangan. Nagpresinta na ako kahit na ayaw ko siyang iwan. Pinaharurot ko ang sasakyan para magmadali. I wanna see my princess.

Si Gia ang una naming anak ni G, of course Geeo's our child, I just mean, biologically. Gustung-gusto kong lalaki ang sumunod kay Gia. We made love hoping for a boy.  Nakabuo but it isn't want we wanted.

Hindi naman sa namimili ako. Kung ano ang ibigay ay magpapasalamat ako. It's just that, if God permits to give me another boy, I will be more thankful.

Pero nagpa-ultrasound si G noong mga five months na ang kanyang tiyan. Sina mama ang kasama niya noon sa OB dahil nasa trabaho ako. Noong makauwi ako sa bahay, ibinalita niya sa'kin, it's a girl. Masaya ako. Masayang-masaya ako pero mas masayang masaya pa sana kung lalaki. Hindi ko alam. Marahil kapag tatay ka, mas gugustuhin mo talaga ang lalaking anak para mas maging malapit sa'yo, maituro mo ang mga ginagawa mo. Hindi ko kasi nakitang lumaki si Geeo. Gusto kong maranasang mag-alaga ng isang lalaking anak.

But everything happens for a reason.

Noong pinapakinggan ko na ang heartbeat ng anak ko kahit na nasa tiyan pa lang siya ng asawa ko ay naiiyak na ako sa ligaya. Ang malamang nasa maayos ang kalagayan nilang dalawa ay sobra-sobra na.

Mula nang malaman ko na babae ang aming pangatlo ay nag-isip na ako ng pangalan. Nahirapan ako dahil gusto ko, ituloy na ang nakasanayan, letter G ang simula n gaming mga pangalan. Kung lalaki sana ay gustong-gusto kong ipangalan rito ang Gavin. In Welsh the meaning of the name Gavin is: Hawk of the battle. Gusto kong maging matapang ang aking anak, matatag at hindi matibag ng kahit ano o sino.

Pero dahil babae nga, matapos ang ilang linggong ginugol ko sa pag-iisip, nakaisip rin ako.  Georgette.

Napangiti ako dahil doon. Sunod sa pangalan naming pareho ni G. Lalo akong na-excite, natuwa. Nawala na ang panghihinayang kong sana lalaki siya.

Noong dinala namin si G sa ospital ay nakailang ulit ako sa kanya na ako ang magpapangalan sa anak namin. Alam niya na iyon pero gusto ko lang ulit-ulitin. Hindi kasi mapakali. Natataranta ako.

Kaya ngayong nakabalik na ako ay madali akong nagtatakbo papunta sa operating room. Nasa labas sina Geeo at Papa.

"Anak, akin nay an. Pumasok ka na sa loob."

Sinalubong ako ng isang nurse at binigyan ako ng mask at pinagsuot ng damit na katulad ng sa pasyente. Pagpasok ko, naririnig ko na ang pagsigaw ni G. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Nandito na ko."

"Asawa ko.." Mnagiyak-ngiyak ang boses niya.

"Relax lang." Pinapakalma ko siya. "The world is waiting for her."

Ilang sigaw at iri pa, maging ako yata ay nakisabay sa kanya, narinig ko na ang pag-iyak ng aming bagong anghel. Noon lang gumaan ang pakiramdam ko. Hinalikan ko si G sa kanyang noo. Hinahapo siya, pagod, pero kitang-kita ang kaligayahan sa mga mata niya. Alam kong sa akin din.

"Congratulations, Mrs. Andrade, you have successfully gave birth to a baby boy," bati sa amin ni Doktora.

Sandali.

"Baby boy?"

Ngiti lang ang naging ganti sa'kin ni G.

"Surprise!"

Nagawa pa niyang lakasan ang boses nya kahit nanghihina na.

"Akala ko.."

Hindi ako makapaniwala.

"Hindi ko sayo sinabi para ma-surprise ka and you were."

Napapikit ako sa sobrang kaligayahan. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya kasabay ng pagbulong ng maraming "Thank You" sa Kanya.

Ang mabuhay silang pareho ay sapat na pero ang ibigay ang hinihiling ko ay sobrang saya. Thank you, Lord.

"Gavin," I said. "Gavin is his name."

"Gavin will be his name." G confirmed.


November 9. My wife gave birth to my third child named Gavin Aldrei.


That was the caption I posted on our Instagram account with the picture of me and my new son.


Yung Georgette? Sasabihin ko na lang kay Geeo na kapag nagkaroon na ito ng anak in the future ay iyon ang ipangalan nito sa kanyang panganay na babae. In the future. Ayoko pang maging lolo sa ngayon.




www.facebook.com/nayinkofficial

nayincyp on Facebook, Instagram and Twitter

I'm NBSB No MoreNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ