Mahal na mahal mo s'ya o baka nga mas higit pa
Sapagka't 'di mo s'ya mabitawan kahit sayo'y masakit na
Nananatili kang nakakapit at 'di makuhang ipagpalit s'ya
Mahal mo nga kasi at labis namang nakakainggit s'yaPero sana ako na lang s'ya nang hindi ka nagkakagan'yan
Sana ako na lang s'ya nang hindi ka sana umiiyak d'yan
Sana ako na lang s'ya nang hindi ka na labis na nasasaktan
Sana ako na lang s'ya upang mithing pag-ibig ay makamtanAt sa sitwasyong meron ka hindi rin tayo nagkakalayo
Ikaw nasasaktan sa kanya habang ako nasasaktan sayo
Ang pagkakaiba lang,merong kayo at wala namang tayo
Isa sa masakit na totoo pero kailangang magbalat-kayoAt magmaskara ng ngiti sa tuwing ikaw ang aking kasama
Tinatago ang sakit sa tuwing dahil sa kanya ika'y madrama
Hindi ko nga alam kung ang ginagawa ko pa ba ay tama
Para lang sa ikabubuti mo kahit na ako pa ang mapasama
YOU ARE READING
Isang Daang Tula
PoetryGinawa ko 'to para makaligtas sa pakiramdam ng pag-iisa,sa sandaling akala mo wala ka ng kakampi,sa sandaling malungkot at walang mapaglabasan ng sama ng loob,sa mga oras na masaya ngunit walang makasama upang magdiwang,Tanging tula at mga tugmang l...