Valentines Special

37 2 0
                                    

14th of February, 2020
Petite France, South Korea

Petite France is a small French village consisting of the museum, workshops, restaurant, cafe and a guesthouse. Mas gugustuhin nila Soonyoung at Yerin na malayo layo naman sa trabaho nila, tutal Valentines day naman. Naisip din kasi ni Soonyoung mas magkaroon pa ng time na sila lang.

"Saan ba tayo pupunta?", tanong ni Yerin sa kanya.

Malapit lapit na sila sa nasabing lugar. Gusto ni Soonyoung na masurprisa nya ang babaeng mahal nya. Nakangiti lang si Soonyoung sa tanong ni Yerin.

"Basta", sagot nya.

Nakarating din sila sa Petite France. Pinark nila ang sasakyan. Naunang lumabas ng kotse si Soonyoung para pagbuksan si Yerin ng pinto. Lumabas si Yerin sa kotse at tumingin tingin sa paligid. Tuwang tuwa sya sa mga nakita nya dahil damang dama talaga na nasa France sila.

"A-Asan tayo?", tanong ni Yerin.

Inilapad ni Soonyoung ang kamay nya at kinuha naman ito ni Yerin. Umakyat na sila sa village ng magkahawak kamay. Di pa rin maukit kung gano kasaya si Yerin ngayon. Di sya makapaniwala na dadalhin sya ng lalaking mahal na mahal nya. Nahinto sila sa mataas na part at tiningnan ang buong lugar.

"Ang ganda!", sabi ni Yerin habang nakataas ang kamay.

"Nagustuhan mo ba?", tanong ni Soonyoung.

Tiningnan sya ni Yerin habang nakangiti. Nagulat si Soonyoung sa ginawa ni Yerin sa kanya. Niyakap sya nito at hinalikan sa pisngi. Napaka saya ni Soonyoung dahil nagustuhan ni Yerin ang surprisa sa kanya. Niyakap nya pabalik si Yerin habang hinihimas ang buhok nito. Hinalikan nya rin ito sa pisngi.

"Tara", sabi ni Soonyoung.

Dinala nya ang girlfriend sa isang cafe. Nag order din sila ng cake dahil gutom na daw si Yerin. Pag tapos, pumunta rin sila sa mga guesthouse. Nag picture sila pang instagram dahil isang public figure ang girlfriend nya.

"Para san naman yan?", tanong ni Soonyoung.

"Kilala girlfriend mo sa instagram kaya dapat mag post", pabirong sabi ni Yerin.

Natawa lang si Soonyoung at umupo sa isa sa mga upuan na naroroon. Ang di nya alam, patago syang pinicturan ni Yerin at pinost ito na may caption 'meet my boyfriend'. Alam kasi ng lahat na single itong si Yerin kaya nagulat ang mga followers nya na may boyfriend ito. Natuwa na lang si Yerin dahil sa pagkakataong yun, masasabi nyang makakalakad na sya ng maayos, na walang tinatago sa social life nya. Mga kaibigan lang naman nya kasi nakakaalam tungkol kay Soonyoung. Nilapitan ni Yerin si Soonyoung at agad itong niyakap.

"Hon", sabi nya.

"Hmm?"

"Salamat"

"Salamat saan?"

"Sa pagdala mo sakin dito"

Hinalikan ni Soonyoung ang noo ni Yerin at niyakap ito ng mahigpit. Kahit na maiksi lang ang oras na magkasama sila sa araw na to, para sa kanila, ito na ang pinaka masayang araw para sa kanilanh dalawa. Magkayakap sila habang ineenjoy ang buong paligid.

"I love you", biglang sabi ni Soonyoung dahilan para magulat si Yerin.

"I love you too", maiyak iyak na sabi ni Yerin kay Soonyoung.

Good to me || hoshi [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt