Chapter 3

29.8K 433 66
                                    

#ImNBSBnomore



Chapter 3

Matutong umintindi dahil iniintindi ka rin ng ibang tao.

Georgina



Pagkabasa ko sa message na na-received ko from unknown, I suddenly felt bad. Naalala ko rin ang spam message na natanggap ko noon. Dati, 10 ways on how to get a boyfriend. May kinalaman 'yon kay George s'yempre. This time, about naman sa marriage namin. Could this be? No please. No.

Ayokong isipin pero parang senyales ito na may hindi magandang mangyayari sa relasyon namin bilang mag-asawa, bilang pamilya. Sakto pa ang dating ng message na ito ngayon. Hindi umuwi si George. At..., nalaman ko pa na sa bahay ng babae siya natulog. Magkasama sila magdamag. Lasing. Ano ang dapat kong maramdaman? Hindi ko alam.

Malaki ang tiwala ko sa asawa ko. Mula nang makilala ko siya, kahit na siya pa ang spy noon sa C&K, alam kong mabuti siyang tao at hindi siya gagawa ng masama ng walang dahilan. Sa nagawa niya ngayon, may dahilan ba siya? Ano? Gusto kong malaman.

Hindi na ba ako sapat?

Boring na ba ang relasyon namin para sa kanya?

We have our kids, yes.  Pero wala kasi siyang experience na iba. Bukod sa ako lang ang first and last girlfriend niya, though hindi ko sigurado kung ako nga ang last since may posibilidad pa na magka-girlfriend ang isang lalaki kahit na may asawa na siya, hindi siya nahirapan sa'kin noon. Alam niya kasing mahal ko siya.

Ngayon, mali mang isipin ko, baka tine-take for granted niya lang ako. Ayokong isipin. Ayokong masira ang pamilya namin. Mahal na mahal ko siya.

Napatulala ako, nag-iisip.

Pinagpaligo ko na si Geeo at inayusan ko na rin si Gia.

"'My, where's dad?" tanong sa akin ni Geeo habang nagsusuklay ng buhok at naglalagay ng wax dito. My Geeo is Baby Cupid no more.

"Geeo, pupunta tayo kina lola."

"Lola who? Kay Mama or kay Mamita?"

Oo nga pala, dalawa ang lola niya. They used to call my mom, Mama while George's mom, Mamita.

"Kina Mamita. Matagal na rin tayong hindi nakakabisita sa kanila."

"Okay, 'My."

Nang makapag-ayos na rin ako, pumunta na kami kina Mama. Hindi ko na ginamit ang sasakyan. Tatay Roger and Nanay Maria's off for the week. Mag-asawa ang aming driver at kasambahay. Fiesta daw sa kanila kaya kailangan nilang umuwi doon for a week. Nag-commute lang kami ng mga bata papunta kina Mama. Sa San Agustin Grove lang naman ang kanila. Tatlong sakay mula dito sa Greensborough. Hindi naman gaanong malayo. Kailangan lang mag-tricycle palabas ng subdivision at sumakay ng jeep pa-bayan tapos isang jeep na hanggang kina mama na.

Hindi ako nag-iwan ng kahit anong note. Hindi ko alam kung anong oras uuwi si George. Nahintay ko na siya magdamag. Siguro naman sapat na 'yon.

Nanag makarating kami kina Mama, sinalubong niya kami.

"G, I missed you. Mga apo, kumusta kayo? Miss na miss na kayo ng Mamita. Come on, give Mamita a hug. 'Yong mahigpit na mahigpit," ani Mama sa mga anak ko.

Binigay ko kay Mama si Gia. Si Geeo naman ay mabilis na humalik at yumakap sa kanya.

"Mamita, I missed you, too," sabi ni Geeo. "Mommy, punta lang po ako kay Tita Gwen."

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon