017 - Choi's

65 5 0
                                    

Nasa bus station lang ako ngayon. Pupunta sana ako kay Minghao. May gusto rin kasi syang sabihin sakin. Halos ilang oras na rin akong nag aantay dito ng bus pero parang ayaw umalis ng katawan ko dito na para bang nakadikit na. Dumaan na ang bus na papunta roon, yun na ang pang limang dumaan. Balak ko na sanang tumayo pero may nag message sakin. Kinuha ko naman ang phone ko na nasa bulsa ng jacket ko.

[MINGYU]
12:50pm

Hyung, nandito ako kila Hansol. Punta ka dito, bilis.

Malapit lang mula rito ang bahay ni Hansol kaya agad agad na akong tumakbo papunta roon. May napansin naman ako bago ako umalis don sa station. Parang may nakatingin sakin. Lumingon muna sa likod ko bago tuluyang pumunta kila Hansol.

Pumasok ako sa loob at nakita ko silang dalawa. Nag tatalo sila dahil nag mamatigas si Hansol. Di ko naman sya masisisi, ayaw nya na di ba? Kaya bakit pa namin pipilitin. Pero sya yung pinaka magaling sa grupo kaya hindi namin sya pwedeng hayaang umalis.

"Kailan?" sabi ko

"Sa contest" sabi ni Mingyu

"Ano bang sabi ko, ayoko di ba" sabi ni Hansol

Napansin kong nainis si Mingyu sa sagot ni Hansol. Hinawakan nya ito sa collar at ni corner sa pader. Nakatingin lang nang blanko si Hansol kay Mingyu.

"Hansol! Makinig ka naman sa--" naputol ang sasabihin ni Mingyu nang makarinig kami ng ingay

Lumabas sa isang sulok ang isang lalaki. Agad namang hinabol ni Mingyu ang lalaki at sinundan ko naman silang dalawa. Habang nag tatakbuhan, may nakabangga naman syang lalaki pero hindi nya ito pinansin dahil tuloy tuloy lang sya sa pag takbo. Nahinto lang sya nong hindi nya na alam kung nasan ang hinahabol nya.

"Asan na yun?!" inis na sabi nya

"Mukhang nilito nya tayo" sabi ko habang hingal hingal

Tumingin tingin naman si Mingyu sa paligid. Ganon rin ang ginawa ko. Napansin ko ang lugar, papunta ito doon sa lumang train station. Ano naman ang gagawin nong lalaki dito?

"Sundan mo ko hyung" sabi ni Mingyu sabay takbo papunta doon sa direksyong tinitingnan ko

Sumunod naman ako. Pag karating ko doon, andon nga ang lalaki. Hingal na hingal sya. Nakita ko ring papalapit na sa kanya si Mingyu. Pero teka, pamilyar sakin ang lalaking yun. Parang nakita ko na sya kung saan. Tiningnan ko ulit ang lalaking yun at tama nga ako, nakita ko na sya kung saan. Sa school, sa gym, tuwing may paractice game kami, kaibigan ni Yerin. Boo Seungkwan, anong ginagawa mo ron sa bahay ni Hansol?

Nilapitan na ni Mingyu si Seungkwan. Kapansing pansin na inis talaga si Mingyu. Tipong may halong kaba dahil hindi namin alam kong may narinig ba sya sa usapan namin kanina.

"Wala kang narinig. Manahimik ka lang" madiing sabi ni Mingyu kay Seungkwan

Tumango si Seungkwan, tiningnan muna ni Mingyu ng masama si Seungkwan bago tuluyang umalis. Lumapit sakin si Mingyu.

"Kausapin mo yun, siguraduhin mong tatahimik sya" sabi nya

"Kilala mo ba yun?" sabi ko

"Nakita ko na sya kanina, pero di ko alam ang pangalan nya" sabi nya sabay tingin ulit kay Seungkwan

"Sige akong bahala" sabi ko at umalis naman sya

Pumunta ako kay Seungkwan. Kapansing pansin na medyo nagulat sya sa pagdating ko. Ganon ba talaga kapag gwapo ang dumadating? Hays. Umatras naman sya ng bahagya nong malapit na ako sa harapan nya.

"Tulungan mo na lang kami, Boo Seungkwan" sabi ko sabay ngumisi

"A-ano..?" nauutal nyang sagot

"Tulungan mo na lang kami sa plano namin, para di ka na mapahamak" sabi ko

"Anong plano? Wala akong alam!"

"Talaga ba? Narinig mo kami, Seungkwan"

"Hindi. Hindi ko kayo narinig.."

"Eh anong ginagawa mo don sa sulok ng bahay ni Hansol?"

"Kukunin ko sana yung jacket ko pero nakita ko kayo, pero wala akong narinig"

"Sigurado ka?" hinawakan ko pisngi nya

"O-oo.."

Binitawan ko ang pisngi nya at aalis na sana ako nang bigla syang mag salita.

"Yung contest.. anong meron don?" sabi nya na diretsong nakatingin sakin

"Narinig mo nga"

"Yun ang narinig ko, anong meron don?"

"Tulungan mo na lang kasi kami"

"Ayoko. Mananahimik na lang ako" sabi nya at umalis

Mukhang mapapahamak kami sa Seungkwan na to ah. Di nya pwedeng sabihin sa iba na may plano kami sa darating na contest. Sinundan ko sya at tinutukan ng kutsilyo sa ibabang bahagi ng likod nya.

"Tutulong ka o hindi?" sabi ko

Ramdam kong nanginginig sya sa takot. Hindi sya makapag salita dahil na rin sa ginawa ko.

"Sumagot ka!"

"Ibaba mo muna yang kutsilyo" sabi nya























Ginawa ko ang sinabi nya at nagulat ako sa naging reaksyon nya.

Good to me || hoshi [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें