024

50 2 0
                                    

Soonyoung's POV

"Jeonghan? Anong ginagawa mo dito?" sabi ni Mingyu na gulat na gulat

Hindi ko kilala kung sino yun. Tiningnan ko si Yerin at tinanong sya kung kilala nya ba.

"Sino yun?" tanong ko

"Yun yung Jeonghan na sinasabi mo Hansol?" sabi nya at hinarap naman sya ni Hansol at tumango

Ang galing naman, ako yung nag tatanong tapos sya pala kakausapin nya? Yerin my luvs anuba nakaka hurt ka ng feelings pero lablab pa rin kita, alam mo ba yun ha?! Huhuhuhuhu.

"Kuya yun ni Wonwoo" sabi ni Hansol

Tiningnan ko naman ang Jeonghan na sinasabi nila. May hawak itong baril at umiiyak. Nakakatutok ang baril kay Wonwoo. Kung kapatid nya yun, bakit parang galit na galit itong Jeonghan kay Wonwoo?

"Kaya ba halos di mo ko sinisipot tuwing may lakad tayo?! Kasi kasama mo yang Wonwoo na yan? Ano bang sinabi ko sayo Mingyu?!" sabi ni Jeonghan habang nanginginig ang kamay nyang may hawak na baril

Bakas sa mukha ni Wonwoo ang pagtataka. Halos lahat naman kami dito nag tataka. Simula pa lang, si Mingyu ay may pakana nito. Kung di nya kinuha si Yerin edi sana hindi aabot sa ganito. Ang pinag tataka ko lang, bakit nandito si Jeonghan?

"Jeonghan, ibaba mo yang baril" sabi ni Wonwoo

"Hindi! Lahat na lang inaagaw mo sakin. Hindi naman talaga kita kapatid! Anak ka sa ibang lalaki ni mama, kung wala lang utang si mama don sa papa mo edi sana wala ka dito ngayon! Walang Wonwoo na gumugulo sakin!" mas lalo pang hinigpitan ni Jeonghan ang hawak sa baril

"Sorry kuya. Sorry kung nabuhay pa ako pero pakiusap, ibaba mo yan" dahan dahang nilalapitan ni Wonwoo si Jeonghan

"Wag kang lumapit! Nang dahil sayo, kung wala ka, sana kami na ni Mingyu yun pero umepal ka! Sana ikaw na lang ang namatay at hindi si mama!" -Jeonghan

"Jeonghan!" nag salita na si Mingyu

Natahimik naman si Jeonghan nang magsalita na si Mingyu. Kapansin pansin ang pag katakot nya kay Mingyu. Nag lakad si Mingyu papalit kay Jeonghan at sinubukang agawin ang baril sa kanya. Nag agawan sila nang baril. Pero mas malakas si Jeonghan at nakuha nya pa rin ang baril.

"Jeonghan, tama na, ayoko naman talaga sayo" Mingyu in a crack voice.

"Take it back.. say that you love me! You only love me not Wonwoo or anyone else!" Jeonghan pulled the triger this time

"Jeonghan. Ayoko na. Si Wonwoo ang gusto ko hindi ikaw" pagka sabi non ni Mingyu, binalikan nya si Wonwoo

"Then mamatay kana, Wonwoo!" with that, pinaputok na nang tuluyan ni Jeonghan ang baril na hawak hawak nya.

Mabilis namang tumakbo si Mingyu papalit kay Wonwoo. But that was his bad luck... natamaan si Mingyu. Mingyu saves Wonwoo from the psycho Jeonghan. Natulala naman si Jeonghan sa ginawa nya. Imbis na si Wonwoo ang patatamaan nya, ang taong kinababaliwan nya ang natamaan nya. That's what you get for being obsessed to someone who will never be yours.

"Mingyu.." hawak hawak ni Wonwoo si Mingyu na ngayon ay duguan

"Wonwoo... mahal na mahal kita... napilitan l-lang ako sa k-kuya mo..." napapikit si Mingyu sa sakit

"Wag kang mag salit. Tumawag kayo nang ambulansya BILIS!" sabi ni Wonwoo na nag papanic na

"Shh Wonwoo m-makinig ka sakin... o-okay?" tumango naman si Wonwoo habang umiiyak

"...sinet up ako ni J-Jeonghan... p-pag hindi ako n-nakipag break sayo... p-patayin ka nya.. ayaw nya t-talaga sayo dahil sinisisi ka nya sa pagkamatay ng mama n-nyo..." umiiyak na sabi ni Mingyu sabay hawak sa mukha ni Wonwoo

"Pinapatawad na kita.." sabi ni Wonwoo at hinawakan ang kamay ni Mingyu na puno nang dugo

"미안.." sabi ni Jeonghan at pinutok ang baril sa sa ulo nya

Lahat kami nagulat sa ginawa ni Jeonghan. He killed himself for the problem that he can't solve. Kahit sino naman mas pipiliing mamatay na lang kesa mag hirap pa lalo sa problemang kinakaharap nya ngayon. Pero mali yun Jeonghan, mali.

Kinuha ang radyo na nasa bulsa ko. Sinabihan sila Seungkwan na tumawag na nang pulis.

"Wonwoo... take care... m-mahal kita.." at tuluyan nang nawala si Mingyu

"Mingyu, Mingyu. Gising Mingyu. Gising!!" sabi ni Wonwoo habang yakap yakap ang nakababatang kasintahan nito

Lahat kami nalungkot sa nangyari. Nagalit si Wonwoo kay Mingyu na ang gusto lang naman talaga ay maging sila ulit. Si Jeonghan naman na gusto lang makaramdam kung pano mahalin, kung anong pakiramdam na may minamahal. Jeonghan, i didn't know you but you did well. Your just thirsty of what does love taste is.

Ilang minuto pa at dumating na ang mga pulis kasama ang ambulansya. Dinala na nila si Mingyu at Jeonghan. Sila Jimin, Seungcheol at Minghao naman ay dinala nang mga pulis.

"Ito pa sir" sabi ko at tinuro si Hansol

"No, tinulungan nya ako" sabi ni Yerin

What?! Kasabwat sya Yerin. Nag papaniwala ka sa taong to. Mukha lang naman yang anghel pero demonyo yan sa loob.

Nilapitan ni Yerin si Wonwoo at niyakap nya ito. Ang daya Yerin ah, ako nga halos mag kasugat na tapos si Wonwoo niyayakap tapos ako wala?! Why so unfair Yerin!

"Ako wala?" sabi ko

Di ko na matiis. Kanina pa tong Yerin na to eh. Akala ko ba ako lang ha? Ang sama talaga! Di tayo bati! Hindi! Hindi!

"Nag tampo. Damayan natin si Wonwoo oh" sabi nya

"Salamat Yerin. Ikaw rin Hoshi at Hansol" sabi nya pero nakatingin pa rin sa mga kamay nya

"Okay lang yan. Ang importante alam mo nang si Jeonghan talaga ang may pakana kung bakit kayo nag break ni Mingyu non" sabi ni Hansol

Chill lag tong kupal na to. Wala pa rin akong tiwala dito e. Hinarap ko sya at tiningnan nang masama.

"Kasama ka nila nong dinukot si Yerin ah!" sabi ko

"Alam ko lang yung plano nila. Pero di ko sila tinulungan. Matagal na akong umalis sa grupo nila" sabi ni Hansol

"Tama sya Hoshi hyung" sabi nang taong dumating

Tiningnan namin kung sino. Watda pano sila nakapunta dito? Akala ko ba naiwan sila? Hala! Naiwan ba namin sila?

"Nang iiwan kayo ah" sabi ni Donghyun

Si Yeonjun naman ay nilapitan si Yerin. Nakakagulat tong mga to hahahaha.

Nag lakad na kami pauwi. Masaya akong nailigtas namin si Yerin. Ngayon ko na sasabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya para hindi ako maunahan nitong si Wonwoo tsk. Para kahit papano, matawag ko na syang 'Yerin my luvs' hehehhe. Korni pero yun gusto ko eh bakit ba?!

Huminto sa pag lalakad si Yerin. Huminto rin kami. Inunahan nya kami nang lakad nong huminto kami. Humarap sya samin at saka yumuko.








"Salamat sa pag liligtas nyo sakin"

Good to me || hoshi [COMPLETED]Where stories live. Discover now