Pandemic Special

10 0 0
                                    

23th of October, 2020
Seoul, South Korea

"Babe!" masayang bati ni Yerin sa kanyang kasintahan na si Soonyoung.

Matagal na simula nong huli nilang pagkikita at sa wakas nakita na rin ang kanyang kasintahan. Unang beses nilang magkita ngayon pagkatapos ng mahigit na anim na buwang pagkakakulong sa bahay. Noong mga nakaraan na buwan ay pwede na mana sana silang magkita kaso ayaw syang payagan ng binata dahil nga ay nag aalala ito. Ngayon, si Soonyoung na mismo ang pumunta sa bahay nila Yerin para kumustahin ang dalaga pati na rin ang magulang nito na ngayon pa lang sya makikita ng personal. Madalas kasi na sa picture lang nya makita ang kasintahan ng anak kaya masayang masaya syang makita ito. 

Pagkakita ni Yerin ay agad naman nyang niyakap si Soonyoung dahilan para umiwas ng bahagya ang binata.

"Bakit?" tanong ni Yerin habang naka nguso.

"Mag sterilize muna ako bago mo ko yakapin, mahal. Galing ako sa biyahe oh" mahinahong paliwanag ni Soonyoung sa kanya at agad naman syang nakirinig rito.

Bago pumasok si Soonyoung, nag alcohol muna sya at naligo. May baon syang mga damit dahil mananatili muna sya sakanila Yerin. Wala rin naman silang pasok sa kailangan pang lumabas at bumiyahe, nag-homebase muna sila sa kanilang trabaho. 

Pagkatapos maligo ni Soonyoung maligo at magbihis, agad naman nyang pinuntahan si Yerin sa sala na nakaupo sa sofa habang nanonood. Niyakap nya ito at niyakap din sya ng dalaga. Masaya silang nagkukulitan nang biglang dumating ang mama ni Yerin galing sa grocery. Alam kasi nyang pupunta ngayon si Soonyoung kaya namili sya dahil paglulutuan nya ito.

"Andito kana pala" sabi ng mama ni Yerin habang bitbit ang mga pinamili.

Nilapitan naman nila Yerin at Soonyoung ang mama at agad itong tinulungan. Kinuha nila ang pinamili at nilagay ito sa kusina. 

"Kamusta po kayo?" bati ni Soonyoung sa kanya.

"Ayos naman. Miss na miss kana ng anak ko. Balak ko sanang nakahanda na yung kakainin natin bago ka dumating kaso naunahan mo na ako" sagot naman ni Mrs. Lee.

"Hindi ko po kayo nakita sa grocery edi sana natulungan ko po kayo sa pinamili nyo"

"Ayos lang. Mas gwapo ka pala sa personal, anak ko talaga marunong mamili" pagkasabi nya non ay agad syang tumungo sa kusina at inayos ang mga pinamili para sa lulutuin nyang hapunan. Naiwan naman ang dalawa sa sala, nagtawanan silang pareho bago tinulungan si Mrs. Lee sa pagluluto.

Habang kumain sila, patuloy lang na tinitingnan ng mama ang dalawa. Mukha silang masaya dahilan para matuwa rin sya. Ngayon lang nya kasi nakita ang anak na ganon kasaya na tila ba ay wala nang makakasira sa saya na nararamdaman nilang dalawa. Napansin ito ng dalawa at agad nila syang tinanong.

"Bakit ba? Ayaw mo ba kay Soonyoung?" sabi ni Yerin.

Natawa naman ang mama nya dahil napaka inosente ng expression nang mukha nito nong tinanong sya nito. Sa una ay nagtaka si Soonyoung pero natawa rin dahil sa mukha ni Yerin.

"Hindi, nakakatuwa lang kayo tingnan. Kayong dalawa mag huhugas nan ha, mauuna na akong matulog, anong oras na rin. Kayong dalawa, walang yugyugan sa pamamahay ko ha, itatakwil ko kayo" sabi ng mama sa kanila.

"Tita, behave po kami. Huwag po kayo mag alala, wala po akong gagawin sa anak nyo bukod sa yakapin sya buong gabi. Kami na rin po maghuhugas ng pinagkainan. Maraming salamat po ulit sa pagtanggap sakin" mapagkumbabang sagot ni Soonyoung sa kanya na ikinatuwa ni Yerin.

"Asahan ko yan ha. Isumbong mo sakin kapag wild si Yerin" huling habilin nito bago tuluyang tumungo sa kanyang kwarto.

"Goodnight ma!" sabi ni Yerin.

Pagkatapos kumain ng dalawa ay agad naman nilang hinugasan ang mga pinagkainan. Natutuwa si Yerin kay Soonyoung dahil pinapakita nito ang totoong ugali nya– ang pagiging magalang at mabait nito. Para kay Yerin, wala na syang ibang gusto kundi si Soonyoung lang. Mag iisang taon na rin simula nong naging sila. Marami rin nangyari bago naging sila at hindi yun alam ng mama nya. Mas mabuti nang di nya malaman kung pano sila nagkakilala dahil sigurado na mag-aalala lang ito sa kanya at ayaw nyang mangyari yun.

Pumunta na sila sa kwarto nang matapos nila ang kanilang gawain, handa na silang matulog. Nakayakap si Soonyoung kay Yerin habang nakakumot sila.

"Soonyoung" sabi ni Yerin na agad namang sinagot ni Soonyoung.

"Ano yun?" 

"Namiss kita, sobra. Walang araw na hindi kita inisip. Sabi ni mama para na akong ewan dahil sa sobrang pagkamiss ko sayo. Lalo na kapag may mga bagay tayo na di mapagkasunduan dahil nga kulang sa oras at atensyon. Hindi ko kayang LDR lang tayo, mababaliw ako" 

Niyakap nang mahigpit ni Soonyoung si Yerin habang dahan dahang hinihimas ang likod nito, binigyan rin nya ito ng halik sa kanyang noo, isang halik na mararamdaman mong mahal at ligtas ka sa taong nasa mga braso mo.

"Mahal, pasensya kana sakin. Babawi ako sayo, saatin. Hindi ko rin kayang di makita ang mukha mo sa araw-araw. Hindi ako aalis sa tabi mo, pangako yan" mahinahong sagot ni Soonyoung sa kanya.

Yerin look at him. Tinitingnan ang mga magagandang mata ng binatang nasa harap nya ngayon na nakayakap sa kanya. She caress his cheeks softly before she claim Soonyoung's lips. Soonyoung response to her kiss before they pull out. They cuddle all night until they fall asleep. At that moment, they feel safe, warm and loved. 

Good to me || hoshi [COMPLETED]Where stories live. Discover now