Chapter 39

12.2K 176 20
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 39



Ginny



Ang galing ni God. Yan ang na-realize ko nang pagugnayin niya ang mga buhay namin. Sina Georgina, George, Ronald at Ako. Parang love quadrangle.

Si George, mahal na mahal si Georgina. Alam kong kasal na siya pero umasa pa rin akong magugustuhan niya ako. I saw his wedding ring pero isinatabi ko iyon at sinunod pa rin ang akala kong tama which is magparamdam pa rin sa kanya.  Hindi ko naman rin alam na makikilala ko siya dahil sa pagkakaroon namin ng engagement sa Maevin. Last year pa ko pa hawak ang kompanya dahil ako ang consultant nila pero dahil hindi naman palagi kailangan ng consultant, paminsan-minsan lang ako nakakabisita sa office. At sa paminsan-minsang iyon, iyon naman ang mga panahong napapansin ko na si George.

His smile is so genuine and attractive. Matatakot ka sa umpisa dahil napaka seryoso niya lalo na kapag nagtatrabaho pero when he smiles? Its like you're seeing a Greek God here on Earth. Sobrang gwapo niya to the point na ilang beses na akong nauuntog sa tuwing mapapadaan ako sa office niya para lang makasilay. Buti na lang talaga at walang nakakapansin. Not until Ronald confronted me. Napapansin niya raw na panay ang pagtingin ko kay George. Mula noon lagi ko na lang siyang nakikitang nakangisi kapag nakikita niya akong sumisilay sa lalaking gusto ko.

Yes, na-like at first ako kay George. Mabibilang lang sa kamay ang araw na nagkita kami pero sapat na yun para magustuhan ko siya. Ganun naman siguro talaga. Kapag natamaan ka at sapul pa, mahirap ng pigilan. Hindi mo namamalayan, nagiging mundo mo na yung tao. Buti na lang at hindi nag-transofrm ang like sa love. Muntik na.

Nang niyaya ako ni Ronald mag-bar na kasama ang halos lahat ng empleyado ng Maevin at take note, libre pa kaya lalo akong napilitan ay sobra ang kaba ko. That's the first time na naging sobrang lapit ko kay George. Hindi niya ako kilala. Hindi naman kasi siya ganoong ka-socialize. Nakikihalubilo siya, yes pero kapag in-approach lang siya. Syempre ako, bilang may lihim na pagtangi sa kanya ay walang lakas ng loob kaya't parang teenager na pasulyap-sulyap lang sa kanya.

Tahimik lang siyang tao at mukhang ayaw niya pa ngang uminom noong gabing iyon pero mapilit si Ronald at sinabing light drink iyong binigay niya kay George. Alam kong hindi gusto ni George na malasing noong gabing iyon. Hindi ko rin namalayan ang sarili ko na naging tipsy na. Hinatid ako ni Ronald sa parking. Kahit medyo hilo ako ay napansin kong hindi ko sasakyan iyong pinagdalhan niya sakin. Bahagya akong bumalik sa ulirat. Akala ko kasi holdaper na. Pero he just winked at me na parang hindi man lang natamaan ng alak ang sistema niya o baka manhid na ang katawan niya sa alcohol.

Inalalayan niya ko sa pagpasok ko sa sasakyan at nung akma na akong aalis ay lumapit siya sakin at bumulong ng, "You'll thank me after this. Trust me."

After noon ay parang nahilo ako at nawalan ng malay. The next thing I knew, nasa bahay ko na kami. Nakakapit ako kay Ronald nang ihatid niya ko sa kwarto ko. Hihiga na sana ako pero sabi niya magpalit ako ng pangtulog. Wala ako sariling sinunod ito. I am on my usual nighties. Uncomfortable kasi ako kapag makapal ang damit pag natutulog. Gusto ko parang wala pero not totally naked naman. Nang napahiga na ako, nakaidlip na ako. Paggising ko, I was surprised to see George beside me. Tinawag niya pa nga akong "Hon" noong paggising niya. Nayakap niya rin ako. I really felt giddy that time pero kita ko sa mukha niya ang pagka-shock kaya nagpanggap na lang din akong gulat which is totoo naman pero I'm a bit happy.

Tulad ng inaasahan ko ay hindi niya ako kilala. Yung nasa department lang naman niya ang ka-close niya, e. Nagpakilala ako and ayun, nagmadali na siyang umalis. Syempre, siguradong lagot yun sa asawa niya dahil hindi siya umuwi. Nakaramdam ako ng excitement after noon. Hindi naman ako masama pero noong oras nay un parang nakaramdam ako ng pag-asa. Well, yeah, naging bad ako.

I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now