022

49 1 0
                                    

Yerin's POV

"Ano bang kailangan mo sakin?!" tanong ko sa taong nasa harapan ko

Tinali nila ako sa upuan. Madilim ang paligid at ang ilaw ay nakatuon lamang sakin. Hindi ko alam kung nasan kami at ayoko dito. Hindi ko makita ang mukha nang lalaking nasa harapan ko dahil nag tatago sya sa dilim. Dahan dahan syang lumapit sa liwanag at tuluyan ko nang nakita ang mukha nya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sya.

"Mingyu...?" sabi ko

Nagulat naman sya sa sagot ko. Kahit sino naman magugulat kung kilala ka nong taong di mo kilala di ba?

"Kilala mo na pala ako... Yerin" sagot nya sabay ngumisi nang kakaiba

"Pano mo ko nakilala?"

"Di ba dapat ako ang mag tatanong nan?" nag lalakad sya nang paikot sakin

"Na kwento ka ni Wonwoo sakin. Pero teka, bakit ba ako nandito? At pano mo nalaman ang pangalan ko?" sabi ko habang pinipilit na alisin ang tali na nakatali sakin

"Dahil rin kay Wonwoo. Sabihin na nating, sinundan ko sya at narinig ko ang tungkol sayo" sabi nya at huminto sa pag ikot, nasa harapan ko na sya

"Ano bang kailangan mo?" pag didiin ko

"Si Wonwoo. Si Wonwoo ang kailangan ko" sabi nya at dahan dahan nilalapit ang mukha nya sa mukha ko

Nag tataka akong tumingin sa kanya. Si Wonwoo? Naalala ko yung kinuwento ni Wonwoo sakin tungkol sa kanilang dalawa. Kung hindi ako nag kakamali, may gusto pa rin si Mingyu kay Wonwoo. Pero bakit? Hindi ko alam kung pano sila nag break dahil iwas si Wonwoo nong tinanong ko yun. Kumuha ako ng lakas ng loob para itanong iyon sa Mingyu na to na nasa harapan ko.

"Pano kayo nag break?" diretsong tanong ko

Napakurap kurap naman sya. Hindi ko na matiis dahil napapa isip ako kung ano ba talagang nangyari. Gusto kong malaman kung bakit sila nag break. Gusto kong malaman kung bakit gusto pa rin ni Mingyu si Wonwoo. Gusto kong malaman ang totoo.

"Kapal mo naman para itanong yan!" sinigawan nya ako

Hindi naman ako nag patalo. Lahat nang gusto ko, nakukuha ko. Kaya kahit anong mangyari, ipipilit ko ang sarili ko, malaman ko lang ang totoong nangyari sa kanila ni Wonwoo.

"Gusto kong malaman kung bakit ako nandito eh si Wonwoo pala ang gusto mo. So why the hell you brought me here?!"

"Ikaw ang kailangan ko para mapasakin si Wonwoo ulit!"

Nag taka naman ako. Anong ako? Bakit? Marami akong tanong.

"Panong ako?!"

Natawa sya sa sagot ko. Anong nakakatawa don? Is it looks like a joke to you?! I'm freaking serious here!

"Manhid ka ba? Gusto ka ni Wonwoo. Nakikita ko yun tuwing mag kasama kayo! Lagi ko kayong tinitingnan. Iba ang mga tingin ni Wonwoo sayo, IBA!" paliwanag nya

"Mag kaibigan lang kami!"

"Hindi totoo yan!" sagot nya at tsaka tinutok sakin ang baril

"Mingyu, kumalma ka" sabi nang lalaking dumating

Tiningnan ko nang mabuti kung sino. Nagulat ako dahil si Minghao ang nag salita. Anong ginagawa nya dito?

"Di mo ba alam na ex yan ni S.Coups?" sabi nya

"Wala akong pake! Gusto kong mabawi si Wonwoo ulit" sabi ni Mingyu pero nakatutok pa rin ang baril sakin

Hinawakan naman ni Minghao ang kamay ni Mingyu. Ibinaba naman ni Mingyu ang kamay at binalik ang baril sa bulsa nya. Nang mga oras na yun, lalo akong naguluhan. Bakit nandito si Minghao? Pano sila naging mag kakilala ni Mingyu? Bakit nadamay si Seungcheol? Gulong gulo na ako.

"Sorry Yerin ah. Nag wawala kasi tong si Mingyu eh. Gusto nya talagang mabawi si Wonwoo ulit. Baklang bakla kay Wonwoo ah HAHAHA" pag bibiro ni Minghao

"Naguguluhan ako. Anong meron kay Seungcheol? Ex nya ako?" tanong ko, hindi ko na kasi mapigilan

"Akala ko ba sinabi nya na sayo?" sabi ni Minghao

"Sinabi. Pero di ko maintindihan, masyadong magulo para sakin"

Naalala kong may sinabi sakin si Seungcheol noon na mahal nya raw ako kahit na wala akong maalala at nag sosorry sya sa ginawa nya. Ano bang ginawa nya? Bakit sya nag sosorry sakin? Tinali rin nila ako nang ganto noon, buti na lang niligtas ako ni Jun. Pero sa ngayon, sa tingin ko wala nang mag liligtas sakin. Kahit si Jun, kahit si Hoshi pa o Wonwoo. O kaya yung iba. Walang darating para sakin.

"Wala akong alam. Pwede bang sabihin nyo sakin lahat? May kinalaman ba talaga ako dito? Bakit ako nandito? Ano bang meron sakin ha?!" maiyak iyak na sabi ko

Nilapitan naman ako ni Minghao at pinunasan ang mga luha ko. Tiningnan nya ako sa mukha at hinahawi ang mga buhok na nakatakip sa mukha ko. I look at him with a teary eyes.

"Naaksidente ka nong nalaman mo yung nakawan na nagawa namin. Nalaman mo lahat ang tungkol don. Nalaman mo na para maka pasok kami sa grupo ni Jimin, kailangan naming mag nakaw sa bangko. Nong una, puro kalokohan lang ang mga ginagawa namin hanggang sa umabot doon" paliwanag ni Minghao

"Di mo tanggap na nagawa namin yun kaya umalis ka kaagad nong marinig mo lahat nang pinag usapan namin at saktong pag takbo mo non sa kalsada, na bangga ka nang isang sasakyan. Mabilis ang pag papatakbo nang driver dahil lasing sya. Dinala ka namin kaagad sa hospital non" pag dadagdag ni Seungcheol nong dumating sya

"Pero nandito ka ngayon, at inaasahan namin na ikaw ang kapalit" dagdag naman ni Mingyu

"Kapalit?" tanong ko

"Para mag balik na si Wonwoo at Hansol sa grupo ko" sabi ng lalaking di ko kilala

Sya siguro yung Jimin na sinasabi nila. Wala pa rin akong alam, pero base sa mga sinasabi nila, mukhang hindi sila nag sisinungaling. Pinipilit kong maalala ang lahat nang biglang tutukan ako ng baril ni Jimin.

"Ngayon sabihin mo sakin. Nasaan si Wonwoo at Hansol?"

Nakatingin lang ako sa kanya. May luha pa rin sa mata ko. Blanko ang isipan ko nang mga oras na yun. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko lang makaalis dito. Napatingin naman kami sa biglang nag salita mula sa di kalayuan.










"Di ba sabi ko, dadaan muna kayo sakin bago nyo makuha si Yerin?"

Good to me || hoshi [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant