Chapter 19

13.4K 217 20
                                    

#ImNBSBnomore





Chapter 19

George


I slowly open my eyes. Tumunog na kasi ang alarm clock. Oras na para pumasok ulit sa trabaho.

Akma sanang yayakapin ko ang katabi ko nang maalala kong wala pala siya dito. Napapikit tuloy muli ako nang pagtagilid ko ay walang Georgina ang nasilayan ko sa pagsisimula ng araw. Pinatong ko ang wrist ko sa noo ko. Damn this feeling.

How can I start my morning without her?

Kasalanan ko rin naman kasi. Masyado kong pinalaki ang maliit na bagay na iyon. Hindi niya sinabi sakin kasi ayaw niyang mawala ako sa birthday ng anak naming. Pero hindi pa ba sapat na nangako ako? Bakit hindi niya ako pinagkatiwalaan?

If I didn't care, I wouldn't get mad. I got mad. So, I care. Did G already realize that?

Nanghinayang lang naman talaga ako sa pagkakataong nasayang. Big break na kasi iyon. Isa akong civil engineer na nagsimula syempre sa mga simpleng trabaho at unti-unti ay napo-promote hanggang sa ngayon, supervisor na ako. Boss na ako ng mga dating katulad ko lang ng lebel. Pero syempre may boss rin ako. Hinahawakan na rin ng Maevin ang Moontrust Constuction and Realty Corporation na siyang pinakamalaking kompanya sa bansa na gumagawa ng mga bahay at subdivision. Malaki ang korporasyong iyon kaya nangangailangan sila ng mga propesyonal na inhinyero. Iyan ang dahilan kung bakit nagkaroon ng eleksyon. Kailangang may mag-handle na sa Moontrust.  Lalo pa't may bagong condominium na ring kumukuha sa Maevin bilang partner sa paggagawa ng limampung palapag na condo sa Maynila.

Napabuntung-hininga na lang ako.  Wala na kong magagawa. Nangyari na. Dapat hindi ko na lang kinompronta si Georgina. Sana hindi ko rin siya napagsalitaan ng tungkol sa trabaho. Hindi ko naman sinasadya. Nadala na kasi ako.

Ayokong magtrabaho siya ulit hindi dahil sa may kompitensya kami sa kung ano ang naitutulong sa pamilya kundi dahil gusto kong maging focus niya ay ang mga bata lang at ako. Pero hindi niya yun naiintindihan. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil simula under grad siya, sa C&K na siya at nasanay na sa opisina. Hindi pa man siya nakakagraduate, dahil scholar siya noon ni Boss Lee, nakapagtrabaho na siya. Kumikita siya dahil pinaghihirapan siya.

Kaya suko na ko sa pangungumbinsing maging housewife na lang siya. Hindi ko na bibigyan ng maling pagtingin iyon.

Bumangon na ako matapos ang ilang minutong paglipad na naman ng isip ko. Hindi ko alam kung paano ko siya natiis magdamag. Sa totoo naman kasi, hindi ko naman siya tiniis. Hindi ko kaya kaya!

Ikaw ba matitiis mo ang mahal mo?

Nag-eavesdrop ako sa heart-to-heart talk nina Georgina at Blesie. Sandali lang iyon at ang narinig ko lang ay ang kwento ni Blesie tungkol sa nangyari sa kanila ni Patrick. Hindi ko akalainng magagawa niya yun.  Iniisip ko tuloy na kausapin si Patrick at gumawa ng paraan para magka-ayos sila ni B. Pero syempre, hindi ko siya pangungunahang sabihin dito ang pagdadalang-tao niya.

Hindi masyadong nakapagsalita si Georgina sa pag-uusap nila. Pero nang minsang magsalita siya, ramdam kong may pinanggagalingan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Babalikan mo siya? Kahit na iniwan ka na niya at ipinagpalit sa iba?"

Bakit parang ang naging dating nito sa akin ay naiisip niyang susubukan niya ring sagutin din ang mga tanong niya sa pamamagitan ng 'posibilidad' na magawa ko rin ito sa kanya?

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon