016 - Yoon's

67 3 0
                                    

Kasama ko ngayon si Wonwoo sa pag sha shopping. Hindi kasi ako sinipot ni Mingyu kaya heto, nag pasama ako sa kapatid ko. Buti na lang pumayag sya. Mag lalaro sana sya pero sabi nya may bibilhin rin sya kaya heto hehe. May oras na mahirap pakisamahan si Wonwoo pero kapag naging malapit kayo sa isat isa, ibang iba ang ugali nya sa itsura nya.

Lakad sana namin ngayon ni Mingyu pero hindi ko alam kung bakit hindi nya ako sinipot. Sinabihan ko sya na samahan ako. Omoo naman sya pero asan sya ngayon? Hays. Hirap talaga pag busy yung boyfriend no? HAHAHA.

Payapa kaming nag lalakad ng kapatid kong Wonwoo dito sa sidewalk ng biglang may nabungo samin.

"Ano ba!" inis na sabi ni Wonwoo dahil hindi man lang nag sorry yung tao na yun

"Wonwoo, ayos ka lang?" sabi ko at tiningnan kung sino yun

Naka hood ang lalaki at parang may hinahabol na isa pang lalaki. Tatlo silang nag tatakbuhan pero sandali, sino yung naka hood? Pamilyar.

"Ayos lang ako, ikaw?" sabi ni Wonwoo sakin na kaagad akong napatingin sa kanya

"Oo.."

"Tara, baka mapano pa tayo dito" sabi nya at agad naman kaming umuwi.

Nasa biyahe kami at iniisip ko pa rin kung saan ko ba nakita yung hoodie na yun. Pamilyar talaga.

"Iniisip mo?" napatingin naman ako kay Wonwoo.

"Wala. Iniisip ko lang kung bakit hinahabol nong naka hood yung isang lalaki" sabi ko

"Malay mo mag nanakaw. Ganon naman kapag ano diba. Di mo ba nakita, may hawak yung lalaki" sabi nito at kumuha ng makakain don sa dala namin

"May hawak ba sya?" sabi ko

"Hmm. Parang envelope, baka drugs"

"Wag ka ngang ganyan, edi sana pulis na lang yung humahabol don"

"Pwede rin namang undercover yung pulis. Baka pulis yung naka hood na sinasabi mo"

May point sya. Pero hindi iba yun. Alam kong hindi yun pulis.

"Mukha bang pulis yun?" tanong ko

"Yeah" sabi nito habang kumakain

"Pamilyar yung hoodie nya..." pabulong kong sabi, tama lang na marinig nya

"Purket di ka lang sinipot ni Mingyu eh ganyan kana"

Mingyu? Hoodie? Teka, baka nga tama ako? Si Mingyu yun? Pero bakit nya hahabulin yung lalaking yun?

"Pano?" sabi ko

"Ewan ko sayo" sabi nito at hinampas ko naman sya sa balikat, umaray naman sya

Pero baka nga si Mingyu yun. Impossible.

Nakarating na kami sa bahay. Nilapag ko ang mga pinamili namin. Kinuha naman kaagad ni Wonwoo yung nga pinamili nya.

"Laruan na naman" sabi ko

"Mouse to. Sira na mouse ko eh" sabi nya

"Kabibili mo lang nong isa ah, ano nangyare?"

"Nang gigil ako" sabay akyat sa kwarto nya dala dala ang mouse na binili nya

Laging ganyan tong si Wonwoo. Di ko alam kung nag aaral pa ba ng maayos to eh. Inilagay ko na ang nga pinamili ko sa kwarto ko at yung mga pagkain sa kusina. Nag aayos lang ako ng biglang may nag door bell. Pinag buksan ko kung sino.

"Anjan ba si Wonwoo?" sabi ng lalaking naka kulay pink na may pag ka red ang buhok

"Ginagawa mo dito?" sabi ni Wonwoo na nasa likod ko na

"Pwede ba tayong mag usap?"

Tiningnan ako ni Wonwoo, tumango naman ako at lumabas sya kasama ang lalaking yun. Sino kaya yun? Di ko alam na may bago agad sya? hahaha

Speaking of bago, ex nya kasi si Mingyu. Pano?

-FLASHBACK-

"Ako or si Wonwoo?" sabi ko habang hawak hawak ang baril

"Oo na, ikaw na, ibaba mo lang yang baril" sabi ni Mingyu

Nakatutok ang baril sa ulo ng kapatid kong si Wonwoo. Wala syang kaalam alam dahil pinatulog ko sya.

"Wag mo lang papatayin si Wonwoo. Ikaw na pipiliin ko, hihiwalayan ko na sya..." mangingiyak na sabi ni Mingyu sakin

-BACK TO THE PRESENT-

Masama na kung masama pero mahal na mahal ko talaga si Mingyu. Sya lang ang gusto ko at wala nang iba. Hindi ko alam kung anong nakita ni Mingyu sa pesteng Wonwoo na yun. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga sya kapatid. Anak sya sa ibang lalaki ni mama. Mabait lang ako kaya nagawa kong tanggapin ang mokong na yan pero sa totoo lang, surang sura ako sa kanya.

Ilang minuto ang makalipas, naka balik na si Wonwoo sa bahay. Umupo ito sa harap ng TV at nanood. Dala dala ang ramen na niluto ko, kumain kami sa sala.

"Ano pinag usapan nyo?" sabi ko habang sinasandukan sya ng ramen

"Wala naman" sabi nya

"Di ko alam na may bago kana ah" pabiro kong sabi

Tiningnan lang nya ako ng masama at tsak kumain. Kumain na rin ako at tinarayan sya. Kapal nito.

"Hindi ko bago yun" sabi nya habang hinigop ang noodles.

"Sino ba yun?" sabi ko

"Taong papangarapin mo na sana hindi mo na nakilala" sabi nito

Natahimik naman ako sa sinabi nya at natakot din. Hindi ko alam kung bakit basta naramdaman ko lang.

"Thank you hyung" sabi nya at niligpit ang kinainan nya sabay punta sa kwarto nya

Nitong mga huling araw, pansin kong laging nandidito sa bahay si Wonwoo. As usual naman nyang ginagawa yun dahil nga puro laro ang ginagawa nya pero nong huling araw, panay gala nya at ngayon, balik na sa dati. Parang may mali.

Niligpit ko na ang kinainan ko at hinugasan ang mga plato. Umakyat ako sa kwarto nya at nakita ko syang nakahiga sa kama hawak hawak ang isang libro.

"Ano binabasa mo?" sabi ko

"Comics lang to" sabi nya at niligpit ang binabasa nya, sabay tingin sakin na may 'anong-ginagawa-mo-dito' look

"May di ka ba sinasabi?" diretsong tanong ko

"Wala naman kasi akong dapat sabihin" sabi nya

"Sigurado ka?"

"Oo, kaya labas na, matutulog na ako"

Lumabas naman ako. Napabuntong hininga na lang ako sa inasta nya. Pero sino ba yung lalaking yun?...

Good to me || hoshi [COMPLETED]Where stories live. Discover now