Chapter 2

29.6K 403 24
                                    

#ImNBSBnomore



Chapter 2

Ang kasalanan, kahit hindi sinasadya ay kasalanan pa rin.

George



I feel so tired. My back's aching. I just woke up, eyes still closed, I am hugging my loving wife.

"Good morning, Asawa ko," I muttered.

"Hmmm.."

Masarap siguro ang tulog ni Georgina. Hindi maabala. I hugged her tight. Hindi ko pa rin minumulat ang mata ko. Kinapa ko ang kumot at itinakip sa aming dalawa.

Nang hindi pa rin sumasagot si G sa good morning  ko ay binuksan ko na ang aking mga mata.

"Asawa– what the! Sino ka? Bakit...ano'ng nangyari?!"

Oh God. Tell me I'm just dreaming. Please.

Agad kong tiningnan ang sarili ko. Boxer shorts lang ang suot ko. At, at, itong babaeng kasama ko... Sino siya? Ba-bakit ko siya kasama? Bakit kami nandito? B-bakit siya, bakit siya.. naka-underwear lang?

Good Lord, anong nangyari? Anong nagawa ko?

"Hmmm..."

Nag-iinat siya ng katawan. Ako, natutulala pa rin. Hindi ko naiintindihan. Ano'ng meron? Ano'ng nangyari?

"M-may nangyari ba?" I asked the girl. Wala akong maalala. May hangover pa yata ako! And there I realized! I got drunk last night! Pero bakit ako nandito? Bakit magkasama kami sa kwartong ito?

Please, sabihin mong walang nangyari. Please.

Napatingin siya sa akin. Nang marealized niyang tinatanong ko siya ay nagulat din siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtingin niya sa katawan ko at sa kanya.

"What happened?!" She shouted. "Mr. Andrade, what the hell was going on?"

Mukhang pareho kaming biktima ng alkohol. But wait...

"Kilala mo ako?"

She rolled her eyes at me bago sinabing, "I'm Ginny. We met last night sa get-together ng kompanya." Napahawak siya sa ulo niya habang nagsasalita. Hindi siya nakatingin sa 'kin.  "I was drunk. Like you. Oo, tama. Lasing tayo. Nalasing tayo. Sa bar." He's trying to calm herself down. "Tingin ko naman walang nangyari. Lasing lang tayo at, at, magkatabi natulog. N-ng walang damit."

She suddenly blushed when she realized na wala nga kaming damit at tanging mga underwears lang ang suot.  Agad niyang hinila mula sa'kin ang kumot at tinakip sa katawan niya.

"M-magbihis ka na!" Sinigawan na naman niya ako.

Napunta naman ang tingin ko sa orasan sa ibabaw ng table sa tabi ng kama.

"Alas siete na!"

Nagmadali akong bumangon. Hinanap ko ang mga damit ko at sinuot ito. Kinakabahan ako. Lagot ako. I somehow felt that I betrayed my wife. Oh, God!

"Pasensya na. Okay. Sorry, Ginny. Pareho nating hindi ginusto 'to. So, next time, 'wag na tayong maglalasing. Sorry ulit. Kailangan ko nang umalis."

At lumabas na ko sa kwarto niya. Nasa bahay niya pala kami. A kilometer away sa subdivision na tinitirhan namin.

Ayaw tumigil ng puso ko. No, no, hindi sa saya. Kinakabahan ako. Lagot ako. Baka kung ano na ang iniisip ni Georgina. Baka galit na siya. Baka isipin niya may babae ako. Wala! Si Ginny? Hindi ko alam. Wala pa akong masyadong maalala. I'll ask Ronald as soon as I see him. Kailangan kong maunawaan ang mga nangyari. I am really not aware of the things that had happened!

I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now