Chapter 18

12.9K 204 15
                                    

#ImNBSBnomore


Chapter 18

Georgina


Matapos naming mag-usap ni Blesie tungkol sa problema nila ni Patrick, natulog na siya. Tila masyadong marami ang nawalang tubig sa aming mga katawan kaya napagod kami lalo plus the fact that I was so tired sa naging party ni Gia and B on the other hand was exhausted sa pag-inom. After ng madramang usapan ay nahiga na kami, inunan niya ang braso ko. In-on ko na rin ang aircon kanina.

Para kaming magkapatid. No, let me rephrase that. Magkapatid kami sa magkaibang ama't ina. Nakahilig ang ulo ko sa ulo niya. Nakayakap din siya sa akin at bahagya siyang nakatagilid. Nang mahawakan ko ang kamay niya, naramdaman kong nilalamig siya kaya hinila ko agad ang dark blue na comforter at saka inkinumot sa kanya.

Queen-sized ang kama dito sa guest room maging doon sa isa. Meron ding ready na kutson lang para in case na magkasabay-sabay ang pag-stay dito nina mama at mga pinsan ay paghihigaan sila. Malaki ang space ng kama pero masyado kaming magkadikit ni B na animo hindi kami mapaghihiwalay.

Hindi ako makatulog. Ang dami ko nang naiiyak pero mulat pa rin ang mata ko. Ang hirap kayang matulog nang mabigat ang loob.

I sighed.

Mahimbing na kaya ang pagtulog ni George? Naisip niya kayang puntahan ako dito at tanungin kung gusto kong matulog katabi niya? Matitiis niya kaya ako? May balak kaya siyang tiisin ako? Bukas kaya okay na kami? Magso-sorry kaya siya?

Yan! Yan ang laman ng isip ko kaya hindi ako makatulog ngayon. Hangga't maaari, ayokong ipagpabukas ang mga ganitong bagay. Gusto ko pagkagising ko kinabukasan ay good mood, good vibes, full of joy. Pero paano na yan ngayon?

Ilang minuto rin akong nakatitig sa kisame. Gusto ko siyang puntahan. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong magkaayos na kami. Ngayon na.

Ilang attempt at bumangon na rin ako. Dahan-dahan kong inihiga si B sa unan. Inalis ko rin ang kamay niyang nakayakap sakin. Tapos na ang best friend duties ko. Wifely duties naman. At bahagi niyon ang pagsasawalang-bahala sa pride, paghingi ng tawad, pakikinig at pag-intindi.

Pumunta ako sa kwarto namin ng may malakas na pagkabog sa dibdib. Kinakabahan ako. So far, ito ang pinakamalalang away namin ni George. Ngayon lang kasi kami nagkasagutan. Kung tutuusin, maswerte pa nga ako dahil yung ibang mag-asawa, masyado nang maraming pinagdadaanan like B and Patrick. Kami, smooth pa. Simple things ang dahilan na kami na lang ang napapa-complicate.

Pero sana nga, simple lang ito.

Kasi ang hirap din pala. Hindi kami nag-aaway kaya ngayong nag-away kami, paranoid na ako. Idagdag pa ang nagawa ni Patrick sa best friend ko. Nakakabaliw mag-isip ng mga posibilidad.

Binuksan ko ang kwarto namin at dahan-dahang pumasok. Magkahalo ang naramdaman ko. Una, masaya ako dahil nandito si George. Pangalawa, nalungkot ako dahil mahimbing na siyang natutulog. Nagawa niyang makatulog nang hindi kami nagkaka-ayos. 

Ginawa ko ang best ko para makahiga sa kama namin ng hindi niya mararamdaman. Wala pang kalahating araw kaming may LQ pero miss na miss ko na agad siya.

Ilalapit ko sana ang kamay ko para yakapin siya pero binabawi ko rin agad. Sa halip, pinagmasdan ko na lang ang mukha niya. I want to trace his nose line by my finger. I want to touch his lips. Bakit ganito? Sandali pa lang pero pakiramdam ko may malaking gap na agad sa pagitan naming dalawa? Kahit pa magkatabi na kami ngayon.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago ko tuluyang nakumbinsi ang sarili ko na yakapin siya. Niyapos ko siya gamit ang isa kong kamay. Hindi ko pa nananamnam ang sandali nang bumaling na siya sa kabila. Nakatalikod na siya ngayon sakin . It hurts. My heart suddenly turns into broken pieces. Kahit na tulog siya, ang lamig niya pa rin. Bakit ganito?

Tears came rushing down my cheeks. Naramdaman ko ang nagbabadyang pagbabara ng ilong ko kaya naupo na lang muna ako. Nahagip ng mata ko ang cellphone ni George na nasa tabi ng lamp shade na nakapatong sa maliit na cabinet sa tabi ng kama namin.

Napapikit ako sa pag-alala sa naikwento ni Blesie. Ang OA ko para pag-isipan ng masama agad si George. Grabeng pagka-paranoid na ang nararamdaman ko. Pero hindi, walang babae si George. Alam ko yan. Pero may nagtutulak sa akin na tingnan ang cellphone niya. Parang may gusto akong malaman – ang text o kahit anong message galing sa head niya na dahilan kung bakit siya nagalit sakin. Bakit ngayon ko lang na-realized na ang akala kong simpleng bagay ay malaking bagay pala sa kanya kaya siya nagalit sa akin?

I swiped to unlock the screen. Nagmadali akong pumunta sa messages. Nagi-guilty na kasi agad ako sa pakikialam ko. Lumaki pa nga ang tampo niya sakin dahil sa hindi ko pagtitiwala diba? Hay.

Kinlick ko agad ang conversation nila ni Ronald. Ang pinaka-recent na message ni Ronald ay hindi ni-reply-an ni George.

Napabuntung-hininga ako. Disappointed daw ang Presidente ng Maevin kay George. Siguro ganoon na lang talaga ang tiwala nila sa kakayahan ng asawa ko.

Damn, G! I hate myself!

Kinlose ko na agad ang cellphone niya at ibinalik sa pinaglalagyan nito. Tumayo na ako at lumabas sa kwarto namin.

Sa isang guest room ako magpapalipas ng magdamag. Kailangan kong mapag-isa.

A/N: Robi Domingo's on the multimedia section! Take a look! <3


FB Page: www.facebook.com/nayinkoffcial

FB Profile: www.facebook.com/nayincyp

Instagram and Twitter: nayincyp

I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now