005

103 6 0
                                    

Junhui's POV

Nakita ko si Yerin na masayang masaya nong nakipag pic sya kay Hoshi kahapon. Masaya rin ako para sa kanya, halatang crush nya si Hoshi eh hahaha.

Andito ako ngayon sa isang shop, coffee shop. May imimeet dahil gusto daw nya akong makita. Sinabi pa nyang urgent kaya lang wala pa sya dito, sabi nya bawal late, ayos ah.

Dahil sa inip ko, nag order na lang ako. Wala akong balak bumili dahil nga nag titipid ako pero wala ang tagal ng kupal.

"Iced americano nga po, dalawa" sabi ko sa waiter

Tumango naman sya at agad na umalis. Pag kaalis nya ay syang dating ng kasama ko. Sa wakas andito na to.

"Ang tagal ha, nakakahiya" sarkastikong pag kasabi ko

"Traffic eh." sabi nya sabay upo sa upuang nasa harapan ko

"Bakit mo ba gusto mong makipag meet, Jisoo hyung?" tanong ko

Sa Pledis University rin sya nag aaral. Nasa ibang room lang. Close kami since matagal na kaming nag aaral sa Pledis Univ.

"Ganto.." bago sya mag salita, biglang dumating yung waiter, dala dala ang order ko.

Nilapag nya ito sa table. Nag bow sya samin bago sya umalis. Kinuha ko ang isa at binigay kay Jisoo hyung yung isa. Then, nagsalita na sya.

"Kilala mo si Seungcheol di ba?" tanong nya

"Malamang, sino bang di makaka kilala don, bakit?"

"Kahapon, habang nag sasalita si Seungkwan--" napatigil sya sa pag sasalita ng bigla akong mag salita

"Kilala mo si Seungkwan?!"

"Oo, kaklase ko sya last year" sagot nya "pede ba patapusin mo ko?" dagdag nya

Tumango naman ako at nag salita na sya.

"Si Seungcheol kasi, nakita kong nakatingin sya don sa babaeng kasama nyo" natahimik ako

Alam ko kung anong klaseng tao si Seungcheol. Bakit si Yerin pa?

"Salamat sa pagsabi nan hyung" pagkasabi ko non, umalis na ako

-

Pumunta akong gym, ako lang mag isa. Wala yung tatlo dahil di pa sila tapos kumain. Himala, walang Seungcheol na nag lalaro dito ngayon. Nakita ko namang may nag lalaro ng basketball don mag isa.

"Hoshi!" tawag ko sa kanya

Lumingon naman sya sakin. Lumapit sya sakin habang dinidribble ang bola.

"Nakita mo si Seungcheol?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, bakit?" pagkasabi nya non, bigla akong tumakbo pabalik ng cafeteria.

Pagkarating ko sa cafeteria, wala na sila. Asan na yun? Inikot ko ang buong school at nakita ko sila Hansol at Seungkwan sa hallway.

"Asan si Yerin?" tanong ko sa dalawa

"Sabi nya mag pupunta lang daw sya sa cr" sagot ni Hansol

Pumunta naman agad ako sa cr pero wala sya don. Yerin asan ka ba? Lahat pinuntahan ko na, music room, dance room, faculty pati na rin sa room namin, pero wala akong Yerin na nakita. Pero may isa pa akong di napupuntahan.

Pumunta ako sa rooftop at tama ako, andon nga si Yerin at may kasama sya. Teka kilala ko yun, si Seungcheol at..... Minghao?

"Close ba kayo ni Junhui?" tanong ni Minghao kay Yerin

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Di naman nila ako nakikita dahil nasa likod ako ng isang blocks dito.

"Oo, b-bakit?" nauutal nyang sagot

"Minghao, wag mong takutin, grabe to" natatawang sabi naman ni Seungcheol

"Lee Yerin, tama? Di mo ba ako naaalala?" tanong ni Seungcheol sa kanya

Halata namang di alam ni Yerin ang pinag sasabi ni Seungcheol. Mag kakilala ba sila? Wala akong alam.

"Sino ka ba? at kailangang naka tali ako dito sa upuan?" inis na tanong ni Yerin

Nakatali? Sinilip ko sila at nagulat ako. Akala ko nakatayo lang sila at nag uusap

"Baka kasi makatakas ka" sabi ni Minghao

Crush kita fafa Minghao tapos ganto ka pala? Uncrush ka sakin ngayon kalamo grr

"Baka maalala mo ko pag ginawa ko to" sinampal ni Seungcheol si Yerin dahilan para matumba sya.

Nakikinig pa rin ako, gusto ko na syang tulungan pero hindi pa pwede. Junhui, wag kang duwag please lang, oo marunong din mag martial arts si Minghao pero mas magaling ka.

"Sino ka ba?! Ni hindi nga kita maalala eh" sigaw ni Yerin

"Sasagot ka pa ah!" balak sanang sampalin pa ulit ni Seungcheol si Yerin pero dumating si..... Wonwoo?

"Hyung, tama na yan" tinanggal nya yung pag kakatali kay Yerin

"Ano to? Feeling mabait?!" -seungcheol

Pagkasabi non ni Seungcheol bigla nya itong sinapak. Ginantihan naman sya ni Minghao pero huli na, nahawakan sya nito sa kamay.

"Wonwoo!" tawag ni Yerin sa kanya

"Tumakbo kana!" sabi naman ni Wonwoo

Hahabulin na sana sya ni Seungcheol ng bigla akong humarang. Nakita kong nagulat silang lahat.

"Umalis kana Yerin, akong bahala" tapos non, umalis na nga si Yerin

Sinapak ko si Seungcheol, dahilan para matumba sya. Sinugod naman ako ni Minghao pero talo sya. Nakahiga na lang ang dalawa ngayon. Kinaladkad ko naman si Wonwoo paalis doon.

-

"May kinalaman ka ba don?!" inis na tanong ko kay Wonwoo

Nasa likod kami ng school ngayon. Naiinis ako sa lalaking to.

"Hays, sasabihin ko na.." umupo sya sa may sirang upuan na nakita nya.

Sinundan ko naman sya at kinuha ang isang upuan rin na sira.

"Ka grupo ko sila. Pero dati lang yun, kaming apat, Minghao, Seungcheol, ako at yung kilala nyo ngayon na si Vernon" paliwanag nya

"Vernon?"

"Si Hansol. Nagulat ako ng kasama nyo na pala sya, mukhang umalis din sya don" dagdag nya

Buti na lang at sinabihan ako ni Jisoo hyung. Kundi napahamak na si Yerin ngayon. Pero bakit si Yerin pa?

"Alam mo bang, mapapahamak kayo sa ginagawa nyo kay Yerin?" seryosong sagot ko

-

Uwian na namin. Di ko alam pero bakit andito yung kuya ni Yerin? Nakwento nya ang tatlo nyang kapatid samin nong kila Hansol kami. Actually, andito si Jihoon. Pinag titilian sya ng mga babae dito ngayon.

"Bakit andito ka?" sabi ni Yerin sa kuya nya

"Sino yang mga yan?" tanong naman ng kuya sa kanya

"Ako po si Junhui, ito naman po sila Seungkwan at Hansol" pag papakilala ko

Tiningnan lang kami ni Jihoon at agad na nyang pinapasok sa loob ng sasakyan si Yerin. Kumaway naman si Yerin samin at kumaway din kami.

"Thank you." sabi ni Jihoon samin at agad naman silang umalis.








"Yerin, akong bahala sayo, lagi lang akong nandito"

Good to me || hoshi [COMPLETED]Where stories live. Discover now