003

131 7 2
                                    

Ilang linggo na rin ang nakalipas at masaya naman ang nangyayari sa buhay ni Yerin. Lagi nyang kasama sila Junhui na Jun na lang tawag nya ngayon. Si Seungkwan na Boo na lang tawag nya at si Hansol, walang nag bago Hansol pa rin. Lagi silang tumatambay sa gym pag katapos ng recess para lang manood ng practice. Bakit? Syempre dahil baklang bakla si Junhui kay Minghao ano pa ba. Ngayong week end, nasa galaan sila pero wala ang isa dahil nag kasakit.

"Puntahan kaya natin?" alalang sabi ni Jun sa dalawa

"Alam mo ba bahay nya?" tanong ni Yerin

"Tingnan natin sa office, may mga info don tungkol sa mga istudyante" sagot naman ni Jun

Agad agad naman silang pumunta sa school para tingnan ang record ni Hansol. Buti na lang at kilala si Seungkwan sa school kaya sila nakapasok. Tiningnan nila isa isa ang bawat papel at ng makita nila ito, agad nilang tiningnan kung saan nakatira si Hansol.

"Malapit lang pala eh" sabi ni Jun

-

"Kuya may naghahanap sayo" sabi ni Sofia sa kuya nyang nakahiga sa kwarto nito

"Sino ba yan?"

"Mga kaklase mo"

Tumango naman si Sofia at pinasok ang tatlo. Agad na nilapitan ni Seungkwan si Hansol at niyakap. Ang dalawa naman ay nakatayo lang sa gilid at pinapanood ang kabaklaan ni Seungkwan.

"Bat kayo nandito? Pano nyo nalaman bahay ko?" nauubong sabi ni Hansol

"Tiningnan lang naman namin yung record mo sa school. So ano okay kana?" sabi ni Junhui

"Mahawa pa kayo. Nasa galaan kayo ah, don't waste your time on me" malungkot na sabi ni Hansol

Gusto talaga nyang sumama sa galaan ng tatlo kaso nag kasakit pa sya. Sila lang kasi ni Sofia sa bahay, nasa New York ang mga parents nila. Si Hansol din ang bumubuhay kay Sofia, nag papart time job sya para mag ka pera, parusa sa kanya ito ng kanyang mga magulang dahil sa masamang ginagawa noon ni Hansol na ngayon ay pinag sisisihan na nya.

"Bat ka ba nag kasakit?" mahinang sambit ni Yerin

"Nag overnight kasi sa trabaho nya" sagot ng babaeng nasa pintuan

"Sya ba si Sofia?" sabi ni Seungkwan

Tumango naman si Hansol. Umalis naman agad si Sofia. Nag uusap lang ang apat, di na sila tumuloy sa lakad nila dahil hindi daw hindi masaya kapag kulang. Bumili na lang sila ng makakain at sinamahan si Hansol na mag pahinga.

-

Umuwi na sila pag patak ng gabi. Si Junhui naman ay hinatid si Yerin dahil babae ito at delikado kung mag isa syang uuwi. Si Seungkwan nag mamadaling umuwi dahil kanina pa sya tinatawag ng mama nya.

"Sino yan?" sabi ng lalaking nasa likod nila Junhui at Yerin

Napalingon silang dalawa at nanlaki ng mga mata. Iniisip na baka pinag kamalan silang 'sila'. Nilapitan ng lalaki si Yerin at inakbayan.

"Sino ka ha?!" seryosong sabi nito

"K-kaibigan po ni Y-Yerin.." nauutal na sagot ni Jun

Inalis ni Yerin ang pag kaka akbay ng kuya sa kanya.

"Sya si Junhui kuya" sabi nya

"Kuya?" nagtatakang sabi ni Jun

Sinabi ni Yerin na kuya nya ang umakbay sa kanya. Iniisip ni Jun na boyfriend nya ang lumapit kaya nagulat syang tinawag ni Yerin ang lalaki na kuya.

"Seokmin nga pala, pasensya na kanina hehehe" sabi nya sabay kamot sa batok "salamat sa pag hatid sa kanya" dagdag nya

Nag bow lang si Junhui at umalis na. Kumaway naman si Yerin, senyas na nag papaalam na rin sya.

-

Kasalukuyang nasa rooftop ngayon si Wonwoo, iniisip kung dapat ba nyang kausapin ng personal si Yerin. Matagal na nya itong nakikita sa school pero di magawang harapin. Iniisip nya na baka sugudin sya ng tatlong kaibigan ni Yerin. He sigh at that kind of thoughts.

"Bukas.." bulong nya habang tumitingin sa mga bituin

Bumaba sya at saktong nakita nya ang kapatid nyang si Jeonghan na nakaupo sa sala at nanonood.

"Ginawa mo?" tanong ng kuya sa kanya

"Wala, bakit?"

Di ito sumagot. Umalis naman agad si Wonwoo at pumunta sa kwarto nya. Kinuha nya ang cellphone at tiningnan kung sino ang pwedeng makausap. Nakita nyang online si Yerin, chinat nya ito. Pagkatapos ma send ay nag out din sya. Alam nyang di sya sasagutin non kaya natulog na lang sya.

-

"Yerin, may project kana?" bungad na tanong ni Seungkwan pag kapasok ni Yerin

"Malapit ko ng matapos, sayo?"

Nag uusap lang sila hanggang sa dumating si Mr. Park. Umupo na sila sa kanya kanya nilang upuan. Kita naman ni Yerin na tumitingin si Wonwoo sa kanya. Kinawayan nya ito pero umiwas lang ng tingin si Wonwoo.

"Okay class, deadline of submitting your project is on Wednesday. Di ako tatanggap ng late" pag kasabi nya non agad na lumabas ng room si Mr. Park

"Hala di ko pa tapos yun, ni wala pa nga ako sa kalahati" naaasar na sabi ni Seungkwan habang nag lalakad sila papuntang cafeteria

"Si Hansol kaya, tapos na yung kanya?" tanong ni Jun

"Absent pala sya no, pano yan?" sagot ni Seungkwan

Pinag uusapan na nila ngayon kung pano nila matatapos ang kanilang project. Pati ang kay Hansol na absent ngayon. May sakit pa rin pala ang isa, kawawa. Balak sanang pintuhan ni Seungkwan pero maaga pala syang uuwi dahil aalis sila.

-

Si Junhui na lang ang pumunta kay Hansol at si Yerin naman ay umuwi na din. Binilinan ni Jun na dumiretso ng uwi ni Yerin dahil baka mapano sya. Nag lalakad si Yerin ng biglang may nag salita sa likod nya.

"Bakit ka mag isa?" tiningnan nya ang nag salit at si Minghao yun

"Minghao? Bat ka nandito?" sagot nya

"Kilala mo pala ako?" nag tatakang sagot nya

"Ah, oo.."

Tahimik lang ang dalawa at ng dumating na ang sasakyan ni Yerin, umalis na sya agad.

-

Pagkarating nya sa bahay, kumain at tinapos na ni Yerin ang project nya. Habang gumagawa sya ng project, tumunog ang cellphone nya kaya agad nya itong kinuha









Xu Minghao send you a friend request.

Confirm                 Delete

Good to me || hoshi [COMPLETED]Where stories live. Discover now