Chapter 12

18K 230 13
                                    

#ImNBSBnomore



Chapter  12

Georgina


Hindi pa ako naglalagay ng blush on pero namumula na ang pisngi ko. Si George naman kasi. Napahawak ako sa mukha ko habang nakatingin sa salamin sa kwarto namin. Nagme-make up ako para sa party ng Gia.

Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko ang nangyari kanina sa banyo. Feeling first time kaming dalawa kahit hindi naman. Nakakatawa dahil pareho pa kami. Sa totoo lang kasi kinabahan ako nun. But what we did was safe. Napagdesisyunan namin ni George na magbe-baby ulit kami kapag 5 years old na si Gia. Mahirap kapag ilang taon lang ang agwat ng magkakapatid. Ayokong dumating sa point na hindi nila rerespetuhin ang isa't-isa. That's why we used contraceptives a while ago. Hindi naman kami lagi naggaganoon. Kapag miss lang ang isa't-isa. Saka we are not just having sex. We are making love.

Binlow-dry ko ang buhok ko na lagpas balikat na. Ikukulot ko ang dulo nito maya-maya at iha-half pony ko para bagay sa kunwaring korona. Inuna ko ang paglalagay ng foundation sa mukha ko. Naglagay din ako ng concealer dahil medyo lumabas ang eyebags ko dahil sa paghahanda sa party. I put yellow and gold shade of eye shadows on my eye lid.

Naalala ko, hindi naman ako nagme-make up dati. Pero dahil dun sa step number 5 sa 10 ways on how to have a boufriend ko noon, hindi ko napigilan. Lalo pa't napansin ako ni George nun. Para raw akong anghel. Oh my! Kinikilig ako sa simpleng pagre-reminisce!

Dahil ngiting-ngiti ako, naging madali para sakin na maglagay ng blush on. Kaunting shade lang dahil kitang-kita naman dahil sa white complexion ko. I also put mascara on my eyelashes that made it more visible. Inayos ko rin ang hubog ng kilay ko. Tiningnan ko muna sa salamin ang kabuuan ng mukha ko bago ko nilagyan ng light pink lipstick ang labi ko.

Thanks to Blesie talaga. Siyang dahilan kung bakit maalam na akong magpaganda ngayon.

Magpa-plantsa na sana ako ng buhok nang biglang pumasok si George. Literal akong napanganga!

Nakabihis na kasi siya. Iyong pang-prinsepe. Kulay dark blue iyon at may mga makikintab na designs sa mga gilid. Dahil pasadta ang mga damit namin para mamaya, saktong-sakto kay George ang kanya. Lalo siyang kumisig tingnan. Ang gwapo!

"Close your mouth, asawa ko or I will put mine para may round 2 tayo," sabi niya sabay tawa. Naningkit ang mga mata niya.

"Loko-loko." Binalik ko ang tingin ko sa salamin. "Saan ka nagbihis?"

"Sa kwarto nina Geeo. Nakabihis na rin ang prinsepe natin. Tingnan mo mamaya kung makikilala mo pa kami," excited niyang sabi.

Agad akong napangiti. Siguradong magkamukhang-magkamukha sila!

"Nabihisan na ni Nanay si Gia?" tanong ko.

"Yap. Tawag ka na pala ni Nanay."

Nananalamin na rin siya at inaayos ang buhok niya. Medyo may bangs ito at itim na itim. Nakakainis naman. Napakagwapo ni George ko.

Tumayo ako at akmang lalabas ng kwarto para ayusan na si Gia nang pigilan ako ni George.

"Asawa ko.....ang ganda-ganda mo lalo," aniya nang nakangiti at nakatitug ng deretso sakin.

"Naka-contacts ka na pala!" Sigaw ko nang mapansin na kulay blue na ang mata niya.

"Naiirita nga ako, e. E sabi mo hindi bagay ang salamin ko dito sa costume."

"Haha! Tiis-gwapo!" Tatawa-tawa kong sabi. "Bagay naman. Saglit lang naman ang party." I smiled.

"Si Geeo wag mo nang payagan mag-contact lens. Baka ma-irritate mata niya. Tigas ng ulo ng anak mo."

I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now