018 - Kwon's

72 1 0
                                    

"Thank you po" sabi ng babae sakin

Nandito ako kasama si Hansol sa isang store. Bumili ako ng mga pagkain ko dahil wala nang laman ang fridge namin sa bahay. Nag kasalubong kami ni Hansol dito kaya sabay na rin kaming bumili at lumabas ng store.

Nakilala si Hansol dahil kay Jun. Nakekwento kasi nya yun sakin kapag nasa club kami. Madalas nya rin itong kasama kaya nakikilala ko na. Pati yung iba, gaya nila Seungkwan at Dino, kapatid ni Yerin.

Diretso kaming nag lalakad pauwi ni Hansol. Hanggang sa huminto ito.

"Hyung, dito na bahay ko, mauna na ako" sabi nya

"Sige" sabi ko at naglakad na ulit

Napansin kong may nakasalubong syang lalaki, matangkad. Huminto muna ako saglit at tiningnan sila. Naka hood ang lalaki. Di naman nila ako makikita dahil naka sumbrero ako. Tumuloy na ako sa pag lalakad ko hanggang sa may nakasalubong akong isa pang lalaki. Sinundan ko ito nang tingin at nanlaki ng bahagya ang mga mata ko. Si Seungkwan. Papunta sya ngayon kila Hansol. Nakatayo lang ako sa di gaanong malayo at tama lang na makita ko silang tatlo mula rito. Pag kadating ni Seungkwan, agad namang umalis yung kausap ni Hansol.

"Sino yun?" bulong ko sa sarili ko

Si Hansol at Seungkwan na lang ngayon ang nag uusap. Mukhang nag kainitan pa sila dahil pansin kong inis na umalis si Seungkwan. Agad naman akong nag kalakad na nang tuluyan pauwi.

"Nag away ba sila?" pag iisip ko

Dumaan muna ako sa isa pang store para bumili nang gagamitin kong damit para sa contest. Hindi kami pare parehas ng isusuot. By genre lang kami. Pag katapos kong bumili ay agad naman akong dumiretso sa bus station.

"12:45pm na pala" sabi ko habang tinitingnan ang relo ko

Mahigit limang minuto na akong nakaupo rito. Napansin kong nag mamadaling umalis iyong lalaking katabi ko rito. Naka jacket sya. Sinundan ko naman ito ng tingin. Seungcheol? Anong ginagawa nya rito?

Tumingin sya direksyon ko na agad ko namang nilihis ang tingin ko. Shit. Pag kaalis nya, tiningnan ko sya agad. Papunta sya sa direksyon kung nasaan ako galing. Kila Hansol? Hmm.

Dumating na rin ang bus ko pag katapos ng ilan pang minuto. Umupo ako malapit sa bintana dala dala ang mga pinamili ko. Umandar na ang bus ng marahan. Napansin kong medyo nag kakagulo sa labas. May tatlong taong nag hahabulan.

"Yung lalaki yun kanina ah" sabi ko

Si Seungkwan ay hinahabol nila Seungcheol at yung lalaking naka hood kanina. Bakit nila hinahabol ni Seungkwan? Yan lang ng tanong na halos di ko alam kung pano sagutin at kung kanino ako mag tatanong.

"Ano ba!" sabi nang lalaki na nakabangga nong naka hood na lalaki

Umandar na nang mabilis ang bus. Tama lang na maabutan ko ang Seungkwan na tumatakbo. Tiningnan ko sya at mukhang hingal na hingal na sya. Gusto ko sanang bumaba pero umikot kami at sila ay dumiretso.

Napabalik na lang ako sa inuupuan ko at huminga nang malalim. Alam ba nila Jun to? Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng pants ko at tinawagan si Jun.

Dialing... Junhui

"Junhui hyung"

"Hoshi, napatawag ka?"

"Nasaan ka? Busy ka ba?"

"Hindi naman, bakit?"

"Punta ka sa bahay"

"Ha? Ngayon na ba?"

"Oo, may sasabhin akong importante"

"Sige sige"

Call Disconnected

Mukhang nasa panganib si Seungkwan. Yung lalaking naka hood na yun. Hindi ko pa sya nakikita. Hindi rin naman sya sa school namin nag aaral o baka hindi yun nag aaral. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa bahay.

"Salamat po" sabi ko sa driver

"Walang anuman!~" sagot naman nya

Pumasok na ako at inilapag lahat ng mga binili ko. Inayos ko ang mga pagkain at inilagay sa kwarto ang damit na binili ko. Saktong dating naman ni Jun na nasa pintuan ko na ngayon. Pinapasok ko sya at pinaupo sa sofa.

"Ano ba yung sasabihin mo?" sabi nya

Umupo ako sa kaharap nyang sofa na may hawak na soda. Uminom muna ako bago nag salita.

"Tungkol kay Seungkwan" sabi ko

Nanlaki naman ang mga mata. Inayos nya ang upo nya at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Anong meron kay Seungkwan?" diretso nyang sagot

"Nakita ko sya kanina. Hinahabol sya nila Seungcheol at yung lalaking di ko kilala na naka hood"

"Naka hood?"

"Oo, matangkad at medyo tan ang kulay ng balat" sabi ko at uminom

"Sino yun?" sabi nya na naka noot ang noo

"Di ko alam. Nakita ko rin yun kanina, kausap nya si Hansol"

"Hansol?" pag tataka nya

"Oo, kilala mo?" sabi ko at tuluyan nang inubos ang soda ko

"Hindi eh.. Bantayan na lang natin si Seungkwan" sabi nya

Tumango naman ako at tumayo para itapon ang lata ng soda. Kumuha naman ako ng isa pa para ibigay kay Jun.

Hindi ko alam, pero parang may masamang mangyayari. Umalis naman kaagad si Jun pag katapos naming mag usap, may gagawin pa daw kasi sya. Pagka alis nya naisip ko kaagad si Yerin. Kinuha ko ang cellphone ko at sya naman ang tinawagan ko.

Dialing... Yerin mah luvs

"Yerin!"

"Soonyoung? Hello!"

"Hehehe kamusta?"

"Ito, nag papahinga, ikaw?"

"Okay lang din, okay ka lang ba? Ano ba nangyare?"

"Ahh, wala lang to. Nag practice ako dito sa bahay kaya nag papahinga ako saglit"

"Wag kang mag practice masyado baka di ka na nan makapag sayaw, sige ka"

"OA naman hahaha di naman hataw eh"

"Kahit na. Ingat ka pa rin"

"Opo hahahaha"

"Hahaha. May gagawin ka ba ngayon?"

"Hmm? Bakit?"

"Labas sana tayo"

"Labas? Sige, labas ng bahay HAHAHAHA"

"Pangalawa na yan Yerin my luvs ah"

"Ano?"

"Huh?! W-wala! Bye! Pahinga ka na"

"Teka--"

Call Disconnect

Shit. Bat ko ba yun nasabi? Kwon Soonyoung na kakahiya ka! Pano kung narinig nya yun? Pano kung itanong nya yun sayo sa contest? Pano? Panooo?!

Huminga muna ako ng malalim at tsaka kumalma. Nakakahiya.

Good to me || hoshi [COMPLETED]Where stories live. Discover now