Alam ko marami na 'kong pagkukulang at nagawang kasalanan
Pero sana 'wag akong sukoan kahit 'di na maintindihan minsan
Mahal kita at 'wag kang mag-alala dahil wala ka namang kalaban
Nag-iisa ka lang,walang kasalo kaya sana pasensya pa'y habaanAlam ko marami na 'kong nagawang mali 'di ko 'yon sinasadya
Pero sana 'wag akong iiwanan,takot ako kahit man lang sa banta
Mahal kita at sana 'wag kang mainis kung tinotopak na lang bigla
Nag-iisa ka lang,nag-iisang nakatagal sa ugali kong 'di matantyaPatawarin mo sana ako kung nasasaktan na kita ng labis-labis
'Di ka dapat nasasaktan ng gan'yan at 'di ka dapat pa nagtitiis
Pasensya na,alam ko namang sa ugali ko'y lubos ka ng naiinis
Ngunit sana 'di ako bitawan dahil ikaw lang ang aking ninanaisIkaw ang natatanging babaeng sa puso at sa isip ko'y nakatatak
Ikaw lang ang babaeng hiling kong maging ina ng aking anak
Ikaw lang ang babaeng dinadasal kong maging asawa't kabiyak
Ikaw lang,kaya't patawad dahil nagmahal ka ng merong topak
VOCÊ ESTÁ LENDO
Isang Daang Tula
PoesiaGinawa ko 'to para makaligtas sa pakiramdam ng pag-iisa,sa sandaling akala mo wala ka ng kakampi,sa sandaling malungkot at walang mapaglabasan ng sama ng loob,sa mga oras na masaya ngunit walang makasama upang magdiwang,Tanging tula at mga tugmang l...