Chapter 43

12.1K 212 28
                                    

#ImNBSBnomore

#ByeGGCouple

#HelloAACouple


Chapter 43

Geeo


Pumasok ako sa Starbucks Café at um-order ng Chocolate Chip Cream at Cinnamon bun. After a while ay tinawag na ako ng barista.

"Sir Geeo?" Lumapit ako sa kanya. "Here's your order, Sir."

"Thanks," I said before heading on my usual spot here.

Tulad ng inaasahan ko, walang ibang nakaupo sa extension part ng Café. Madalas kasi ako dito at siguro ay nai-reserved na sa akin ito o baka nagkataon lang na wala talagang nakaupo sa tuwing pupunta ako rito. Whatever the reason is, naupo ako at inilapag ang orders ko sa maliit na table. Ang ganda ng view!

Hindi ko trip maupo roon sa loob dahil masyadong common ang ambiance. Halatang-halatang kapihan. Maganda pero mas relaxing kapag nature ang nakikita mo. Katulad nito, sunset, trees, fresh air.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ang magandang tanawin na nagpapakumportable sa pakiramdam ko ngayon.

geeoalexander: I can't get over you.

Tulad ng ga dati kong posts sa Instagram, kahit kapopost ko pa lang ay may mga likes na. Hindi ko rin alam kung bakit dumami ang followers ko rito at sa Facebook. Hindi naman ako nagpo-post ng mukha ko sa IG. I always post sceneries. Pinursue ko na kasi ang photography.

Who would've thought na si Baby Cupid na gustong-gustong sundan ang yapak ng kanyang Daddy George ay lumihis ng landas. Hindi ko rin alam kung bakit. Noon, ang alam ko talaga ay gustung-gusto ko ang mga ginagawa ni Dad. I want to be an Engineer back then pero nang mag-college ako, para akong na-love at first sight sa photography. Luckily, hindi nila ako pinigilan. Hence, they are supportive of me. Really.

 Ganun siguro talaga. Ang akala mong gusto mo ay magbabago sa paglipas ng panahon kasabay ng pagbabago rin ng buhay mo.

Ibinulsa ko na ang phone ko at inilabas naman ang DSLR ko. Nangangati na talaga ang mga kamay ko na kumuha ng mga litrato. Photos? It became my addiction.

I took a sip of my frappe bago sunud-sunod na click na ang narinig ko. Hanggang sa paglingon sa kaliwa ko na kukuhanan ko sana ang isang bakanteng upuan doon ay may babaeng humarang kaya siya tuloy ang nakuhanan ko. Tiningnan ko ang preview ng picture at napangiti ako. She's really beautiful.

"Sorry ngayon lang," aniya.

"Lagi ka namang late kahit saan."

"Grabe! First time mo lang naman ako niyayang magkape." Pagkasabi niya noon ay kinuha niya ang frappe ko at ininom.

"Uy, bumili ka nga ng iyo."

"Pengeng pambili," sabi niya sabay sahod ng kamay.

Binigyan ko siya ng 500-peso bill at umalis na siya. Lagi siyang ganyan. Baka nga na-spoiled na sa akin masyado. Pero hindi rin siguro. Lagi ko naman siyang sinusungitan din at binabara. At the end of the day naman, nakakawit na siya sa braso ko o kaya nakaakbay na ako sa kanya.

She's Alex, my girlfriend for a year now.

Nagkakilala kami noong senior high. Magkaklase kami at naging malapit sa isa't-isa. She graduated Valedictorian at Salutatorian naman ako. Naging mag-best friends kami hanggang sa hindi namin namalayan na may mutual understanding na pala. Not until college when she confessed. Hiyang-hiya ako dahil siya pa ang nagtapat sa akin. Multimedia Arts ang course niya kaya may ilan kaming subjects na magkatulad. May paiyak-iyak pa siyang nalalaman noon dahil baka raw may magbago, baka raw iwasan ko siya. Natatawa ako dahil ang lakas talaga ng loob niya. Niyakap ko na lang siya nun at hinalikan sa pisngi. Nabatukan tuloy ako.  She's like Mom.

I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now