Chapter 10

16.3K 212 21
                                    

Chapter 10

Georgina


March 5 is the day! Ganito ba talaga ang feeling kapag magse-celebrate ng first birthday ng anak mo? Yung puso ko naghuhuramentado. Kalma lang silang lahat pero ako, di ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko dahil nae-excite ako na kinakabahan. I know, hindi pa ito ma-appreciate ng anak ko ngayon pero I am pretty sure that someday, when she can think and starts to appreciate things, magiging masaya siya sa tuwing babalikan niya ang pagkabata niya. That once in her life, nabigyan ko siya ng ganito kagandang party.

Hindi naman talaga bonggang-bongga ito. Knowing me,  ayoko naman ng sophisticated at pang-elite. Simple lang ako. Simple in a way pero mapapa-wow ka. Making simple things a bit extraordinary. Parang ganun. And this is for my unica hija! Kailangan effort much.

Early in the morning, I wake up George with a 'Good Morning' kiss. Nang binuksan niya ang kanyang mga mata binigyan niya ako ng 'you don't need to seduce me, wife' look! He can't stop grinning! Si George talaga! Tapos niyakap niya ko saka bumangon.

Since birthday ni Gia, pumunta kami sa church. Nagpamisa rin kami para sa kanya. Ang ganda-ganda ng anak ko sa simpeng putting dress niya. May headband din siyang white na may ribbon. Ngiting-ngiti at labas ang dimple. Si Geeo nama'y nagmaktol pa bago umalis dahil gusto na niyang isuot ang ternong damit nila ng daddy niya. Hindi rin kasi maayos ang gising niya kaya ayun at tinopak. Ang daddy niyang kalmado, nakumbinsi ang prinsepe ko na sa party na ni Gia yun isuot. Buong misa tuloy nakasimangot siya.

Hindi na kami kumain sa labas dahil marami nang pagkain sa bahay. Pagkauwi namin galing simbahan, si Nanay Maria na lang ang nadatnan ko. Sina mama ra at parents ni George maging sina Athan at ibang kamag-anak ay nasa The Orchard na.

"G, wag ka nang magpa-stressed ha? Kami nang bahala sa venue. Marami na kami roon. Ang kukulit nga ng mga mama niyo. Ayaw magpa-awat sa paghahanda," masayang sabi sa amin ni Nanay habang kinukuha ang mga ilang desserts sa fridge na gawa nina Athan at Matt.

"Tama si Nanay, Asawa ko. Si Gia na lang ang intindihan mo today, okay? Kaya nga rin tayo kumuha na ng caterers para di na tayo mapagod sa pag-aasikaso," ani Geroge. "Beauty rest ka na lang. Ako, magpo-pogi rest. Diba Nay?" He winked at me bago ngumiti kay Nanay.

Umakyat na ako sa kwarto kasama ang dalawa kong chikiting. Medyo nasa mood na si Geeo. Si George naman ay naiwan sa baba, tinulungan si Nanay. Siya na raw ang maghahatid dito papunta sa The Orchard. Binaba ko muna si Gia sa kanyang crib at pinabantayan ko kay Geeo na naglalaro nan g NBA 2k14.

Alas diyes pa lang. Maaga pa para sa party mamayang 2pm. Pero kahit na ganoon, kinuha ko na sa cabinet ang gown na susuotin ni Gia. Kulay yellow iyon na tulad ng kay Belle sa Beauty and the Beast. Inilapag ko iyon sa kama kasama ng kanyang little tiara at ng pares ng kanyang gold shoes. Napangiti ako. Nung bata ako, hindi ako nakaranas ng magarbong birthday party. Lagi lang kaming nakain sa labas kapag may pera. Saka hindi rin kasi ako mahilig sa party kaya ani mama ay sayang lang naman kung ipaghahanda ako.

Nung binyag ni Gia, isinabay namin  iyon sa 7th birthday ni Geeo. Sa Jollibee iyon ginanap. Ang saya-saya noon dahil kumpleto ang pamilya. Yes, I know papa's always watching us. Tuwang-tuwa si Gio nun kasi ang saya raw kapag double celebration.

Agad ko ring kinuha ang gown ko. Tinotoo ko talaga ang theme ng party na matagal ko ng naisip – terno kami ni Gia, terno naman sina George at Geeo. Di lang pala terno! As in, tulad na tulad! Para cute. Lalo na kapag nag-family picture na kami. Belle na belle rin ang aking gawin. Same with my daughter's. Sina George at Geeo naman ay nakapang-prinisipe. May mga korona din kami. Makaranas man lang na kahit isang araw ay maging hari at reyna kami ni George at maging prinsepe at prinsesa ang mga anak ko. I'm so excited!

I'm NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon