Karma

4 0 0
                                    

Sana pwede pang makabalik sa mga alaalang pinagsaluhan
Sa mithiing pinagplanohan,sa mga pangarap na pinag-usapan
Sa mga pangako at sumpaan,sa mga tampuhan at suyuan
Subalit paano nga ba kung ako mismo nagawa kang sukoan

Unti-unti kong pinaramdam sayo na 'di na kita kailangan pa
Ugnayang na meron tayo ay dahan-dahang binibitawan na
Umaasta man ako na parang meron pa ang totoo'y wala na
Umiibig ka na lang mag-isa subalit inaakala ko lang pala

Kung kailan kasi bumitaw ka na saka ko lamang napagtanto
Kung kailan wala ka na sa piling ko saka ko naramdaman 'to
Kung kailan malayo ka na saka ko pa nakita ang halaga mo
Kung kailan malabo na ang lahat saka lang nalinawan ako

Obligasyon ko nga palang ingatan,pasayahin at mahalin ka
Obligasyong 'di nagawa ng maayos pero sana'y patawarin pa
Obligasyong 'di ko nagampanan at mas pinili kong paasahin ka
Oras na marahil ng karma ko at hindi ka na mapapasaakin pa

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now