Chapter 25

11.5K 178 19
                                    

#ImNBSBnomore

Chapter 25

George


Bumalik ako sa hotel ng masaya pa rin. Kinuha ko lang ulit ang laptop ko, iniwan ang sunglasses ko at bumalik na sa AVR para sa afternoon session ng training. Nakaupo na ako sa pwesto ko ng nag-vibrate ang phone ko.

I love you. I miss you. Ingat ka rin, a? I love you, Asawa ko.

Hindi lang labi ko ang ngumit kundi maging ang mga mata ko at ang syempre, ang puso ko.

Ang sarap magtrabaho pag nasa mood na.  Samahan pa ng energizer na Iloveyou mula kay Georgina ko.

"For our part, Maevin is a privileged partner to Moontrust in meeting these challenges. In line with our traditional strength in infrastructure development, we remain committed to strengthening Moontrust's energy, transportation, and urban infrastructure—sectors that are critical for a vibrant investment climate."

Napapangiti ako habang nakikinig kay Sir Andrew Alvaran, ang speaker ngayong hapon.

"There are also exciting projects in the pipeline for civil engineers. Construction of the massive Leverage Condominium is set to begin before the end of this year probably after electing the new members of the Board of Reagents. Completion is expected by 2015-2016."

Pero at the back of my mind, ang pamilya ko ang iniisip ko. Family bonding after this!

Need to focus muna. Para rin naman sa kanila itong pinarito ko sa Batangas.

Kinagabihan, nagyaya si Ronald na pumunta sa mini bar. Unang gabi daw naming dito sa Baluarte at kailangang i-enjoy. Hindi ko malimutan ang pag-grin niya habang pinipilit kaming lahat na sumama sa kanya.

Sa pagmamadali, naiwan ko ang phone ko sa kwarto ko. Hinayaan ko na rin dahil hindi naman din ako magtatagal. Sasama lang ako saglit sa kanila para wala silang masabi. Pakikisama, you know.

Nakapang-summer get up ang mga kasama ko. Dederetso yata sila mag-swimming. Si Ronald at Alfred, proud na proud sa kanilang katawan. Si Christine  din. Naka-two piece siya. Ako, naka-black sando lang ako at blue shorts.

Pagkadating naming sa mini bar ay nasa isang table kami malapit sa counter. Ang daming inorder ni Ronald na mga drinks. Nasa mesa naming ang makukulay na inumin na hindi ko na alam kung ano. Ubusin daw namin lahat.

"Light drinks lang yan lahat. Maaga pa tayo bukas kaya hindi pwedeng maglasing," tatawa-tawang sabi ni Mr. CEO.

Syempre, dahil sa nangyari last time na kasama ko siya sa bar din ay hindi na ako naniniwala sa kanya. Humingi ako ng sarili kong drink sa bartender na nasa counter. Wala na kong tiwala sa dati kong kaibigan. Saka nase-sense ko talaga na may issue siya sa akin. Di ko pa nga lang alam kung ano pero malalaman ko rin yan.

Pagkainom ko ng drink ko, nagsalita na naman si Ronald na katatapos lang mag-text.

"There you are, Ginny!" masaya niyang sabi sa kararating lang na si Ginny. Naka-two piece din siya pero may see through na damit. Nakalugay ang buhok niya. Mahaba. Itim na itim tulad ng kay G.

Bumeso sina Ronald, Alfred at Christine kay Ginny. Ako na lang ang nakaupo kaya tumayo na rin ako at humalik na rin sa pisngi niya.

"Hi, George," aniya.

Ngiti lang ang naging sagot ko sa kanya.

"Have a seat, G," sabi ni Ronald. G? Seriously, G? Nickname ni Ginny? G? O pauso na naman ito ni Mr. CEO?

I took a sip of my blue drink. Naupos si Ginny sa tabi ko. Spell awkward?

Hindi pa rin ako ganoon ka-socialize na tao. Yung mga malalapit lang sa akin ang nakakakulitan ko. So, Ginny here is not a friend kaya hindi ko siya kinakausap. At wala naman kaming dapat pag-usapan. Pero siya ang nag-open ng topic.

"Sorry, George."

Lumingon naman ako sa kanya. Baka sabihin niya snob ako.

"Sorry?" I asked.

"Yeah. Sorry for our ugly last meeting." So she's talking about that night.

"Forget it. Hindi naman natin gusto na magkatabi tayong natulog. Besides, walang nangyari. Let's just consider it a brother/sister kind of bonding," sabi ko sabay kuha ulit ng aking inumin.

"Ahm, yeah, yeah. But still, sorry pa rin."

"Okay. Sorry din."

"So, friends?"

Nakangiti siya sabay ng pag-twinkle ng mga mata niya. Bakit ba nakikita ko sa kanya si Georgina?

"Friends." Inabot ko ang kamay niyang nakikipag-shake hands. Siguro time na rin para ma-close ang issue na ito.

"Thank you." Tiningnan niya ako ng mata sa mata.

Hindi ko namalayan na umalis pala si Ronald at eto kababalik lang ulit.

"Having a sweet little chitchat, e?" he said. "Masaya ang tugtog! Come on, let's dance!" aniya sabay lagok ng tuluy-tuloy sa iniinom niya.

"No thanks," mabilis kong sagot.

"Don't be KJ, Engr. Andrade! Yayain mo naman magsayaw si G!"

Hindi ko alam kung may tama na ba ang isang ito. Napalingon naman ako kay Ginny na hindi ko ma-explain kung anong naiisip.

"Sayaw kayo ni G!" This time nagkaroon ng authority sa boses ni Mr. CEO. Ipinangangalandakan niya na naman sa akin na siya ang aking boss. O yeah, bakit ko nga ba nalimutan ang utang na loob ko sa kanya.

Huminga ako ng malalim at inubos ang inumin ko bago ako tumayo.  Nakaharap na ako kay Ronald na nakatayo na rin sa harap ni Ginny na nasa kaliwa ko.

"Ano, ahm, wag na Ron. Okay lang ako," aniya.

"No, no, no. George insists, right, George?" He gave me a sly grin at kitang-kita ko ang warning sa mga mata niyang naniningkit.

"Let's dance," sabi ko.

Agad namang napatayo si Ginny. Nasa harap ko na siya ngayon pero nakatalikod siya sa'kin. Medyo close.

"Kung ayaw mo—"

Hindi niya nagawang ituloy ang sinasabi niya dahil napalingon siya sa akin. Magkaharap na kami ngayon at..at...close pala talaga. Kitang-kita ko ang maputi niyang mukha, ang itim na itim niyang mga mata, ang sweet smile niya. G... Georgina.. They are very alike in terms of their appearance.

Na-shocked siya ng ma-realized ang posisyon namin. Maging ako rin.

"Ano..kung..ayaw mo. Okay...lang naman," dahan-dahan niyang sabi.

Kamukhang-kamukha niya talaga ang asawa ko. Georgina, miss na miss ko na si G. I miss you, Asawa ko. I miss you G. I miss you very much.

Then...

Nanlaki ang mata ko sa sunod na nangyari. Parang may tumulak kay G kaya hindi lang kami medyo malapit. Kundi...malapit na malapit. Her lips touched mine. I am more than shocked.

She closed her eyes. She kissed me. My G is kissing me. Georgina's kissing me. I miss her so bad. I love my wife so damn much! I responded.

nayincyp on Facebook, Instagram and Twitter <3

www.facebook.com/nayinkofficial


I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now