Alam ko masakit pero ang lahat ay akin ng natanggap
Na 'di ka na muling makakasama,'di na muling makakaharap
'Di na muling makakakwentuhan,'di na muling makakausap
'Di na muling mahahagkan at hindi na muli pang mayayakapAt ang lahat ng sa atin nagdaan ay 'di na muling maibabalik
Isang alaala na lang ang ating pinagsaluhang yakap at halik
Hindi na muling mauulit ang lahat kahit pa na manabik
Kailangan tanggapin kahit masakit tila ba pagtapak sa tinik'Di na muling magaganap mga sandaling kasama ko ikaw
Mga oras na magkahawak ng kamay at walang bumibitaw
Mga minutong minamasdan ang bawat kilos mo't galaw
'Di na muli pang makakayakap sa mga gabi na maginaw'Di na muli pang mangyayari pangangarap natin ng sabay
'Di na muli pang matititigan ang kagandahan mong taglay
'Di na muli pang masisilayan ang ngiti mong pamatay
'Di man muli na mauulit salamat sa mga alaalang binigay
![](https://img.wattpad.com/cover/207720933-288-k430479.jpg)
YOU ARE READING
Isang Daang Tula
PoetryGinawa ko 'to para makaligtas sa pakiramdam ng pag-iisa,sa sandaling akala mo wala ka ng kakampi,sa sandaling malungkot at walang mapaglabasan ng sama ng loob,sa mga oras na masaya ngunit walang makasama upang magdiwang,Tanging tula at mga tugmang l...