Chapter 30

12.7K 231 41
                                    

#ImNBSBnomore

Chapter 30

Georgina


Nagising ako 30 minutes before my alarm dahil sa isang tawag. Natutulog pa rin si George na nakayakap sa akin kaya pinilit ko na lang abutin ang cellphone ko na nasa table. Nang makuha koi to ay sinagot ko agad ang tawag.  It's Blesie.

"B, good morning," panimula ko.

"Morning, G. Nagising ba kita? Kailangan ko lang ng kausap. Kagabi pa ko di okay." Paos ang boses niya pero hindi garalgal. Hindi siya umiiyak pero sa tingin ko'y galing din siya roon.

"Bakit? Anong problema?"

Pagkaalis namin ni George sa Batangas ay ka-text ko na lamang ang best friend ko tungkol sa problema nila ni Patrick. Kinabukasan ng paguwi naming ay sinabi na raw ni Blesie sa parents niya ang nangyari. Syempre, inuna niya ang good news which is may baby na siya. Pagkasabi niyon ay ipinagtapat niya na rin ang totoong kalagayan nilang mag-asawa. Ang overnight dapat sa Baluarte Beach ni Uncle Joe ay na-extend. Nagtagal pa sila ng dalawang araw doon. Kahapon lang sila bumalik sa Laguna.

"Dumating si Patrick kagabi."

I was shocked upon hearing the news.

"Pagkabalik namin dito sa bahay, naghihintay siya sa labas. Hinawakan ko agad si papa dahil alam kong galit siya kay Pat. Natatakot akong masaktan siya ng pisikal. Nilapitan ko agad siya para hindi siya malapitan ng mga pinsan ko. Alam na kasi ng buong pamilya."

Knowing Tito Bert, hindi niya hahayaang masaktan ang unica hija niya. Napakagat ako sa labi ko. Nate-tense ako sa kwento ni B.

"Nakatungo lang siya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nasa Nagcarlan kami. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ng makita siya. Gustung-gusto ko siyang yakapin at hagkan pero ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit.

"Hindi nakatiis si papa. Sinuntok niya si Pat. Tahimik lamang si mama na nakaalalay sakin. Pinipigilan ko si papa pero ang sinasabi lang niya ay dapat lang yun kay Patrick. Buti na lang at hindi na nakisali pa ang mga pinsan ko kundi baka dumugo na ang mukha ng asawa ko. Awang-awa ako sa kanya, G. Hindi niya nagawang makapagpaliwanag dahil ayaw siya pagsalitain ni papa. Si mama ay hindi na rin nakapagpigil at napagsalitaan na rin siya. Umiiyak lang ako. Ayaw nila akong palapitin pa sa kanya. Lumuhod na siya sa harap ko , umiiyak, nagso-sorry. Wala akong nagawa, G. O mas tamang sabihing hindi ko alam ang dapat kong gawin. Alam ko sa sarili ko na handa akong patawarin siya. Handa akong kalimutan ang lahat basta balikan niya lang ako at para hindi lumaking walang ama ang anak ko. Pero kinaladkad ako ni papa at pinapasok sa loob. Nandun lang siya sa labas. Hindi ko alam kung anong oras siya umuwi pero sigurado akong kanina lang dahil sinisilip ko siya kagabi. Hindi ko siya malabas dahil binabantayan ako ni mama."

Nakatulala lang ako sa kisame habang nakikinig kay Blesie. Gusto ko silang magka-ayos. Alam kong grabe ang naging pananakit ni Patrick kay B pero ayokong maging broken family ang pamilya ng best friend ko.

"Gusto mo ba siyang makausap? Gusto mo bang contact-in ko siya para makapgkita kayo?"

"Kinuha ni mama ang cellphone ko. Binigay niya lang sakin ngayon dahil sinabi kong tatawagan kita. Hindi sila papayag na makipagkita ako sa asawa ko, G."

Inilapat ko sa kabila kong tainga ang cellphone dahilan para magising si George. I mouthed na kausap ko si Blesie. Tahimik lang niyang kinusot ang mga mata niya. Hindi pa siya bumangon.

"Gagawa ako ng paraan. Sa ngayon, diyan ka muna sa inyo. Itetext kita, okay?"

"Salamat, G. Salamat. Kayo ba ni George kumusta na?"

I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now