Kung Nalaman Ko Lang

8 0 0
                                    

Kung nalaman ko lang na ang lahat ay hindi ko na mauulit
Sana 'yong mga sandaling kasa-kasama kita,akin ng sinulit
Sana 'yong pahina ng tulang magkasama'y hindi na pinunit
Sana 'di na kita binitawan no'ng sa akin ka pa ay nakakapit

Kung nalaman ko lang na ang lahat ay hindi muli magagawa
Sana kinabisado ko na ang paraan ng pagngiti mo't pagtawa
Sana ay mahigpit na kitang yinakap no'ng na nagtatampo ka
Sana pinasaya na kita ng husto no'ng oras na kasama ka pa

Kung nalaman ko lang ang sandali ng huling pagkikita natin
Sana nagawa ko pang maisalba ang lahat ng mayroon sa'tin
Sana ang napipintong pagtatapos ay nakuha pa nating pigilin
Sana hindi na lang nangyari dahil ang hirap sa akin na isipin

Na matapos kang mawala sa akin saka ko lang napagtanto
Saka ko lang nalaman at nakita ang totoong importansya mo
Saka ko lang naramdaman na kailangan kita dito sa tabi ko
Kung nalaman ko lang sanang ikaw pala talaga ang mahal ko

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon