Maaari palang dugtongan pa napunit nating pahina
At sa pagkakataong ito totoong ika'y napasaakin na
Mistulang nakumpuni pag-ibig sa mga pusong makina
Mabagal nitong pagtibok masasabing muli'y tumulin naMinsan mang napagod,nagpahinga ang ating kwento
Ay nagpatuloy na sa pagkakataong ito ako'y kuntento
Ating nabitin na istorya sana'y sabay nating makumpleto
Gagawin natin ng sabay at iisipin na hindi imposible 'toAko at ikaw ay tapos na dahil gaganap na bilang tayo
Nagkalapit na ng tuloyang ang dating sa'tin ay malayo
Pag-ibig ng kahapong lumipas sana ngayo'y mag-ibayo
At alam ko sa sarili kong nadadarama'y 'di balat-kayoSapagka't haharapin ko na ang takot ko na magmahal
Kaya't laging magsisimula kahit pa tayo ay magtagal
Laging magsisimula upang ang pagsasawa'y matanggal
Laging magsisimula upang 'di na tayo umabot sa pinal
YOU ARE READING
Isang Daang Tula
PoetryGinawa ko 'to para makaligtas sa pakiramdam ng pag-iisa,sa sandaling akala mo wala ka ng kakampi,sa sandaling malungkot at walang mapaglabasan ng sama ng loob,sa mga oras na masaya ngunit walang makasama upang magdiwang,Tanging tula at mga tugmang l...