Epilogue

13.7K 182 5
                                    

#ImNBSBnomore

#ByeGGCouple


Epilogue

Georgina

Ang bawat bagay na nangyari, kahit gaano pa kaliit ito ay may dahilan. Umiyak ka dahil nasaktan ka. Tumawa ka dahil masaya ka. Nadapa ka dahil kaya mong bumangon. Nagpatawad ka dahil kahit ikaw ay nagkakamali rin.

Tulad ng naging buhay ko na akala ko masaya nang natapos noong nagwakas ang unang kabanata sa buhay namin.

Inakala kong pagkatapos naming ikasal ay magiging madali na ang lahat. Akala ko ang saying naramdaman ko ay magpapatuloy na mula noon. Lumipas ang mga taon at sinubok ang katatagan ko. Ang dating walang problemang relasyon ay muntik ng masira. Natakot ako. Hindi ko kasi napaghandaan ang mga ganoong bagay. Naging panatag ang loob ko. Hindi ko naisip na baka dumating ang sandaling may mga taong magbalak sumira sa amin ng asawa ko. At ganoon nga ang nangyari.

I almost gave up immediately. Buti na lang hindi ko ginawa. Buti na lang naramdaman ko pa rin na mahal na mahal ko ang asawa ko, na kailangan siya ng mga anak ko, na kulang ang pamilya namin kung wala siya.

I am thankful to those person who came our way kasi kung hindi dahil sa kanila hindi lalakas ang pagtitiwala ko sa asawa ko at hindi magiging ganito katatag ang relasyon namin. They did their parts well that it made us better.

Marriage is not a joke. Hindi lang iyon tungkol sa mag-asawa dahil doon magsisimula ang pamilya. Kailangan maging tapat sa bawat oras, alalahanin ang pagmamahal sa isa't-isa, alagaan at bigyan ng sapat na panahon ang isa't-isa at higit sa lahat, respeto. Hindi ito isang bagay na basta na lang o dapat lang gawin. It is sacred. It needs to be true.

Hindi kailangang magsukatan ng hangganan ng pagmamahal. Dapat itong pinaparamdam upang hindi makalimutan. Sabayan ng dasal at pakikipag-usap sa Kanya para ang relasyon at ang buong pamilya ay habang buhay na maging maligaya.

Our story will never end here. Hindi na ito kailangang isulat pa. I will forever love George and I am very sure that he will do the same. We will reach our final chapter with Him. At habang hindi pa iyon nangyayari, susulitin lang namin ang bawat sandali sa pagpapalaki ng maayos at mabuti sa aming mga anak, pagmamahal sa kanila at sa iba naming mahal sa buhay.

I am NBSB no more. No one stays the same forever.

Finished: September 14, 2014

www.facebook.com/nayinkofficial

nayincyp on Facebook, Instagram and Twitter

I'm NBSB No MoreWhere stories live. Discover now